You are on page 1of 4

Lester Jay R.

Acupido

Balangkas ng Dula

I. PAMAGAT
 Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan?

II. NILALAMAN
TAUHAN
 Hugo/ Ka-Hugo- isa sa pangunahing tauhan na asawa ni Ka-Maldang.
 Ka-Maldang- pangunahing tauhan rin sa akda at siya ang asawa ni Ka-Hugo. Palagi
siyang nagrereklamo sa kanyang mga gawaing bahay.
 Kapitbahay na Babae- ang makikilaba sana kina Ka-Hugo at Ka-Maldang. Siya ang
unang nakakita sa mag-asawa na nakaupo lamang na parang statwa at hindi
nagsasalita.
 Albularyo/Mang Tomas- siya ang gumawa ng iba’t-ibang paraan upamg
makapagsalita ang mag-asawa.
 Binibini- ang babaeng biglang dumating at tinatawag na “baby” si Ka-Hugo
 Kumpare ni Ka-Hugo- siya ang isa sa lumapit kanila Ka-Hugo at siya ang kasama nito
na pupunta sa sabungan pagsapit ng gabi.

TAGPUAN
 Sa tahanan nina Ka-Hugo at Ka-Maldang

III. KAYARIAN
DYANRA
 Dulang Komedya

TEORYA
 TEORYANG KULTURAL
Sa dula, makikita na ito ay nasa Teoryang Kultural sapagkat alam naman
natin na ang mga gawaing bahay ay laging ginagawa ng mga kababihan.
Makikita rin dito sa akda ang pag-a-ander ng misis sa kanyang mister na
bahagi na rin n gating kultura.
Dito rin makikita ang paniniwala sa mga Albularyo sapagkat noong unang
panahon noong wala pang mga doctor ay mga albularyo ang takbuhan ng
mga tao.
 TEORYANG FEMISMO
Dahil sa pangunahing tauhan na si Ka-Maldang, papasok rin dito ang
Teoryang Feminismo sapagkat makikita natin ang kanyang karakter bilang
isang asawa kay Ka-Hugo. Isa pa rito ang pagiging matapang na asawa.
Ang kumara ni Ka-Maldang ay nagpapakita rin ng Teoryang Feminismo
sapagkat alam naman natin na karamihan sa mga nagbibigay ng “tsismis” o
mga hindi totoong balita ay nanggaling sa babae. (walang halong
diskriminasyon sa pagiging tsismosa ngunit iyon ang aking nakikita ngayong
kasalukuyan.)
 TEORYANG REALISMO
Sa Dula, makikita ang pagtatalo kung sino ang maghuhugas ng pinggan, ang
pagsusumbat ng mga ginagawa ng isang asawa sa gawaing bahay, ang
panghihiram ng gamit ng mga kapitbahay, ang pagiging tsismosa/tsismoso
at ang paniniwala sa albularyo. Dito makikita na hanggang ngayon ay
nangyayari pa lamang ito. Sa simpleng paghuhugas pa lamang ng
pinagkainan sa tahanan ay pinagtatalunan na kung sino ang gagawa nito.

IV. BUOD
 Ang akda ay nagsimula sa pagtatalo ng mag-asawa na si Ka-Hugo at Ka-Maldang
kung sino ang maghuhugas ng pinggan. Dito ay patuloy ang kanilang pagtatalo
hanggang sa hinabol ng walis ni Ka-Maldang si Ka-Hugo at ito’y nagtago sa ilalim ng
mesa. Sa pagtatago ni Ka-Hugo ay nakaisip siya ng isang solusyon sa kanilang
pagtatalo. Ito’y kaniyang sinabi sa kanyang asawa at pumayag naman ito. Ang
solusyon na ito ay kung sino lamang ang unang magsasalita ay siyang maghuhgas ng
kanilang pinagkainan hindi lamang ng pinagkainan ngunit pati na rin ang mga
malalaking kawali at ang mga Tupperware na pupong-puno ng mga mantika. Nang
sila ay nagsimula na, biglang dumating ang kanilang kapitbahay na makikilaba sana
sa kanila. Napansin niya na walang nagsasalita nang siya ay nagpapaalam at nang
nakita niyang bukas ang pinto, pumasok ito at nagulat siya sa kanyang nakita. Agad
niyang niyugyog ang balikat ng mag-asawa na nagmistulang istatwa at hindi
nagsasalita. Agad nitong tinawag ang kanilang mga kapitbahay at agad namang
pumunta ang mga ito. Gumawa sila ng iba’t-ibang paraan upang makapagsalita ang
mag-asawa. Agad naman nilang tinawagan si Mang Tomas isang magaling na
albularyo sa kanilang barangay. Ginawa na lahat ng Albularyo ngunit hindi pa rin
nagsasalita ang mag-asawa. Kaya naisip niyang magpagawa ng dalawang ataul at
ilibing ng buhay ang mag-asawa sapagkat baka kumalat pa ang sumpa sa kanilang
baranggay. Sa pagbuhat kay Ka-Maldang, hindi na ito nakatiis at nagsalita na ito.
Humiyaw ng malakas at sinabihang pakialamero ang kanilang kapitbahay at
pinalayas ang mga ito. Sa kabilang banda naman ay labis ang tuwa ni Ka-Hugo
sapagkat siya ang nanalo. At dito na nagsimula kung “Bakit nga ba Babae ang
naghuhugas ng Pinggan.”

V. PAGSUSURI
GINTONG ARAL
 Bilang mag-asawa, dapat magtulungan palagi upang maiwasan ang hindi pag-
uunawaan pagdating sa gawaing bahay. Ang hindi pagkakaunawaan ay hindi
maiiwasan sa mag-asawa ngunit lahat ng ito ay may solusyon.
 Huwag makialam sa problema ng ibang tao sapagkat hindi natin alam kung ano ang
pinagdaraanan nila. Ika nga nila sa Ingles, “Mind your own Business.”

TAGLAY NA BISA
 BISANG PANDAMDAMIN
Sa aking pagsusuri, dapat huwag tayong makialam sa problema ng ibang
tao. Maging sensitibo tayo sa ating mga ating gagawing aksyon sa
panghihimasok sa problema ng may problema sapagkat hindi natin alam
kung tayo ba ay makatutulong o mas mapalalala natin ang kanilang
problema.

 BISANG PANGKAASALAN
Sa pagiging sensitibo sa lahat ng bagay, dapat huwag nating ugaliing
pumasok sa may bahay nang may bahay kung hindi tayo pinapayagan.

 BISANG PANGKAISIPAN
Ugaliing irespeto ang “privacy” ng ibang tao. Huwag gumawa ng mga aksyon
na taliwas sa gusto ng mga taong nakapalibot sa iyo.

KAMALAYANG PANLIPUNAN
 Alam naman natin na madalas na maiwan ang babae sa bahay kaya trabaho nila
lahat ang maglinis ng bahay, maglaba, maghugas ng mga pinagkainan at iba pa.
Dito makikita na ngayon, ay gawain pa rin ng mga babae ang mga ito.
 Tulad sa dula, sa panahon ngayon hindi rin maiiwasan ang mga kapitbahay na
tsismosa. Dito natin makikita ang panghihimasok ng ibang tao sa may buhay ng
may buhay at sa may problema nang may problema.
 Makikita rin sa dula ang pagiging masalita o mabunganga ng mga asawang babae
(Hindi lahat) sa kanilang asawa na sa kasalukuyang panahon din ay nangyayri. Isa
pa rito ang pagiging matatakutin ng mister sa kanyang misis o sa madaling salita
ang pag-a-ander ng misis sa kanyang mister na makikita rin ngayon dahil kapag
darating suweldo ng mga mister ay ang babae ang nagbabadget at sila ang
nasusunod minsan sa kanilang tahanan.

You might also like