You are on page 1of 1

Repleksyon Tungkol sa Filipino Bilang Panturo at Pananaliksik

sa Humanidades at Agham Panlipunan

Filipino ang siyang Pambansang Wika ng ating bansan marapat na itoy palaguhin, alagaan at
pagyabungin. Ang pagtuturo gamit ang Wikang Filipino ay hindi madali sapagkat kailangan mo munang
maging mahusay o magkaroon ng kaalaman bago maituro ito. Maari na rin itong gamitin sa iba’t-ibang
asignatura lalong-lao na sa Humanidades at Agham Panlipunan.

Para sa akin, maaring gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Humanidades at Agham
Panlipunan. Dito mas maipahahahayag o maibibigay ng isang guro ang nais niyang impormasyon sa mga
mag-aaral. Sa paggamit nito, mas mapapayabong natin ang ating wika. Dito mas mabibigyang pansin ang
ating wika sa pag-aaral. Ngunit hindi lahat ng mga terminolohiya ay may tumbas sa wikang Filipino kaya
maaring gumamit ng ingles sa mga terminolohiyang ito at Filipino naman sa pagpapaliwanag nito.

Sa pananaliksik naman, ako ay nagdadalawang isip kung gagamitin nga ba ang Wikang Filipino
rito. Sapagkat alam naman natin na mahirap gumawa ng isang pananaliksik gamit ang Filipino. Sa
pananaliksik gamit ang wikang ito, limitado ang mga resources sapagkat iilan pa lamang ang nanaliksik
sa Humanidades at Agham Panlipunan gamit an gating wika. Mahirap bumuo ng isang pananaliksik
gamit ang Filipino kumpara sa ingles sapagkat ang mga pag-aaral na sumusuporta sa iyong punto o
suliranin ay halos nailimbag sa mga ingles.

Sa kabuuan, hindi madali ang paggamit ng Wikang Filipino hindi lamang sa larangan ng
Pagtuturo pati na rin sa Pananaliksik. Mas magagamit ang wika natin sa mga larangang ito kung mas
mapapaunlad pa natin ang ating wika. Maaaring bumuo ng mga talasalitaan at malalim na pag-aaral sa
mga termilohiya sa ingles na wala sa Filipino upang sa takdang panahon ay hindi na mahirapan ang mga
tao na gamitin an gating Wika sa Panturo at Pananaliksik.

You might also like