You are on page 1of 2

Ang Dayalekto

1. Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain at ginagamit sa
isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit.

2. Makilala ang dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi
maging sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap.

3. Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang
wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan at pamayanan, lalawigan. Ito rin ang wikang
unang kinagisnan, naririnig at namumutawi sa bibig ng mgfa tao, ng mga magulang sa tahanan at
sambayanan. Ito'y nagsisilbing midyum ng komuunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing
katutubong wika ay nabibilang.

4. Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag na wika ay m,as
maraming aytem kaysa sa dayalekto. Kaya't ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng dayalekto
nito tulad sa Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa Metro Cebu.

5. Batay sa prestihiyo, ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa dayalekto. Kung ito ay
pagbabatayan, ang wikang Ingles halimbawa na ginagamit sa pormal na pagsulat ay istandard na Ingles
samantalang dayalekto lamang iyong hindi nagagamit ng gayon, bagamat sa pananaw ng linggwistika ay
walang wikang mataas o mababa.

Sa pahayag ni Curtis Mc Farland, nauuri raw sa tatlo ang dayalek:

a. Dayalek ng sosyal
- Ito ay naiiba sa heograpikal na dayalek dahil ito ay ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao
sa lipunan. Ang isang taong kabilang sa isang pangkat ay may ibang pananalita
kumpara sa iba na mula sa ibang uri ng lipunan kahit na sila ay nasa iisang lugar.

b. Diskretong Dayalek
- Masasabing ito ay hiwalay sa ibang dayalekto. Dulot ito ng heograpikong lokasyon at
pagiging “distinct” na dayalekto.

- Halimbawa nito ang Tagalog-Marinduque na hindi makikakaila na malayo na sa ibang


dayalektong Tagalog.

c. Dayalektikal na Varsasyon
- Ang pokus ditto ay pagbabahagi ng salita o distribusyon ng ilang salita, aksent at
pagbigkas ng wika sa loob ng isang “Language area”.

- Halimbawa, katulad ng wikang Tagalog sa Laguna. Wikang tagalog sa Cavite at Wikang


Tagalog sa Batangas

You might also like