Professional Documents
Culture Documents
A. Heterogeneous na Wika
Ang Heterogeneous na Wika ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous(magkaiba) at
genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous. Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng
tao, ayon sa lipunan ng kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na
natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng iba’t ibang barayti ang ating wika. Una ay mga
permanenteng barayti kung saan ay nakasama ditto ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.
Halimbawa: Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito ay
may iba’t ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog
Quezon.
B. Homogeneous na Wika
Ang Homogenous ay pagkakatulad ng mga salita ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
1. Instrumental
Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang
paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling
ito.
2. Regulatoryo
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng direksyon sa
pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.
3. Interaksiyunal
Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan;
pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari ;paggawa ng liham-pangkaibigan , at iba
pa.
4. Personal
Ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin ditto
ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang
anyo ng panitikan.
5. Heuristiko
Ginagamit sa pagkuha o pagkahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa rito ay ang pag-interbyu, pakikinig sa radio, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng
pahayagan, blog at aklat.
6. Impormatibo
Ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon,
ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
7. Representasyunal
Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari,
paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.