You are on page 1of 12

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN


Pag-asa St., Malhacan, City of Meycauayan, Bulacan

Activity Sheet 9
sa
FILIPINO
Unang Markahan – Ikaapat na Linggo
Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng
tunggaliang tao vs. sarili
F9PU-Ic-d-42
Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay
opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa)
F9W-I-cd-42G
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming
inihayag sa napakinggang tula.
(F9PN-Ie-41)
LAYUNIN
Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng
tunggaliang tao vs sarili

PAGTALAKAY
Alalahanin Natin!
Isa sa mga sangkap ng nobela ay ang tunggalian na
humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa
mga pangyayari sa kwento. Sa nobela maaaring higit sa isa ang
tunggalian na maaaring panloob (tao laban sa sarili) o panlabas
(tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan, at
tao labana sa tadhana).

1. Tao laban sa sarili – Ito ay panloob na tunggalian dahil


nangyayari ito sa loob ng tauhan. Halimbawa nito ang suliraning
may kinalaman sa moralidada at paniniwala. Karaniwang
pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin-ang tama o mali,
mabuti o masama. Maaari rin naming tungkol sa pagsupil sa
sariling damdamin. Ang tauhan lamang ang nakareresolba sa
hinaharap niyang suliranin.
Halimbawa:
Ano bang dapat kong gawin Paginoon, mahal na mahal ko
siya ngunit mayroon na siyang pamilya!
Upang matapos na ang lahat, magpapatiwakal na lang kaya
ako?
2. Tao laban sa Tao
Ang tunggaliang ito ay ang pangunahing uri ng panlabas na
tunggalian. Dito, ang tauhan ay nakikipagbangayan sa isa pang
tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o
mabuting tao laban sa masamang tao. Maaaring dulot ito ng
pagkakaiba nila sa pamantayan ng moralidaad, posisyon sa
lipunan o paniniwala.
3. Tao laban sa kalikasan
Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan o mga tauhan ay
direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.

2
Halimbawa nito ang karanasan ng mga tauhan habang at
pagkatapos ng isang natural na kalamidad o biglaang pagsabog
ng bulkan na nagbabanta sa buhay ng mga tao sa lugar.
4. Tao laban sa Lipunan
Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang
tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.
Nangyayari din ito kapag tahasang binabangga ng tauhan ang
kaayusang sa tingin niya ay sumusupil sa kaniya. Ang nobelang may
tauhang nakikipagtunggali sa mapaniil na kultura at ideolohiya ay
katangian ng tunggaliang tao laban sa lipunan. Dalawa ang
maaaring kahihinatnan nito; magtagumpay ang tao o magapi siya sa
sinumang kinakalabang sistema.
5. Tao laban sa Tadhana
Nangyayari ang tunggaliang ito kapag ang tadhana ang nagdidikta
sa mga nangyayari sa tauhan. Maaari niya itong labanan. Sasabihin
niyang siya ang magtatakda ng kaniyang kapalaran at gagawa siya
ng paraan upang baguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Ngunit sa
huli ay karaniwang nagwawagi ang tadhana. Ang pagbalik sa
nakaraan sa pamamagitan ng “time machine” upang maiwasan ang
pagkamatay ng minamahal ay halimbawa ng ganitong tunggalian.
Tipikal na halimbawa rin ang mga kwento ng mga ordinaryong tao
na itinadhanang maging makapangyarihan.
6. Iba pang Tunggalian
Maidadagdag din sa uri ng tunggalian ang tunggaliang tao laban
sa Diyos o “supernatural” na nilalang. Kabilang dito ang mga
suliranin na may kinalaman sa mga halimaw, “alien”, multo, lamang-
lupa, at iba pa.
Isa pa ang tao laban sa makina o teknolohiya. Sa tunggaliang ito,
nilalabanan ng tauhan ang mga entidad na may artipisyal na
katalinuhan katulad ng mga robot.

Basahin: “Mga Patak ng Luha ”.


Halaw sa Taare Zameen Par ( “Every Child is Speacial”)
Bollywood Film India
Paalala: Maaaring mapakinggan at mapanood ang kwento
ito gamit ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=iMEcga1gy38&feature=share

Mga Patak ng Luha


Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang


nagpabago,nagpapabago at magpapabago ng aking mundo… at marahil ng
pagpapahalaga…bilang isang guro.

3
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang
kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman
ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing
gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi
ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit
wala namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala
namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio.Nakipagsabayan sa
malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang
pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… titser…Napukaw
agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala marahil ng
pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena.
Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong
guro… at isa rin akong magulang.
Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan
ng kaniyang mga magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang
nakatatanggap ng parusa.Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad.
Bobo. Tanga.Walang alam. Idiot.Wala siyang tanging masusulingan kundi
ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryo ng
paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa.
Siya’y mahina pa. hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat
na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang ama.Maging ang
kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama, nagiging
sunod-sunuran rin siya.
May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase,
dahil sa kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pag-
aaral.Sadyang mabagal ang kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at
pagsusulat. Mas madalas na nagkakabaligtad ang b at d, mga salitang
pareho ang bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang mga bilang ay
nagkakabaligtad din palaging wala sa ayos ang pagsusulat.

Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh Sir.


Nakaunawa. Nagpahalaga. Nagmahal. Nagbahagi. Hanggang si Ishaan ay
natuto. Sadyang napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang itinanghal
na pinakamahusay na artist sa buong paaralan ng New Era High School.
Ito ang nagpabago ng kaniyang kapalaran. Nagpabago ng pagtingin ng
kaniyang mga magulang. Nagpabago ng sistema ng iba pang guro.. at
marahil.. nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang isang guro.Iba-iba ang
mga batang ating tinuturuan.Lahat sila may iba’t ibang katangian at
kakayanan.Iba ang isa sa isa. bawat isa ay may pagkabukod-tangi.Ang
katangian ng isa ay hindi katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya
ng isa.Hanapin lang natin kung ano ang mayroon sa kanila. Iyon ang ating
pagyamanin. At higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay minamahal at
inaalagaan upang makakampay para sa pag-abot ng kanilang mga
pangarap.
Buhat sa pagkakatalungko ko sa aking likmuan, habang marahil ay
namumugto na ang aking dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa
gurong aking pinanood. Kinapa ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko
ang aking sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito? Nakikita ko ba ang
aking sarili sa kaniya?. Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking

4
sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay
isa lamang panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw.
Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao. Hinayaan
kong umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin
ang aking tanong… Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa
labas ng silid? ang sagot.. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa maraming
aspeto. Dahil tayo ay may kaniya-kaniyang pagkabukod- tangi.Bawat bata
ay may istilo ng pagkatuto. May kaniya-kaniyang katangian at kakayahan.
Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso
ko, una sa lahat ang mga estudyante ko.

GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin
kung anong uri ng tunggalian ang mga ito. Isulat ang sagot sa
patlang.

_______________1. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Larawan din ba


ako ng gurong ito? Nakikita ko ba ang aking sarili sa kaniya?. Nahirapan
akong sumagot. Nahihiya ako sa aking sarili.
_______________2. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking
sarili na iyon ay isa lamang panoorin.
________________3. Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito
naintindihan ng kaniyang mga magulang… at ng kaniyang mga guro.
________________4. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw.
Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao.
_________________5. Palagi siyang nakatatanggap ng parusa. Pinapalo.
Sinasabihan ng masasakit.

GAWAIN 2
Panuto: Mula sa iyong natutunan sa binasang akda, magtala
ng pangyayari na nagpapakita ng sumusunod na tunggalian:

1. Tunggaliang tao vs sarili


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
2. Tunggaliang tao vs tao
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

LAYUNIN
Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay
opinyon (sa tingin / akala / pahayag /ko, iba pa)

PAGTALAKAY
Alalahanin Natin:

Ang opinyon ay paliwanag lamang batay sa mga


makatotohanang pangyayari. Ito ay saloobin o damdamin ng
isang tao tungkol sa nagaganap o pangyayari sa kaniyang
paligid. Ito ay hindi maaaring mapatunayan kung tama o mali.
Ang ilan sa mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon ay
ang mga sumusunod:
• Buong giting kong sinusuportahan ang…
• Kumbinsido akong…
• Lubos kong pinaniniwalaan…
• Labis akong naninindigan na…
Ang ilang pahayag sa pagbibigay ng neutral na opinyon ay ang
mga sumusunod:
• Kung ako ang tatanungin…
• Kung hindi ako nagkakamali…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Sa totoo lang…
• Sa aking pananaw…
• Sa nakita ko…
• Sa pakiwari ko…
• Kung ako ang tatanungin…
• Sa ganang akin…
• Para sa akin…

6
GAWAIN 1
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na pahayag ay
nagbibigay ng opinyon. Iguhit ang ☺ kung ang ito ay
nagbibigay ng opinyon at iguhit naman ang  kung ito ay
hindi nagbibigay ng opinyon.

_______1. Walang magsasakang yumayaman.


_______2. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti
ng nababawasan ang mga out-of- school youth.
_______3. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.
_______4. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
_______5. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas.
_______6. Sa pagkakaalam ko, karamihan ng mga lalaki ay manloloko.
_______7. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa sa mga
magulang.
_______8. Ang covid-19 ay sakit na maituturing na isang pandemya.
_______9.Ang covid-19 ay matagumapay na hinarap ng gobyerno ng
Pilipinas.
_______10. Maraming kabataan sa ngayon ang nalulong sa ipinagbabawal
na gamot.

GAWAIN 2
Panuto: Magbigay ng iyong sariling opinyon sa isyu sa
ibaba. Gumamit ng mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon.

1. Kailangan ding kumilos ng mga mamamayan para sa pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Dapat ba o hindi dapat isabatas ang anti-terrorism bill?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__

7
3. Dapat ba o hindi dapat matutunan ng mga babae ang mga gawaing
panlalaki?
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Dapat bang ipagmalaki ng lalaki ang paghahanap-buhay ng kanyang
asawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Dapat ba o hindi dapat maglayas ang isang anak kapag napagalitan ng
magulang?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

LAYUNIN
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag
sa napakinggang tula.

PAGTALAKAY
Alalahanin Natin!
Isa sa magandang katangian taglay ng isang tao na
ipinagkaloob ng Diyos ay ang angking kakayahan at kasanayan
na mailarawan ang mga bagay o pangyayari na kanyang namamalas o
naririnig sa paligid.
Maging ang kanyang nararamdaman na pagkalungkot, kasiyahan,,
pagkatakot, o ano pa mang emosyon ay kayang-kaya niyang mailarawan..
Maraming kaparaanan kung paano maihahayag ng tao ang
kanyang nadarama. Ang mahalaga ay maipaabot niya ang kanyang nais
na damdamin o emosyon na siyang magiging daan sa malinaw, maayos,at
mabuting relasyon niya sa kanyang kapwa at kapaligiran.
Isa sa mabisang paraan ng paglalarawan at pagpapaabot ng
damdaming nadarama ng tao ay sa pamamagitan ng tula o pagtula.
Kung saan maiuugnay ng mambabasa o tagapakinig ang kanyang
damdamin sa nilalaman o damdamin ng tula.

8
Tunghayan ang halimbawa ng pagpapahayag ng damdaming
nararamdaman ng isang tao na ipinahayag niya sa pamamagitan ng tula
na maaari maiugnay natin sa ating sariling damdamin.

Basahin: “Elehiya para kay Ram”.

Paalala: Maaaring mapakinggan at mapanood ang tulang


ito gamit ang link:

https://m.youtube.com/watch?v=XeuHSlz-H4

ELEHIYA PARA KAY RAM


ni Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayos, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

9
GAWAIN 1
Panuto:
Tukuyin ang damdaming namamayani sa tula at sa
damdaming naramdaman mo na nais na ipahiwatig sa bawat
taludturan ng bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Bahagi ng taludtod mula sa tula. Damdamin Damdamin


sa tula ko
1.Noon, ang bawat paghakbang ay isang
pagtalunto,
Isang pagtahak sa matuwid na landas upang
marating ang paroroonan.
2. Ang bawat paghakbang ay may
patutunguhan,
Ang bawat paghakbang ay may mararating
Ang bawat paghakbang ay may
pagsasakatuparan
3. Kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
Kulturang rerespeto sa mga babae’t matanda
4. . Kulturang patuloy na sumisibol at
ipinapupunla ng tradisyong pampamilya,
pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at
pambansa. Na dinilig ng maraming
pagpapaalala, paggabay at patnubay.
5. Kulturang patuloy na sumisibol at
ipinupunla ng tradisyon

GAWAIN 2

Panuto:
Grapikong Representasyon.
Iugnay mo ang iyong damdaming naramdaman sa
damdaming namamayani sa tulang binasa/napakinggan
na “Elehiya para kay Ram”.
Gamit ang grapikong representasyon ikumpara mo ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng damdaming nadama mo habang
binabasa/pinakikinggan ang tula.

10
PAGKAKAIBA:
Damdaming ipakita sa tula..

11
All Rights Reserved
2020

ACKNOWLEDGEMENT

CAROLINA S. VIOLETA, EdD


Schools Division Superintendent

JERRY D. CRUZ, PhD, CESE


Asst. Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, PhD


Chief, Curriculum Implementation Division

EDWARD C. JIMENEZ, PhD


Education Program Supervisor- LR Manager

NENITA J. BARRO
Education Program Supervisor-Filipino, MTB

MARY GRACE V. OROZCO/MA. THERESA R. PINEDA


KATHLYN JOY D. DAVID
Content/Language/Layout Evaluator

NEMIA MAY O. ABITAGO/MA. CECILIA D. EMBING


–MNHS-CAMALIG
Developer/Writer

12

You might also like