You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 8

Bilang 6 Kuwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral:____________________________________________________

Baytang/Seksiyon:______________________________ Petsa:_________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Si Florante ay ang binatang nakagapos sa puno ng Higera.
Nag-iisa siya sa gubat na mapanglaw. Labis na pagdurusa,
pagkalungkot, paghihinagpis, at sakit ang kanyang naranasan.
Dumating din si Florante sa pagkakataon na kahit ang kanyang sarili
ay kinakausap na niya.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin


tungkol sa:
- pagkapoot
- pagkatakot
- iba pang damdamin
(F8PU-IVc-d-36)
III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!

Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI


kung ang pahayag ay hindi wasto.

_________________ 1. Ang matatalinhagang salita ay binibigyan ng


literal na kahulugan.

_________________ 2. Pagsasatao ang uri ng tayutay kung saan ang


kilos ng isang tao ay ginagawa ng isang bagay.

_________________ 3. Ang matalinhagang ekspresyon, simbolismo, at


tayutay ay nagbibigay kariktan sa tula.

__________________4. Pagmamalabis ang uri ng tayutay na


nagpapahayag ng pagkaeksaherado o malayo sa
katotohanan.

__________________5. Ang matalinhagang ekspresyon, simbolismo, at


tayutay ay mga salitang di- tuwiran o di-tahasang
nagpapahayag ng kahulugan.
1
B. PAG-ARALAN MO!

Ang MONOLOGO ay isang uri ng pagsasadulang pampanitikan


na ginagampanan ng iisang tao lamang. Maaaring ito’y pagsasalita
ukol sa kanyang kaisipan na ipinararating sa mga manonood, o sa
karakter na kanyang ginagampanan. Ito ay pangkaraniwang
isinasagawa sa mga panooring pandrama. Ang monologo ay
pagpapahayag ng saloobin o damdamin.

Narito ang saknong mula sa Florante at Laura kung saan


ipinahayag ni Florante ang kanyang saloobin o damdamin.

26 “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,


Langit na mataas, aking mababata;
isagi Mo lamang sa puso ni Laura-
ako’y minsan-minsang mapag-alaala.”

27 “At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,


malawak na lubhang aking tinatawid;
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib.”

28 “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya


nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa;
higit na malaking hirap at dalita,
parusa ng taong lilo’t walang awa.”

“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin,


29
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
at tinatangisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.”

“Kung apuhapin ko sa sariling isip


30
ang suyuan namin ng pili kong ibig,
ang pagluha niya kung ako’y may hapis
nagiging ligaya yaring madling sakit.”

31“Nguni, sa aba ko, sawing kapalaran!


ano pang halaga ng gayong suyuan…
kung ang sing-ibig ko sa katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?”

32 “Sa sinapupunan ng Konde Adolfo


aking natatanaw si Laurang sinta ko,
kamataya’y nahan ang dating bangis mo
nang di ko damdamin ang hirap na ito?”

2
C. PAGSANAYAN MO!

Anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat pahayag? Isulat


ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_________________ 1. Hindi ko matatanggap na pinatay niya ang aking
ama!
_________________ 2. Masakit isiping ang mag-ama ay nagkaharap sa
isang pagtutunggali.
_________________ 3. Ang aking iniibig ay nasa kandungan na ng iba.
_________________ 4. Titiyakin kong pagbabayaran niya ang lahat ng
kataksilan at paghihirap ko ngayon.
_________________ 5. Masayang balikan ang mga maliligayang sandali
na kami ang magkasama.

D. TANDAAN MO!

Ang monologo ay ginagampanan ng isang tao lamang. Ito ay


nagpapahayag ng saloobin o damdamin na nais iparating sa tagapanood
o tagapakinig.

IV. PAGTATAYA

Bumuo ng isang monologo na naglalaman ng pansariling


damdamin tungkol sa pagkapoot, pagkatakot, at iba pang damdamin.
Lagyan ito ng sariling pamagat.

PAMANTAYAN SA PAGMARKA:
Malinaw na paghahatid ng mensahe - 10 puntos
Paggamit ng pansariling damdamin - 10 puntos
Wastong gamit ng mga salita - 10 puntos
Kabuuan - 30 puntos

3
V. SUSI SA PAGWAWASTO
PAGBALIK-ARALAN MO
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA

PAGSANAYAN MO
Subhetibo ang sagot.

PAGTATAYA
Bibigyan ng puntos batay sa pamantayan sa pagmamarka.

VI. SANGGUNIAN

Obra Maestra. Florante at Laura (2002). Quezon City: Rex Printing


Company, Inc.
http://hayzkul.blogspot.com/2009/08/monologo

Inihanda ni:

ESSENE INAH P. PLAZA,


Guro II, Manunulat
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

Tiniyak ang kalidad ni:

ROSALIE Z. MORA
Ulong Guro I
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

You might also like