You are on page 1of 1

FILIPINO 9

GAWAIN BLG. 3.2


Paksa: ELEHIYA

KONSEPTO:
Ang Elehiya ay isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian o
kaligayahan. Binibigyang-parangal dito ang mga nagawa ng yumao.

ELEMENTO NG ELEHIYA
1. Tema – ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng
pagbasehan ang karanasan.
2. Tauhan – taong kasangkot sa tula
3. Tagpuan – lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
4. Kaugalian o Tradisyon
5. Wikang Ginamit
 Pormal – salitang istandard
 Impormal – madalas gamitin sa pang-araw-araw nap ag-uusap
6. Simbolismo – paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan
7. Damdamin

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa antas ng pagpapahayag ng damdamin, emosyon o saloobin.


Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin na may pagbigat o paglaki ng nararamdamang emosyon. Sa makatuwid,
ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa pagpapataas ng antas ng emosyon. Nagagamit ito sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayan ang kahulugan.
Halimbawa:

4. poot
3. galit
2. asar
1. inis

Makikita sa halimbawa na ang poot ang pinakamasidhi habang ang salitang inis naman ang di-masidhi.

GAWAIN
PANUTO: Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang
bilang 3 para sa pinakasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 naman sa di-masidhi. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot
at ipasa sa class mayor.

1. _____pagkamuhi
_____pagkasuklam
_____pagkagalit

2. _____nasisiyahan
_____natutuwa
_____masaya

3. _____pangamba
_____kaba
_____takot

4. _____sigaw
_____bulong
_____hiyaw

5. _____lungkot
_____lumbay
_____pighati

You might also like