You are on page 1of 22

Modyul 4:

Damdamin at
Motibong
Namayani sa
mga Tauhan ng
Florante at
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng
mga kasanayan o aralin sa:
• Pagsulat ng isang monologo ng mga
pansariling damdamin
• Paglalahad ng mga damdaming namayani sa
mga tauhan batay sa napakinggan
• Pagsusuri sa mga sitwasyong nagpapakita
ng ibat’ibang damdamin at motibo ng
mga tauhan
Balik-aral
Sa gawaing ito, bigyang kahulugan
ang matalinhagang ekspresyong tayutay
na mababasa sa tulang Florante at
Laura. Tukuyin kung anong uri ng
tayutay ang pahayag.
1. “Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking
puso”

A.Personipikasyon
B.Simili
C.Metapora
D.Apostrope
E.Pagmamalabis
2. Makinis ang balat at anaki’y burok
pilikmata’t kilay mistulang balantok.

A.Personipikasyon
B.Simili
C.Metapora
D.Apostrope
E.Pagmamalabis
3. Si Florante ay parang halamang lumaki
sa tubig.

A.Personipikasyon
B.Simili
C.Metapora
D.Apostrope
E.Pagmamalabis
4. Isang lobong nangangalit ang kahalintulad
ni Menandro.

A.Personipikasyon
B.Simili
C.Metapora
D.Apostrope
E.Pagmamalabis
5. Halos buong gubat ay nasasabugan na
dinaing-daing na lubhang malumbay.

A.Personipikasyon
B.Simili
C.Metapora
D.Apostrope
E.Pagmamalabis
Tuklasin
Basahin mo ang palitan ng pahayag
ng mga tauhan sa larawan o pakinggan
ang kamag-aral na babasa nito nang
madamdamin. Pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong.
151
“Anong gagawin ko’y aking napakinggan,
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita’t pinagmumuntikanan,
ng dalawang ganid ng bangis na tangan?”
1. Anong damdamin ang namayani sa dalawang
tauhang nag-uusap?

2. Ano ang motibo niya kung bakit niya


tinulungan ang taong kaniyang kausap?

3. Ano ang ninanais mangyari ng taong


tinulungan?
Alam mo ba?

Ilan lamang sa mga bahagi ng awit na nagpapakita ng


damdamin at motibo ng mga tauhan ay ang
sumusunod na mga saknong.

1. Mapanglaw na Gubat-saknong 1-11


2. Reynong Albanya-saknong 12-25
3. Nasaan ka Laura-saknong-26-38
4. Nagbabalik sa Gunita-saknong 39-54
5. Halina Laura-saknong 55-68
6. Pagdating ng Gerero sa Gubat-saknong 69-82
7. Walang Kapantay Magmahal-saknong-83-97
Alamin mo…

Sa pamamagitan ng pagbabasa,
natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin,
at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto
o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang
saloobin at karanasan ng may-akda sa kaniyang
isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan
ng mga salitang ginamit niya sa teksto o akda
katulad ng ating gagawing pagsusuri sa obra
maestrang Florante at Laura.
Damdamin (emotion) – Tumutukoy ito sa
saloobin o emosyong nalilikha ng
mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring
tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga,
pagibig, pagkahumaling, pagnanais,
pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang
pag-asa, katapangan, pangamba,
pagkainis, pagkayamot, at iba pang
emosyon o damdamin.
Halimbawa:

Saknong (35)

Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,


Kung ito’y makita’y magmamahabagin;
Matipid na luha ay paaagusin,
Ang nagparusa ma’y pilit hahapisin.

(Ang saknong na ito ay naglalaman ng damdamin ng pagkaawa sa


taong makakikita sa kalagayan ng binatang nakagapos)
Motibo - Ito ay nangangahulugang
dahilan, sanhi ng pagkilos o paggalaw
ng tauhan, balak o planong gawin
(negatibo o positibo man) sa ibang
tauhan sa akda
Halimbawa:
Saknong (20)

“Sa korona dahil ng haring Linceo


At sa kayaman ng dukeng ama ko,
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo,
Sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.
(Ang saknong na ito ay nagpapakita ng motibo ni Konde Adolfo sa
Korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ni Duke Briceo kaya
niya nagawan ng kasamaan ang buong Albanya).
Pagyamanin
Gawain 2: EMOSYONADO Sa panahon ng pandemya tayo ay
nakaramdam ng iba’t ibang damdamin, dumaan sa mga pagsubok
na humamon sa ating katatagan. Ngayon magkuwento ka, ibahagi
mo ang mga naramdaman mo sa panahon ng pandemya. Isulat
mo rin kung paano mo ito napagtagumpayan kasama ng iyong
pamilya.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Kasunduan:
1. Sagutan ang Tayahin
(Google Form)
2. Tapusin ang iba pang
Gawain na nasa Google
Classroom (Ikaapat na
markahan)

You might also like