You are on page 1of 2

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Name: Date:
Section:
Panuto: Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang.
1. Ito ay tumutuloy sa sistema na nakabatay sa angkan ng mga kababaihan
2. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kalalakihan
3. Ito ay pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala ito.
4. Ito ay binabanggit lamang muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao.
5. Ito ay hango sa salitang griyego na mythos o ang ibig sabihin ay kuwento.
6. Itoy isang kwento ng isang nakakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
tao.
7. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento kung kaya't siya ay
kinagigiliwan ng mga tao.
8. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
na diwa at estilo
9. Ilang wika ang sangkot sa pagsasalin?
10. Ang __________ ng damdamin ay tumutukoy sa antas ng pagpapahayagng
damdamin, emosyon o saloobin.
II. Magbigay ng (10) sampong salita sa Ingles na hindi naisasalin sa Tagalog
11-20

III. Hanapin sa Hanay B ang mga sagot na hinahanap sa Hanay A

Hanay A Hanay B
1. Ito ay nagpapahayag ng damdamin a. Talinghaga
at kaisipan ng isang tao gamit ang
maririkit na salita. b. Sukat
2. Ang tunog ng mga mga huling
pantig sa bawat taludtod. c. Tula
3. Emosyong binabad sa tula upang
maunawaan at maramdaman ng d. Simbolismo
mambabasa at ito ang pinakapuso ng
tula sapagkat ito ang kahulugan ng e. tugma
tula.
4. Ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
5. Ito ay naglalahad ng mga bagay, at
kaisipan sa pamamagitan ng sagisag
at bagay na mahiwaga at
metapisikal.
IV. Panuto: Tukuyin ang ipinahahayag ng mga matatalinghagang pahayag.
1. Butas ang bulsa
2. Balat - sibuyas
3. Kapus – palad
4. Pantay ang paa
5. Nagsusunog ng kilay
6. Isang kahig, isang tuka
7. Balat - kayo
8. ‘Di mahulugang karayom
9. Itim na pusa
10. Makabagbag damdamin
V. Ayusin ang mga sumusunod na salita mula sa masidhi hanggang pinaka masidhi.
____ hikbi ____galit ____kakagatin ____naakit
____ hagulgol ____inis ____lalapain ____nahalina
____iyak ____poot ____sasakmalin ____nagandahan
____kaba
____takot
____hilakbot

You might also like