You are on page 1of 15

FILIPINO 7

MELC:

Naibibigay ang kahulugan at sariling


interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na
ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang
digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga
di-pamilyar na salita mula sa akda, at mga
salitang nagpapahayag ng damdamin.
F7PT-IIe-f-9
Layunin:

a.naibibigay ang kahulugan at sariling


interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit;
at
b. nakasusulat ng pangungusap
o talata gamit ang mga salitang
paulit-ulit.
Pagbibigay-
Kahulugan ng mga
Salita
“Word Network”
Panuto: Magbigay ng sarili mong interpretasyon sa salitang ito
sa pamamagitan ng paglalahad ng mga salitang maaaring
iugnay sa bawat isa.

mapagmahal
na ama
Tanong:

Ano sa tingin mo ang kaugnayan nito


sa bagong aralin na ating tatalakayin?
GAWAIN 1

Panuto: Ayusin ang salita ayon sa intensidad o antas ng


kahulugan nito. Lagyan ng bilang 1 para sa pinakamababaw na
kahulugan hanggang sa bilang 3 para sa pinakamasidhing
kahulugan.

1. _______naglalagablab 2.______ galit


_______nag-aapoy ______ inis
_______nagniningas ______ poot
Tanong:

Paano niyo sinagutan ang gawain?

Ano ang inyong isinalang-alang sa pag-aayos ng


salita ayon intensidad nito?

Alam ba ninyo ang tungkol sa mga salitang


paulit-ulit at ang kanilang mga interpretasyon?
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita
1. Pagbibigay-kahulugan at interpretasyon sa mga salitang
paulit-ulit na ginamit sa akda. Kinakailangang ulit-ulitin ang
salita upang mabigyang-diin ang mahalagang papel ng mga ito
sa akda. Ang sumusunod na salita ay hango sa akdang Alamat
ng Bohol.

a. mapagmahal na ama –maalaga, maawain, mapag-aruga,


maunawain
b. masunuring anak- mapagtalima, magalang, mapaglingkod

c. mapag-arugang kapatid- maalaga, maasikaso,


mapagkalinga, may malasakit
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita

2. Pagkilala sa mga salitang iba-iba ang digri o antas ng


kahulugan o pagkiklino. Ito ay pagsasaayos ng kahulugan ng
salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
(madali, katamtaman at mataas na kahulugan)

Halimbawa:
a. 4 ngitngit b. 4 pighati c. 4 tinangkilik
3 poot 3 hapis 3 kunupkop
2 muhi 2 lungkot 2 kinalinga
1 galit 1 lumbay 1 inalagaan
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita

3. Pagkilala ng Di-Pamilyar na mga salita mula sa akda.


May ilang salitang ginamit sa teksto na binigyang-
kahulugan.

a. patpatin- payat, mahina


b. biyaya- kaloob, bigay
c. bakulaw- unggoy, maatsing
d. bulong-bulongan- palihim na pag-uusap
e. gulat- pagkabigla, pagkamangha
f. pagmumuni-muni- malalim na pag-iisip, repleksiyon
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita

4. Pagkilala ng mga salita sa pangungusap na


nagpapahayag ng damdamin.
Halimbawa:

Pagkagulat: Naku! Grabe naman ang bihis niyan.


Pagkatuwa: Ay salamat! Nagkaroon din ng tulo ang gripo.
Pagkagalit: Aba! Bakit ako ang sinisi mo sa pangyayari?
Paghanga: Wow! Ang taas naman ng marka mo.
Pagkatakot: Diyos ko! Lumilindol.
Tanong:

• Ano ang epekto ng paggamit ng mga salitang


paulit-ulit sa teksto?
• Paano nakatutulong ang paulit-ulit na paggamit
ng mga salita sa pag-unawa ng pangkalahatang
mensahe ng akda?
• Paano nakakatulong ang sariling interpretasyon
sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa
mga salitang paulit-ulit?
THINK-PAIR-SHARE
Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman tungkol sa akdang
“Alamat ng Bohol”, sumulat ng isang (1) talata at ibigay ang
iyong saloobin o interpretasyon sa larawan sa baba. Gabay ang
pamantayan sa susunod na pahina para sa gawaing ito.
THINK-PAIR-SHARE
Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman tungkol sa akdang
“Alamat ng Bohol”, sumulat ng isang (1) talata at ibigay ang
iyong saloobin o interpretasyon sa larawan sa baba. Gabay ang
pamantayan sa susunod na pahina para sa gawaing ito.

You might also like