You are on page 1of 1

Lahat ng tao ay may kabaliktaran na tinatago, kapag may mabuti hindi nawawala ang masama o

kapag may mapagbigay ay may kasakiman. Sa paraang ito naapektuhan ang tao dahil hindi nawawala
ang mga makasariling tao na ang tungkulin ay sumira ng kapayapaan at pakinabangan ito. Minsan ay
hindi sila napapansin dahil ang kanilang kabaliktarang ugali ay hindi ipinapakita sa harap ng madla.
Tayo’y nabubulag sa katotohanan at napapabayaan sila. Dito ako napapasok para ilantad ang mga may
tinatago.

Ang pakikipagsali ko ditto ay hindi upang magdulot pa nang mas magulong sitwaston sa
kinakaharap na ng lipunan. Ang layunin lang ng puso kong makatarungan ay mamulat ang bayan sa kung
sino at ano ang puno ng mga problema. Ito ang pagkakataon nila na ibago ang takbo ng kanilang
kinaroroonan ngayon. Ang mga salita na bunga sa panunulat ko ang pinakamalaking kontribusyon na
mahahandog ko sa paraang hindi ako nananakit ng ibang tao. Maari kong idagdag ang boses ko upang
ihatid ang mensayo sa publiko upang matulungan silang mas maunawaan ang huresdiksyon ko sa kanila.

Kapag kumalat na ang mensahe, may mabubuo na grupo ng tao na lalaban sa hurisdiksyong
pinalaganap ko. Sa pagkakaisa ay makakamtan natin ang kapayapaan na patuloy pa nating pinaglalaban
ngayon sapagkat umiiral pa rin ang kasakiman sa lipunan ng patago. Balang araw, mamumulat rin ang
lahat sa katotohanan lalong lalo ang henerasyon namin ngayon at maibabago na ang takbo ng lipunan.
Sa ngayon ay pagpatuloy ko muna ang pagprotesta sa matahimik na paraan at hintayin ang buhay nila na
bumagsak sa kahirapan katulad ng mga taong kanilang tinapakan.

You might also like