You are on page 1of 1

Reflection Paper

Bilang isa sa mga mamimili sa Pilipinas dapat alam ko kung paano gamitin ang aking

pera nang maigi dahil kung haharapin natin ang katotohanan, hindi titigil ang pag-akyat ng

presyo ng mga bilihin kagaya ng pagkain, gamit, gastusin sa bahay at marami pang iba. May

sinusunod akong dalawang paraan upang matugunan ang aking kagustuhan at pangangailangan.

Una, iniipon ko ang matitirang pera bawat linggo mula sa allowance na ibinibigay sa akin ng

mga magulang ko para pambili ng mga kagustuhan ko at posible lamang ito dahil sa ikalawa

kong paraan. Ikalawa ay ang pag-iwas ko sa paggastos ng mga hindi gaanong mahalaga sa pang-

araw-araw ko upang matugunan ang aking mga pangangailangan. Dahil sa dalawa kong paraan,

sigurado ako sa aking sarili na matutugunan ko ang aking kagustuhan at pangangailangang pang-

ekonomiko dahil balanse ang paggastos ko ng pera.

You might also like