You are on page 1of 2

Ang Batang May Basagulerang Ugali

May isang babae sa paaralan ng Sityo Panganiban na abot langit ang yabang at palaging
masasamang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig. Siya ay si Paloma, kahit anong sulok ng
paaralan maririnig na pinaguusapan at binabantayan kung kailan ulit bubuka ang bibig niya.
Pagsapit ng tanghalian, bumukadkad ulit ang bibig ni Paloma at kinausap ang batang lalaki na
kumakain nang mapayapa. “Hoy, ang pangit ng ulam mo ngayon. Wala ka bang nanay na tigluto ng
pangtanghalian mo? Kawawa ka naman” sabi ni Paloma. “Ang sama mo talaga” sinabi ng bata at
tumakbo ito ng umiiyak papunta sa cr. Walang nararamdaman na mali si Paloma sa ginawa niya,
tinawanan niya lang ang bata at naghanap muli ng bagong biktima.

Kinabukasan natuto na ang mga bata na huwag nalang pansinin si Paloma habang inaaway
sila. Ngunit, hindi ito nakapaghinto si Paloma sa pang-aapi niya sa kanila. “Jan, andiyan ulit si
Paloma. Huwag niyong pansinin ha” sabi ni Lia sa kaibigan niyang inaway ni Paloma kahapon.
“Tingin niyo ba wala akong dalawang tainga at hindi ko kayo maririnig? Alam niyo ba na ang baho
niyong dalawa, hindi ba kayo naliligo. Maaamoy ko kase dahil may ilong ako, mataas na ilong!” ika
ni Paloma subalit walang sinabi ang dalawang bata, sila ay umalis lang sa harapan niya pagkatapos
nitong magsalita. “Mga hampaslupa na walang tainga! Kahit pagbingibingihan niyo ako, ‘di parin
ako titigil!”

Lumipas na ang isang buwan at mayroong lumabas na tsismis na may dadating na bagong
estudyante sa paaralan. Ang pangngalan niya ay Theresa, marami na ang nagagandahan sa mga
sinasabing kaugalian niya. Lahat ng bata ay nasasabik na sa kaniyang pagdating. Sa kabilang palad,
tuwang-tuwa si Paloma dahil may bago siyang ibibiktima. Naging isa na rin si Paloma sa mga
nasasabik sa pagdating ni Theresa.

Dumating na ang araw ng pagpasok ni Theresa sa paaralan, lahat ay nagtipon upang ibati
ang kaniyang pagdating. Binati ni Theresa ang mga kaklase niya at mapagkumbaba ito sa mga
papuri nila. Nakatayo lang sa gilid si Paloma at minamasdan ang mga kilos ni Theresa, may balak na
siyang ipahiya si Theresa sa harapan ng mga kaklase. Gusto niya rin ito na lumabas ang totoong
ugali nito dahil hindi makapaniwala ang dami ng magagandang asal nito.

Oras na nang tanghalian at pagkatapos kumain ni Paloma, hinanap niya kung saan si
Theresa nakatambay. Natagpuan na niya ang kinaroroonan ng bago niyang biktima, “Masarap ba
yang kinakain mo, Theresa?” sabi ni Paloma. Pinagsabihan ng ibang kasama ni Theresa na huwag
pansinin ang mga lumalabas sa bibig ni Paloma dahil walang magandang naidudulot ito. Ngunit,
hindi pinakinggan ni Theresa ang payo nila. “Oo naman, luto ito ng aking pinakamahal na lola. Ikaw,
Paloma? Ano ba ang ulam mo ngayong araw?” sagot ni Theresa sa kaniyang tanong. Hindi sumagot
si Paloma sa tanong, kinuha niya ang baon ni Theresa at pinakain sa mga asong naghihintay. “Oops-
nahulog ko, sana mabusog ang mga aso sa baon mo” sabi ni Paloma sabay tawa. “Pinapatawad kita
sa paghulog mo ng baon ko, Paloma. Sana nga mabusog sila dahil alam kong hindi sila napapakain
ng maayos dito” sinabi ni Theresa sa kay Paloma. Nabigla si Paloma dahil hindi nagalit si Theresa sa
kaniyang ginawa, nahiya siya sa kaniyang ginawa at umalis sa harapan nila. “Ito nalang kainin mo,
Theresa. Marami naman akong nakain at busog na ako.” sabi ng isang kaklase niya dahil wala nang
makakain si Theresa.

Lumipas ang maraming araw, palaging pinagtatawanan si Paloma kapag siya ay dadaan sa
harapan ng mga kaklase niya. Patuloy parin ang kaniyang pagbibiktima ngunit minsan napapaisip
siya kung ipagpatuloy niya pa ito. Palaging nakikita ni Paloma na mabuti ang pagtrato ng mga
kaklase niya kay Theresa at nagtataka siya bakit hindi maganda ang pagtrato sakanya. Walang
magawa si Paloma kundi umiyak sa likod ng paaralan, nakita siya ni Theresa at kinausap nito.
“Bakit umiiyak ka, Paloma? Sinaktan kaba ng ibang kaklase natin? Huwag kang matakot na sabihan
ako.” sabi ni Theresa. “Ano baa ng pakealam mo sakin? Bakit kinakaibigan mo parin ako kahit wala
akong magandang ginawa sayo?” tanong ni Paloma. “Hindi ko rin alam eh, basta gusto ko lang
makatulong sa mga nangangailangan ng tulong ko at mabait naman ako sa kahit sinong tao.” sagot
ni Theresa. “Tinatawag na pala ako, Paloma. Sana makapagmuni-muni ka at huwag ka nang
malungkot dahil sa pagkatapos ng ulan mayroong makulay bahaghari”.

Pinagisipan ni Paloma ang mga sinabi ni Theresa sakanya. Simula noong araw na iyon,
binago ni Paloma ang kaniyang nakakapanghinayang na ugali sa mga taong nakakasalamuha niya.
Naobserbahan niya din na mabuti na ang pagtrato ng mga tao sa kaniya simula noong tumigil siya
sa pag-aaway niya sa mga kaklase. Nagkaroon na ng mapayapa na buhay ang mga bata sa paaralan
at mas naging malapit na kaibigan ni Paloma si Theresa.

You might also like