You are on page 1of 5

A/N: KUNG NAGANDAHAN KAYO

PAKI COMMENT NALANG PO AT PAKI VOTE NA RIN THANK YOUU..

AT SENSYA NA RIN KAYO SA MGA TYPOS AT GRAMMAR ERRORS.

HOPE YOU LIKE THE STORY....

Third person's POV

Si Carmela ay isang batang walang modo, at walang respeto sa kanyang mga magulang ,kung kailan niya
gustuhing umuwi saka lang siya uuwi, kung ano ang gusto niya dapat makukuha niya. Kaya naman hirap
na hirap ang mga magulang niyang palakihin siya.

Isang araw Padabog Na pumasok si Carmela sa kanilang bahay Na kagagaling lang sa eskwelahan. "oh!
Anak bat gabi kanang umuwi? , Ano pa bang ginawa mo sa eskwelahan?, May nangyari bang
masama?,bakit ngayon kalang umuwi? Alalang alala na ka---."agad na pinutol ni Carmela ang sinasabi ng
kanyang ina. "Ayaw kong marinig ang boses niyo nakakarindi kasi, parang manok na potak ng
potak."singhal niya sa kanyang inang alalang ala. "pasensya na anak nag aalala lang aa---."pinutol
nanaman ni Carmela ang pagsasalita ng kanyang ina.

"Ano ba sinabi nang wag nang mag ingay dahil nakakarindi ang boses mo." nanlilisik ang mga mata ni
Carmela habang sinasabi ito sa kanyang ina. "Ano ba Carmela!"sigaw ng kanyang ama na kagagaling lang
sa trabaho."Ganyan kaba naming pinalaki? Ang sagut sagutin ang iyong mga magulang.?, Yan ba ang
nakukuha mo sa pakikibarkada At pagbubulakbol mo? "ma authoridad na tanong ng kanyang ama. "Wala
kayong paki sa buhay ko!,dahil buhay ko to at hindi buhay niyo kaya wala kayong paki alam."balik na
sigaw niya sa kanyang ama at agad na tumakbo patungo sa loob ng kanyang kwarto.
Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay agad siyang humiga sa kanyang kama "Haaay makatulog na
nga para naman mabawasan yung pag ka badtrip ko ngayon." bulong niya sa sarili na para bang walang
sagutang naganap sa pagitan niya at ng kanyang mga magulang.

Kinabukasan.......

Maagang nagising si carmela dahil sa ingay na nagmumula sa labas. "hayyyttt! Ano ba yan ang aga aga
ang iingay."iritabling bulong niya sa sarili habang kinakamot ang buhok niyang sobrang gulo.Agad siyang
tumayo sa kanyang hinihigaan at pumunta sa may kusina upang tingnan kung may nakahain nabang
pagkain sa mesa na para sa kanya.

Ngunit Sa kasamaang palad wala pang nakahain sa mesa pagkarating niya kaya naman nag inith
nanaman ang kanyang ulo(ang aga aga pinapainit nila yung ulo ko) sa isip niya. "Maaahh!"malakas na
sigaw ni Carmela na umalingawngaw sa Bawat sulok ng kanilang bahay."Mmaahh"sigaw ulit ni Carmela.
Makalipas ang ilang segundo ay aligagang pumasok sa loob ng bahay ang kanyang ina na nanggaling pa
sa labas.

"Ohh! Gising kana pala. Magandang umaga maganda kong anak. "sabi ng ina ni carmela na abot tenga
ang ngiti."Ano naman yung maganda sa umaga, ehh ang aga aga pina iinit niyo ang ulo ko."Singhal ni
Carmela sa Kanyang ina,agad na nawala ang ngiti nito."Bakit wala pang nakahandang pagkain sa mesa
alam niyo namang papasok pa ako ng maaga sa school di ba? "sermon ni Carmela Sa kanyang ina. "Anak,
pumunta pa kasi ako sa labas upang bumili ng agahan natin at ng iyong baon."mahinhin na sabi ng ina ni
Carmela."kailan ka ba,magkakaroon ng respeto samin? Hindi naman kami nagkulang sayo.

Sana kapag nawala kami sa mundong to, mapag isip isip mo na hindi kami nagkulang sa pag aalaga
sayo.mahal na mahal ka namin anak."maluha luha sabi ng ina ni Carmela. "Sana nga mawala na kayo sa
mundobg to dahil pagod na pagod na ako sa mga pinagsasabi niyo."walang ano anong sabi ni Carmela sa
kanyang ina na agad tumalikod at pumunta sa kwarto. (haaay ayaw ko ng madrama nakakawalang gana.
Ang Aga aga pinaiinit nila ang ulo ko.) sa isipa ni Carmela.
Agad siyang naligo at lumabas ng Kwarto ,nadatnan niya ang ama na nag kakape sa may kusina hindi niya
ito pinansin bagkus inirapan niya ito at kumuha lang ng tinapay na nasa mesa. Hindi siya nagpaalam sa
mga magulang na pupunta na siya sa kanilang paaralan. Pagkarating niya sa eskwelahan ay agad siyang
sinalubong ng kanyang mga ma impluwensiyang kaibigan.

"Oh! Bakit ka nakabusangot diyan?Pinagsabihan kananaman ba ng mga magulang mong maging


mabait?.hahahaha!"tanong ng Isang kaibigan ni Carmela."Oo, nakakainis na nga eh, naririndi na ako sa
kanilang pinagsasasabi. Katulad nalang ng kailan ka titino Carmela? .Kailan ka magkakaroon ng respeto
Carmela? Blah blah blah."Sabi ni Carmela sa mga kaibigan niya."Pabayan mo sila. Alam mo namang wala
talagang paki alam ang mga magulang mo sayo.!"sabi ng isa nanaman niyang kaibigan."Hayyy huwag na
natin silang pag usapan pa. Nakaka wala kasi ng gana.

"Tara nanga pumasok na tayo sa loob Ng classroom."sabi ni Carmela sa kanyang mga kaibagan,kaya
naman agad din silang pumunta sa loob ng kanilang classroom. Naging madali ang oras at dapit hapon
na, kaya naman naisipan ni Carmela na umuwi mo na sakanilang bahay at magpalit ng damit dahil may
lakad sila mamaya ng kanyang mga kaibigan. Nang malapit na si Carmela sa kanilang bahay,napansin
niyang may mga pulis at maraming tao na nakapaligid sa kanilang bahay, kaya naman dali dali siyang
tumakbo palapit sa kanilang bahay.

"Anong nangyari dito?,bakit may mga pulis?."tanong ni Carmela ng makarating siya sa tapat ng kanilang
bahay."Hindi mo ba alam?"tanong ng kanilang kapitbahay."Ano bang sinasabi niyo?, di ko kayo
maintindihan."

"Nanakawan kayo Carmela, at walang awang pinaslang iyong ama at ina ng magnanakaw na yon."Sabi ng
kapitbahay nila na para bang awang awa ito kay Carmela."Hindi yan totoo,hindi pa sila patay."

Hindi makapaniwalang sabi ni Carmela. Nakita niyang may inilabas ang mga pulis sa loob ng kanilang
bahay. Ang walang buhay niyang ama at ina ang inilabas ng mga pulis, naliligo sa kanilang sariling
dugo,maraming sak sak ang mga ito at karumaldumal ang sinapit.

Napahagulgol nalang si Carmela ng Makita ang ama at ina na wala ng buhay. Habang umiiyak at
nanginginig na hawakan ang mukha ng kaniyang ina at ama ay lubusan ang pagsisi ang nadarama ni
Carmela.
Pagsisi sa mga mali na kanoyang mga ginawa. Pagsisi na hindi niya man lang pinapahalagahan ang
kaniyang pamilya habang buhay pa. Pagsisi na isa siyang naging suwail at hindi masunurin o mabuti na
anak.

Na hindi man lang niya kahit papaano inisip ang lahat lahat ng sakripisyo.ng kanyang mga magulang. Sa
oras rin lang na ito napagtanto niya ang lahat lahat ng mga sermon o pagsasaway sa kaniya ng kaniyang
ng mga magulang ay sumisimbolo lamang sa pagmamahal ng kaniyang mga magulang at ang lahat ng ito
ay para sa ikabubuti niya.

"Ma at Pa gising na po, pangako po magiging mabuti na po akong anak. Sorry po sa lahat ng mga
kasalanan ko . Ma at Pa I love you po_"

"Carmela gising, Carmela gising!" Iyan ang sabi ng ina ni Carmela.

Hindi makapaniwala si Carmela na sa pagmulat ng kaniyang mata ay nakita niya ang kaniyang ina at
matapos ito ay dali-dali niyang yinakap ang kaniyang ina at humingi ng tawad sa lahat ng kaniyang
kasalanan . "Ma sorry po sa lahat ng kasalanan ko . Mahal na mahal ko po kayo. "

Matapos iyon gawin ni Carmela ay pumunta siya sa kaniyang ama at ganon rin ang ginawa niya "Pa sorry
po sa lahat ng kasalanan ko. Mahal na mahal ko po kayo. "

Ang ina at ama ni Carmela ay tuwang-tuwa kay Carmela dahil sa wakas siya ay natauhan. Tinanong ni
Carmela kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi at kinuwento naman ito ng kaniyang ina. Ang nangyari
kagabi ay lasing na lasing si Carmela at hinatid lamang siya ng kaniyang kaibigan.

Sa bawat araw at pagmulat ni Caela ay pinahalagahan niya na ang kaniyang pamilya at naging isang
mabuti na siyang anak.

The end
A/N:

You might also like