You are on page 1of 3

ANG MANGKUKULAM SA SITIO DE ISKA

Kilala ang Sitio de Masipag dahil sa anking ganda at linis nito dahil na rin siguro disiplinado ang
mga matatanda maski ang mga bata na siyang dahilan kung bakit madalas itong dalawin ng
mga turista ngunit ganon na lang ang kanilang takot at pangamba ng minsang magkaroon ng
usap-usapan na mayroon daw mangkukulam sa kanilang sitio.

"Kilala mo ba?"

"Paano ko naman makikilala e nasa bahay nga ako lagi..natatakot akong lumabas at baka ako
ang makita ng mangkukulam na yon e baka ako pa ang kulamin."

"Yon! Yon nga ang sabi ni nanay sakin wag na raw ako magpaabot ng dapit-hapon at baka
maging biktima ako."

"Ang layo naman ng sagot niyo sa tanong ko!" Inis na tanong ni Iska sa mga kaibigan niya,
"uuwi na ako, sige. Ingat!" Paalam nito sa mga kaibigan na siya ding pagkawatak-watak nilang
magkakaibigan dahil malapit ng dumilim.

Pauwi si Iska nang biglang may sumunod sa kaniyang mga binata ngunit imbis na bilisan ni Iska
ang paglalakad ay huminto ito.

"Ano ang kailangan niyo?" Nagtatakang tanong nito dahilan kung bakit biglang lumapit ang mga
ito sa kaniya.

"Ikaw." Sabay-sabay na tugon ng tatlong binata na siyang ikinakislot ni Iska at saka mabilis na
tumakbo.

Hanggang sa marating ni Iska ang bahay nila na humahangos pa bagamat hindi alam ni Iska na
umuwi na ang ina at ama niya galing sa kabilang sitio ay siyang pagtaas nito sa ere dahil sa
gulat ay hindi ito makapagsalita.

"Wala sa usapan natin ang paguwi mo ng ganitong oras!" Sigaw ng ina nito dahilan upang
dumilim ang paningin ni Iska sa ina at sinakal ito.

Nahulog mula sa pagkakataas sa ere si Iska upang mas lalo pang dumiin ang pagkakasakal
niya sa ina, "wala rin sa usapan natin na kailangan mo akong pangunahan sa lahat." Asik nito
sa ina na siyang pagbitaw ng pagkakasakal nito sa ina.

"San ka ba galing, usap-usapan na naman ang ginawa mo hanggang sa kabilang sitio!" Sigaw
ng ama nito dahilan upang lingunin ni Iska ang ama.

"Wala." Pagsisinungaling nito ngunit ang totoo ay may kinalaman siya at siya ang gumawa ng
dahilan upang makaramdam ng takot ang mga tao.

Kinabukasan ganon na lamang ang panglulumo ng mga kaibigan niya ng malamang may
namatay na tatlong binatilyo. Usap-usapan na ang mangkukulam ang may kagagawan.
Ayon sa kanila may tusok umano ang katawan ng mga binatilyo may butas ang mga tiyan ng
tatlo at lamog ang mukha kaya hindi nila ito mamukaan kung sino.

"Iska! Diba ang kuwento mo kanina may sumusunod sayo kagabi na tatlong kalaki?!" Bulalas ni
Beka malapit sa muka nito dahilan upang maginit ang ulo ni Iska.

"Oo, bakit?" Naiinis na tanong ni Iska.

Nagkamot pa ito ng ulo at saka naglagay ng kolorete sa muka, " baka ikaw ang may gawa?"
pangbibintang ni Beka kay Iska.

Inismidan ni Iska ang pangbibintang na ginawa ni Beka sa kaniya dahilan upang magitla si Beka
at biglang sumigaw.

"Si! Iska! Ang! Mangkukulam!" Sigaw ni Beka dahilan upang maglingunan ang mga studyante
sa loob ng eskwelahan.

Ngunit bigla na lang tumawa ng nakakabaliw si Iska, "AKO? Nagbibiro ka ba?"

"Oo! Ikaw!" Sigaw ni Beka pabalik.

Inis na umalis doon si Iska at maagang umuwi dahil sa inis ay dumiretsyo siya sa kwarto at
doon pinagsisindihan ang mga kandila at mabilis siya nagpalit ng anyo mula sa bata ay naging
matanda, kulubot ang balat hanggang sa noo, puti ang buhok at ang ilong niyang matangos ay
mas lalo pang tumangos ang labi niyang may kapulahan ay napalitan ng nagbabalat na labi

'Mata mo lang ang walang latay, beka.'

Nagumpisa na siyang tusukin ang litrato ni Beka magmula sa mukha hanggang sa ari nito nang
hindi makuntento si Iska ay kumuha siya ng kandila at saka pinatakan ang litrato.

"Beka! Beka! Diyos ko!" Sigaw ng mga magulang ni Beka.

Sigaw nang sigaw si Beka dahilan upang magsipuntahan ang mga tao sa kanilang bahay upang
makasagap ng balita kung bakit ito sumisigaw gayong magdidilim na.

Kitang-kita sa kabuuan ni Beka na may maliit na butas sa katawan nito dahilan kung bakit puno
na ng dugo ang damit nitong dilaw. May mga patak ng kandila sa mukha at lumalabas sa bibig,
ilong at tainga niya ang mga bulate, palaka at ipis. Takot na takot ang mga magulang ganon din
ang mga nakasilip sa bintana at pintuan nila.

"S-i.... I-ska!" Huli nitong sigaw hanggang sa mawalan ito ng hininga at biglang tumumba at
tumama ang ulo niya sa dulo ng mesa dahilan upang dumaloy ang dugo sa paanan ng
kaniyang mga magulang na umiiyak at balisa.

Sa kalagitnaan ng sigawan at iyakan ay may sumigaw, "Si Iska raw ang mangkukulam!"
At walang ano-anu'y ang balisang mga tao ay napalitan ng galit ang kanilang mga mata dahilan
upang magsitakbuhan ang mga ito patungo sa bahay nila Iska. Ang iba ay may dala pang apoy
at mga gasera dahil madilim na ang dadaanan nila patungo kila Iska.

"Hoy! Mangkukulam! Lumabas ka riyan!" Sigaw ng mga tao habang kinakalampag ang kahoy
na bakod nila Iska. "Lalabas ka o susunugin ka namin!" Sigaw pa ulit ng isa.

Ngunit imbes na magandang Iska ang lumabas ay matandang nakaitim ang lumabas mula sa
pintuan may hawak pa itong manika na may mga naka

You might also like