You are on page 1of 2

SPOKEN POETRY ABOUT BULLYING (ASSIGN LINES)

All: Bullying
Loren: Isang salita, walong letra
Ngunit pagkatao ko’y kayang sirain
Ate Dai: Pangungutya sa kapwa
Dahil meron syang kapintasan
Hana: Kadalasang nangyayari sa paaralan
Na ang biktima’y kabataan
Felicia: Ito’y isang uri ng pang-aapi
Na kahit kailan hindi mo malilimutan
Hana: Magsimula tayo sa mga bibig
Bibig, na tila hindi napapagod sa panlalait
Sa isang silid na dapat ay puno ng karunungan
Ngunit ang mga estudyante ay pangungutya lamang ang alam
Na pagtatawanan ka kapag sa recitation ikaw ay mali
Sa silid na aabusuhin ka kapag ikaw ay mabait
Tutuksuhin ka kapag ikaw ay panget at maliit
Pag si Teacher naghanap ng volunteer at ikaw ay nag taas ng kamay
Asahan mong kapatid mo na si Jollibie na bida ang saya
Kasi bansag nila sayo’y pambansang bida bida
Pilit kang ibababa kapag ikaw ay nasa itaas
Kaya ang kumpyansa sa sarili’y unti unting bumaba
Felicia: May mga taong hindi kumakain sa tamang oras
Dahil natatakot na tumaba at tawagin sa pangalang ‘baboy’
Mga post sa social media na nakakawala ng kumpyansa
Halimbawa na lang ang classmate mong amoy putok daw
Kili-kili raw ay amoy bulok
All: Ngunit sa halip na laitin mo, tawas nalang ay ialok
Hana: Dumako naman tayo sa itsura na laging napupuna
Panget ka kapag may pimples ka
Aasarin ka kapag pango ka
Kukutyain ka kapag malaki ang mata o ang tenga mo
Kadalasang ting-ting ang sinasabi kapag ikaw ay payat
Tawag nila sayo’y kapre kapag ikaw ay matangkad
Pandak o dwende naman pag ikaw ay maliit
Ate Dai: Kahit gaano ka kabait, panget ka parin sa paningin nila
Dahil panlabas na kaanyuan ang mahalaga sa bawat taong nakapaligid sayo
All: Hindi ko kayo nilalahat ngunit tama naman ako hindi ba?
Loren: Nakakapagod, nakakapagod ng gumising sa umaga
Kung ang sasalubong sakin ay panghuhusga
Nakakapagod ng pumasok sa eskwela
Kung mga pasa lang pala ang aking mapapala
Nakakapagod ng makinig sa inyong mga bunganga
Na wala ng ginawa kundi laiitin ang aking itsura
Felicia:

You might also like