You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


Dr. Ramon Soler Street. Zone II Poblacion
Atimonan, Quezon

Code : EL 2
Course Diskripsyon : Malikhaing Pagsulat
Propesor : Mr. Vince M. Marasigan
Kurso : BSED IV-A
Major in Filipino
Mag-aaral : Czarina D. Altea
Petsa : Oktobre 19, 2021

Hindi ka motivated kaya wala kang natatapos? o Hindi ka motivated dahil wala
kang natatapos?
Naging magkaiba ang kahulugan ng dalawang pahayag dahil sa salitang “kaya” at “dahil”.
Ang tao ay nilikha upang maniwalang kailangan ng may motibasyon upang gawin o
gampanan ang isang bagay. Sa katunayan, DISIPLINA ang dapat pairalin sapagkat kung
disiplinado ang isang tao makakaya, magagampanan at magagawa niyang tapusin at gawin ang
isang bagay.
PALIWANAG SA UNANG PAHAYAG:
Ang motibasyon ay malaking pwersa upang ang isang bagay ay maging possible o
magkatotoo. Nandiyan ang “willingness” mo para gawin ang isang bagay pero walang pagkilos
dahil wala kang motivation o pag-aalayan ng gagawin mo pumapasok dito ang pagdadalawang
isip mo kaya hindi alam ng katawan o hindi magawang gumawa ng katawan para matapos ang
isang bagay. Parang sa patalastas ng kape “para kanino ka bumabangon” kung hindi ka motivated
pakiramdam mo na nawawalan ng saysay ang iyong gagawin dahilan upang hindi mo na ituloy o
hindi mo na gawin ang isang tungkulin o gawain na naka-atang sa iyo.
Naroon ang pakiramdam na ginagawa na lamang ang isang bagay sapagkat kailangan, hindi
dahil nararamdaman mo ang pagiging masigasig, masaya at gusto mo ang ginagawa mo habang
tinatapos at ginagawa mo ang isang bagay. Aanhin mo naman ang isang aksyon na iyong natapos,
kung wala ka namang dahilan upang gamitin at gawin ang isang bagay ganoon din ang pagkawala
ng rason upang ikaw ay magsumikap na tapusin ang isang bagay.
PALIWANAG SA IKALAWANG PAHAYAG:
Hindi ka motivated dahil wala kang natatapos ay ang pakiramdam ng walang pag-usad,
ginagawa mo ang isang bagay ngunit pakiramdam mong kulang pa, na wala ka pa ring nakakamit,
walang nakikita na paglago o “outcome” sa bawat kilos mo at kahit naglalaan ka ng oras upang
gawin iyon ay wala pa ring magandang kinalalabasan dahilan upang mawalan ka ng interes para
magpatuloy. Pumapasok ang kawalan ng pag-asa na gawin at ipagpatuloy ang isang bagay dahil
mas matimbang ang negatibo at “failure” na nangyari dahil sa una pa lang hindi na motivated.
KAILAN MO SISIMULAN ANG PAG-IRAL?
Ni: ALTEA CZARINA

Tahimik ngunit hindi masasabing payapa. Masasamyo ang halimuyak ng sari-


saring bulaklak na sa kalauna’y unti-unting nalalanta kasabay ng pagpawi ng mga
alaala. Puting simbolo ng kalinisan ang kulay ng kwadrado. Nalalakipan ito ng
simpleng desinsyo, nakaukit ang mga letra na kung babaybayin ay makabubuo ng
pangalan. Napakagandang pangalan, Ito ang unang beses na susubok sumilip sa
makintab na salamin na nasa bandang itaas ng kwadrado. Maamo ang anyo ng
sumalubong sa kanyang paningin. Hindi mababakasan ng anumang pagdurusa o
pag-aalinlangan. Matamang tumitig sa mukha ng kaharap, bumugso ang kaba at
pagkabigla. Ipinilig niya ang ulo at muling tumingin sa nakahimlay, walang
pagbabago. Bumalong ang butil ng mga luha, luminga sa paligid. Larawan ng
kalungkutan ang naniniya. Tumatagos ang sarili sa bawat lalapit upang sumilip sa
natutulog na katawan. Natutulog nga lamang ba? O tuloy na sa walang humpay na
pahinga?

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin matanggap ni Ellie ang
kanyang mga nasasaksihan. Nakaupo sa unang hanay ng bangko ang kanyang mga
magulang habang patuloy ang panangis. Paano nga ba siya makikidalamhati kung
siya ang puno at dulo ng pighating namamahay sa puso ng kanyang Ama at Ina.
Tinangka niyang yakapin pero paulit-ulit lamang sa pagtagos ang kanyang katawan.
Doble ang nadaramang pighati ni Ellie dahil wala siyang magawa kahit na hagkan
ang kanyang mga magulang, ito’y walang saysay upang damayan sa kanilang
kalungkutan.

“Bakit ito nangyari sa anak natin?” ang tanong ni Rio sa kanyang asawa.

Mahigpit na yakap lamang ang naisagot ni Aillen sa kanyang kabiyak. Wala


siyang maisip na dahilan sa mga nangyari.

Pasado alas dose na ng hating gabi, unti-unti nang nag-aalisan ang mga
nakikiramay. Malamig na rin ang kapeng nakahain, na halos hindi kinibo ng mga
pumunta. Nasiyahan na lamang sila sa pagtaya sa sugal na halos ito ang rason ng
kanilang pagpunta. Sa mga oras na iyon ay walang tigil ang impit na iyak ng butihing
may bahay.

Makalipas ang limang araw ay ihinatid na sa huling hantungan si Ellie. Isa-


isang ihinahagis sa ataol ang kulay puting mga rosas na dala-dala ng mga
nakidalamhati. Marahan nilang binitawan ang mga lobo, pumailanlang ito sa itaas
nang may sari-saring direksyon. Utay-utay ding lumulubog sa hukay ang puting
kwadrado na hinihimlayan ng dalaga. Ang lahat ay mauuwi na lamang sa mga
alaala.

Habang si Ellie’y naninikip ang kalooban dahil hindi kayang matanggap ang
kanyang sinapit. Walang pakundangan siyang sumigaw, labis-labis na
pagmamakaawa.

“Tulong!”

“Tulungan n’yo po ako!”

“Para na ninyong awa!”

Kasabay nito ang panangis na tila ba'y isang sanggol na nangungulila sa


kanyang mga magulang. Sino nga ba ang makaririnig ng kanyang mga hinaing?
Walang ibang tao sa lugar na iyon. Matataas ang puno na halos sakupin ang kalsada.
Madalang ang napapagawing sasakyan doon bunsod ng bagong kalye na ipinatayo
ng alkalde. Kaya napabayaan na ang kalye na dating nagsisilbing daan sa paglabas-
masok ng mga biyahero sa lugar. Matulin ang takbo ng bisikleta ni Ellie habang
tinatalunton ang lumang kalyeng ito nang may biglang tumawid na ahas. Kag’yat
siyang nataranta sanhi upang hindi mapansin ang sangang nakaharang na naging
dahilan ng kanyang tuloy-tuloy na pagbulusok sa masukal na bahagi ng daan.
Sumalpok sa matulis na sanga ng malaking puno ang kanyang ulo.

Natagpuan na lamang ni Ellie na pinagmamasdan ang sariling nakahimlay sa puting


kwadradong iyon. Ito ang paulit-ulit na rumirihestro sa kanyang isipan. Kahit anong
gawing pagkumbinsi sa sarili’y hindi niya matanggap ang kanyang agarang paglisan.
Naroon ang mga pagsisisi at panghihinayang sa mga panahong hindi niya
napahalagahan. Ang mga sandaling inilaan sa walang saysay na pag-inom ng alak
sa piling ng mga taong pandalian, na sa oras ng pangangailangan ay parang mga
kabuting biglang naglalaho; abalahin ang sarili sa pagtambay sa sosyal midya. Ang
papatili sa bahay ngunit ang presensya’y hindi maramdaman. Nagpadala sa maling
sistema, sa mga makamundong pagnanasa, sa mga makasariling desisyon.

May pwersang ibinuhos ni Elliah ang isang tabong tubig sa mukha ng kanyang
kapatid.

“Tanghali na! Wala kang ginawa kundi matulog at mag-selpon! Tambak na


ang mga gawain mo! Kaya wala kang natatapos!”

“Ya! Ellie, mapapalayas na kita!”


Pupungas-pungas at nanlalamig na bumangon si Ellie. Sanay na siya sa
ganitong eksena sa pagitan niya at ng kapatid. Dumiretso sa palikuran upang ituloy
ang sinimulang pagpapaligo sa kanya ni Elliah. Nakalibre na naman siya sa tubig at
sabon na nagpagising sa kanyang pagkatao.

Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Hindi


masamang alalahanin ang nakalipas ngunit, kasalanan
ang manatili sa mga alaala. Mapapalad yaong
pinagkakalooban ng oras upang magpatuloy.
Natural na ang mapilayan; parating may tungkod
na aalalay sa muling pag-iral. Ang sugat ay maghihilom,
sasapit ang ika-labindalawa. Ang rotasyon ng kamay ng
orasa’y hindi nagbabago — walang palya sa pag-ikot.

You might also like