You are on page 1of 4

Recommendations, Suggestions, and Notes

● There are parts which have a student and mother speaking in first person. Depending on your venue you
can either say these lines together as a whole group or assign students which will embody those parts and say
them alone to put emphasis on the dialogue parts.

● The last line “‘Nay aalis na ho ako.” Is an implication of the student saying their last goodbyes. In this part
we strongly suggest that only one person says this part with a specially solemn tone.

● The piece is broken into 6 parts: Happy beginning, getting drained, spiraling down, hitting rock bottom,
calling out, and last goodbye. These parts have varying emotions and if you have any questions about the parts
and their assigned emotion, do not hesitate to ask our suggestions.

● The ending of this piece implies that the student* had killed themselves due to the feeling of hopelessness,
resignation, and loss of motivation to continue. We leave it to your discretion how to act this out and whether
to say it together or just one person says it.

● If there are any concerns, suggestions, or edits you want to make in the piece, please reach out to us. We will
address your concerns and we can work together to improve any part you found unsatisfactory.

● Here’s our contact details:

Elle Advincula and Cyrelle M. Tuliao

@yslldv and @jiyuucchi

09943890832 | 09950666168
“‘Nay, Alis na ho Ako.”

"RINGGGG! RINGGG! RINGGGG!"


"Nay aalis na ho ako!"
Sigaw ng paalis na bata sa bawat umaga't pahapon
Lalakad, magmamatyag, tatakbo siya patungo
sa eskwelang puno ng saya, aral, at turo.
Aapak at papasok, babati sa guro "Magandang umaga po!"
Sa labi may ngiti, at sinseridad sa puso
Ilalapag ang gamit at sa silya ay uupo.
"Hindi na ako makapaghintay sa kaalamang panibago."

"Nay, narito na ho ako! Tara rito at makinig ka sa aking mga kwento."


"O s'ya sige anak, mukhang masaya ka, iyan pala ang dulot ng eskwela."
Sana nga 'nay, ganoon kadali, magsisimula ang araw nang nagkakandirit
tapos tatakbo, maglalaro, magsasama-sama
pero bakit sa paglipas ng araw ay unti-unti nang nag-iiba.

"RINGGGG! RINGGG! RINGGGG!"


Tila bulahaw sa gitna ng idlip, nang marinig ang alarma upang muli na namang gumising
Gumising sa pagitan ng bawat hilik at paghinga
Gumising sa gitna ng kamang di sapat ang hatid na kalinga
Gumising sa kalagitnaan ng panaginip na nakamit niya ang tunay na pahinga
Ng panaginip kung saa'y hindi butas ang kanilang bulsa
Na kung saa'y hindi siya ang tanging pag-asa ng isang kahig isang tukang pamilya
Kung saa'y di kailangang malunod sa libro makaahon lang sa lipunang silaw sa barya

"Nay, aalis na ho ako."


Sabi ng maliit na pigurang nakakulong sa kay laking uniporme't responsibilidad na dala
Ang katawang lupa'y unti-unti nang nawawalan ng sigla sa siklong di matakas-takasan,
Katawang lupang pahina na sa bawat binubuksang pahina
Makapagpapahinga pa ba kung mga gawai'y kaliwa't kanan?
Sa halip na mahasa ang utak ito'y pumupurol, napupudpod na
Tama na. Hi"RINGGGG! RINGGG! RINGGGG!"
Naalimpungatan sa malakas na linggal, mata’y bubukas, pagod walang daplis at kupas.
"Tama na! Pagod na pagod na ako!" Sigaw ng isip na patuloy na pinapagod.
"Pahinga naman, kahit isang araw lang!" Hiling ng puso't katawan na natutupad ng kay dalang.
Ngunit sa bawat paghiyaw at pag-init ng mata,
ay tumbas sa isang letrang naisusulat sa papel na ipapasa.
At kapalit ng kalusugan ng sariling katawan,
ay gradong kahit kailang ‘di sapat para kanino man.

“‘Nay aalis na ho ako.”


Sa balon ng kahapon at repleksyon ng sarili na ginaginaw
Ay ang alaalang sayang nadama noong mga unang araw
Na mabilis na nagbago at saya’y ‘di na natanaw
At atensyon sa mga bagay na dati’y mahal ay ‘di na mapukaw.
Imbis na kaalaman ang dala sa bawat pag-uwi
ay pasan sa likod ang pagkahapo’t pagkasawi.
Kahit sambitin nilang huwag pilitin ang sarili,
Ay puno naman ng utos at hiling sa bawat pag-uwi
Mag-aral pagdating, gawin daw ang aralin, tumulong daw sa bahay, mag-alaga ng kapatid, mag-aral pang
muli!

Sa pagsilip ng araw ay ang simbolo ng oras na dumaloy


Mawawala sa isip ang responsibilidad na walang tapos at patuloy
Kaya’t sa pag bukang-liwayway mata’y tuluyan ng pupungay
Katawa'y babagsak kasabay ng pagpikit,
Kadilima’y aakapin at sa wakas isipan ay tatahimik.

"RINGGGG! RINGGG! RINGGGG!"


Gabi'y lumipas ngunit ni kurap ‘di nagawa
Sabay ng palahaw ng alarma, lakas ay 'singtindi ng pagkahapo't hinagpis na dama
Kwaderno'y binibigkis ang kamay at lamesa, pluma'y nakabaon na sa braso't pagkaraming naiwan na marka
Sa araw-araw na pagsusunog ng kilay ito'y ubos na
Mabuti pang lamunin ng apoy, maitaguyod lang at makapasa.
Mga mata'y mas walang buhay kaysa kandilang paupos na
Tila'y bangkay na isinumpang magpakailanma'y pumasok sa eskwela.

"'Nay, aalis na ho ako."


Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang
Pabagsak nang pabagsak ang malamyang katawan
Pabagsak ang talukap ng mga matang pinagkaitan ng tulog at pahinga
Pabagsak na ang mga tuhod na kay raming beses nang nadapa
Mga tuhod ay iskarlatang talon ngunit magagawa pa ring lumuhod at magmakaawa
Nawa'y mahabag ang lahat ng santo't makaranas ng kahit ilang segundong ginhawa
Nawa'y ang pagdurugo sa konkretong kalsada'y maibsan ang pagdurugo ng kalooban
Ganito ba ang pakiramdam ng pinagsakluban ng lupa't kalangitan?

“RINGGG! RINGGG! RINGGG!”


“‘Nay, aalis na ho ako.”
Sambit ng maliit na tinig na sarili lang ang makakarinig.
Dahil hindi na makayanan ay humingi na ng tulong
Sa gurong pangako na tutulungan kang umahon
“Anak, tignan mo ‘yang problema mo bilang tagong pagkakataon.”
Sambit ng guro na tila liwanag sa dilim na pinupoon.
Ipinagpatuloy lamang n’ya ang talumpati tungkol sa pagbangon.
Ngunit mga bulong sa aking tenga ay iba ang tinutugon.
“O, aking guro na kasa-kasama, bakit aking paghihirap ay hindi mo makita?”
“Anak, sa susunod na, tapos na ang pamamahinga, sa silid n’yo ay bumalik ka na.”
Dala ng mga yapak ang damdaming nag-aalpas.
At ang pilit na inaayos na lubid ay tuluyan ng napigtas.

“RINGGG! RI–”
Malayo ang tingin, madilim na anino sa ilalim ng mata
Hawak ng mahigpit sa kamay ang plumang nagdurusa
Habang patuloy na umaagos ang tila rosas na tinta.
Katas ng paghihirap ay nagmantsa sa puting baldosa
Labi’y maputla at klaro ang hinanakit sa nagluluhang mga mata.
Ang bunga ng sikap ay baon na sa lupa
Ngunit bago bumagsak sa sahig ang pluma,
Bumulong muna sa ilalim ng hininga
“‘Nay, aalis na ho ako.”

“TUT…TUT…TUT–”

You might also like