You are on page 1of 2

“Bakit tayo mababaw”

ni F Sionil Jose

Hindi parating masama ang pagiging mababaw. Depende na lamang sa porma at uri nito. Nagiging
masama ito kung ang isang tao ay nawawalan na ng kamulatan at kamalayan sa kung ano ang nangyayari sa
kaniyang mundong ginagalawan. At kung nagiging siya ay nagiging "mediocre' na. Kumabaga siya ay
nabubuhay o nag e"exist" na lamang at hindi na nag papakatao. Nariyan din ang pagiging mayabang at sobrang
pag mamahal sa sarili o "ego" na nabanggit sa artikulo. Ang pagiging mapag mataas at pag aastang alam ang
lahat. Dahil sa takot na bumaba ang pag tingin ng mga tao sakanila nang dahil sa tanong na ibinato na hindi nila
kayang sagutin. Kung kaya't imbes na humingi ng paumanhin o aminin na hindi alam kanilang isasagot; sila'y
nag mamarunong at sasagutin ang tanong base sa kanilang personal na opinyon o kaalaman, na walang matibay
na batayan.

Mayroon akong nabasa na sipi sa internet; "Constant shallowness leads to evil" Ipinahahayag nito na
ang madalas na pagiging mababaw ay nagbubunga ng kasamaan. Kung kaya't marapat lang na ito ay puksain sa
lalong madaling panahon bago pa ito mag resulta sa hindi kaaya ayang paraan ng pag iisip o gawa.

Ganun pa man, hindi ba't lahat ng bagay ay nag uumpisa sa kababawan o sa mababaw? Tulad ng isang
tao na nais matutong lumangoy. Hindi ba't mag uumpisa ang kaniyang pag sasanay sa banda ng swimming pool
o dagat na mababaw? Sa kadahilanan na siya ay hindi pa handa sumabak o lumangoy sa mas malalim o malalim
na parte ng pool o 'di kaya'y dagat. Saan ka nga naman nakakita ng nagsasanay lumangoy na lulusob kaagad sa
malalim na tubig nang walang tamang kaalaman at kasanayan sa pag langoy. Tingin ko ito rin ay angkop sa
mga tao, na kung saan darating sa buhay ng isang tao na siya ay mag kakaroon ng sapat na kaalaman at
kasanayan upang suyurin ang mas malalim na pag unawa at sa wakas ay tuluyan nang makawala sa kababawan
na kaniyang kinatatayuan o kinatitirikan.

Akin ring maihahambing ang kababawan ng tao sa pagsapit ng "Low Tide" at "High Tide" sapagkat may
mga panahon o oras sa buhay na tayo ay isa sa mga nasa larawan sa itaas. Normal ang pangayayaring ito at
paulit ulit na nangyayari. May oras na low tide at may oras rin naman na high tide. Tulad rin sa tao, normal ang
pagiging mababaw sa buhay at pagiging marubdob. Ito'y kusang dumarating at nararanasan. AT! Pawang
mayroong mabuting epekto. Sabihin na nating "low tide" at napag desisyunan mong mag punta sa dagat upang
mag muni muni o mamasyal. Hindi ba't mas madaling mamasyal sapagkat mababaw ang tubig? Tumpak! Mas
mabibigyang halaga rin ang ganda ng tanawin sapagkat mag susulputan ang mga batong iba't iba ang porma na
nag kukubli sa tuwing malalim ang tubig sa pang pang. Na sa labis na pagiging malalim ng pag unawa sa mga
bagay ay na o"overlook" natin ang mga bagay na nariyan na lamang sa mismong harap mo. Dumayo naman
tayo sa usaping high tide o marubdob na usapin. Ganoon ulit, iyong napag pasyahang mag punta sa dagat, at sa
oras na 'to matataas na dalayong ang bumungad at sumalubong sa'yo. Hindi ba't napaka sarap pakinggan ng
hampas ng mga alon sa mga bato? Tumpak! Napaka payapa at sa kahit anong araw ay aking pipiliin kesa sa
kahit anong tugtugin. Mas masarap ring mag langoy at mag aliw aliw sapagkat mailulubog mo ng buo ang
iyong katawan. Ganun rin sa pagkakaroon ng marubdob na pag unawa, nagkakaroon ka ng mga kaisipan o
ideya na hindi mo inaasahang mayroon. At mas lumalawak ang nagiging pag unawa sa mga simpleng babasahin
o pangyayari sa buhay.

Sa kabuuan, napaka rami ngang salik kung bakit tayo ay nagiging mababaw o kung bakit tayo mababaw.
Ngunit isa lang ang ating pakatatandaan, na lahat ng sobra ay bawal o masama. Lahat ng bagay ay may dahilan
at silbi. "Everything happens for a reason" Ika nga. At tayo na ang bahalang tumuklas kung ano man ang rason
o aral na ipinapahayag nito sa ating buhay. Yaon lamang at maraming salamat!
"WHY WE ARE SHALLOW"

Iyan ang naging pamagat ni F Sionil Jose; isang tanyag na manunulat, sa kanyang artikulo sa Philstar Global. Isang
sikat at tanyag na pahayagan. Inihayag ni F Sionil Jose ang kanyang saloobin sa kung ano ang dahilan kung bakit
nga ba na balahaw ang karamihang Pilipino sa mababaw na antas ng pagbabasa, pag aaliw, at sa iba pang sangay ng
pang araw araw na pamumuhay. Habang aking binabasa ang artikulo, ako'y nag mistulang isang sundalo na
sumugod sa gera na walang dalang kalasag. Sapagkat ako'y mistulang binuyo ng bala na wari'y ako ang
pinasasaringan niya sa kanyang isinulat. Napatigil ako ng ilang minuto at nag nilay nilay sa aking nabasa at
napagtanto. Namangha ako sa mga inihayag ni F Sionil Jose'ng mga punto. At napasabing "Oo nga 'no, ba't 'di ko
naisip yun?" at "Ahhh! Baka nga kasi medyo mababaw parin ang aking pag unawa sa mga bagay bagay sa mundo."
Bakit nga ba tayo mababaw? O tunay nga ba tayong "mababaw"? Sa aking palagay ang bawat tao sa mundo ay
mayroong taglay na kababawan, aminin man o hindi; ang bawat isa ay nagtataglay nito. Halimbawa: pag uwi sa
bahay mula sa isang marahas na araw ng pakikidigma sa paaralan, ay nakita mo ang iyong asong nag aabang sa
loob ng inyong bahay at ganun ganun na lamang ay mistulang napawi ang bigat at 'stress' na dulot ng mga gawain
sa paaralan. Kung susuriin o titignan ito ng mabuti, ang naging tugon na ito ay ma k'klasipika o babagsak sa hanay
ng pagiging mababaw sa kung papaano nakamit ang tuwa o saya.

You might also like