You are on page 1of 3

Mga Tala sa Pakikinig

Pakikinig - ang makrong kasanayan ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig na salita o tunog
sa pamamagitan ng auditory nerve na mabilis na dinadala sa utak upang mabigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri rito (45%). Isang komplikadong proseso ang pakikinig dahil
mula sa tunog o salitang narinig ay pupunta pa sa ating utak sa pamamagitan ng auditory nerve
bago maintindihan. Kung ano ang narinig, iyon ang impormasyon o mensahe na nakuha. At iyon
din ang ipoproseso ng ating isipan para unawain. Kung ganoon sa pakikinig, ang tagapagsalita at
tagatanggap ang mahalaga sa proseso ng komunikasyon.

- ang kakayahang malaman at maunawaan ang sinasabi ng kausap upang ito ay


matugunan ng wasto at maayos

Sining ng Pakikipagtalastasan
Ang sining ng pakikipagtalastasan ay binubuo ng pagsasalita at pakikinig. Ang dalawang
gawaing ito ay magkaugnay at hindi maaaring paghiwalayin. Hindi magiging epektibo at
makabuluhan ang isa kung wala ang isa. Napakahalaga rin ng pakikinig sa paglinang sa
kasanayan sa pagsasalita.

Kahulugan ng Pakikinig
Ang pakikinig ay ang kakayahang malaman at maunawaan ang sinasabi ng kausap upang
ito ay matugunan nang wasto at maayos. Samakatwid, ang pakikinig ay hindi lamang pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig, nangangailangan din ito ng masusing pag-unawa,
persepsyon, at interpretasyon sa mensaheng tinanggap.

Kahalagahan ng Pakikinig
Malaki ang naitutulong ng pakikinig sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pakikinig,
nadaragdagan ang kanyang kaalaman na magagamit niya sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Makatutulong din ito upang maunawaan ang kaisipan at saloobin ng ibang tao nang sa gayon ay
mabigyan niya ng katwiran ang kanyang gawi, kilos, at paniniwala.

Proseso ng Pakikinig
1. Pagtanggap ng mensahe - sa bahaging ito, ginagamit ang mga tainga bilang mahalagang
sangkap sa pagtanggap ng mensahe.
2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe - ang mensaheng tinanggap gamit ang
mga kasangkapan sa pandinig ay magiging malinaw kung pakikinggang mabuti ang
tinatanggap na mensahe.
3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe - nakasalalay sa interpretasyon o pagbibigay-
kahulugan ng nakikinig ng pag-unawa sa mensaheng tinanggap.
4. Pagmememorya / Pagsasaulo - ito ang pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap.
Napakahalaga ng pagmememorya sa mensahe habang nakikinig sapagkat dito nakabatay
ang itutugon na sagot.
5. Pagsagot sa mensahe (feedback) - ito ang reaksyon o sagot sa mga sinabi o itinanong ng
kausap.

Mga Dahilan ng Pakikinig


1. Upang malibang - nakalilibang ang mga dula sa radyo, telebisyon, at iba pang mga
programa gayundin ang masayang pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kakilala.
2. Upang makapagnilay-nilay - ang pakikinig sa mga sermon ng pari o pastor sa simbahan,
at pakikinig sa payo ng magulang.
3. Upang makalikom ng impormasyon - nangangailangan ito ng buong atensyon na gaya
ng pakikinig sa mga panayam, seminar, o mga lektyur ng guro sa klase.
4. Upang magsuri - may mga pagkakataon na ang pinakikinggan ay humihingi ng ideya,
opinion, o reaksyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pakikinig sa mga talakayan at
debate o pagtatalo.

Mga Uri ng Tagapakinig


Ang mga tagapakinig ay maaaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon habang nakikinig
lalo na sa isang klase o talakayan.

a. Eager Beaver - siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang
nagsasalita sa kanyang harapan.
b. Sleeper - siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
c. Tiger - siya ang tagapakinig na laging handang mag react sa anumang sasabihin ng
nagsasalita.
d. Bewildered - siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa
naririnig.
e. Frowner - siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa.
f. Relaxed - isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano ay kitang kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig.
g. Busy Bee - isa siya sa pinaka aayawang tagapakinig sa anumang pangkat. hindi lamang
siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain.

Elementong Nakaiimpluwensya
1. Oras
2. Edad
3. Tsanel / Daluyan
4. Konsepto sa sarili
5. Kultura
6. Lugar / Pook

Sagabal sa Pakikinig
1. Pisikal - ito ay tumutukoy sa ingay sa loob o labas ng silid sa kapaligiran (bingi, gutom,
mainit, umuulan)
2. Sikolohikal - tinutukoy rito na maaaring ang tagapakinig ay gusting-gusto ang paksa, hindi
interesado o ayaw ang paksa, luma na ang paksa, o hindi kapana-
panabik ang paksa.
3. Wikang ginamit - maaaring mahirap o madaling maunawaan ang wikang ginamit, mataas
ang lebel, maling gamit.

Mga Uri ng Pakikinig


1. Di-aktibo / Passive - ito ang uri ng pakikinig na hindi gaanong binibigyan ng matamang
pagtuon ng atensyon ang mensaheng naririnig.
2. Masaya / Malugod - ito ang pakikinig na may saya at lugod gaya halimbawa ng pakikinig
sa musika, dula, kwento, at iba pa.
3. Masigasig / Matamang - ito ang pakikinig na ang hangarin ay maunawaan nang lubos
ang nilalaman ng usapan upang makuha ang mahahalagang detalyeng binabanggit ng
tagapagsalita.
4. Kritikal / Mapanuri - layunin ng pakikinig na ito ang masuri o matasa ang kawastuhan at
katotohanan ng mensaheng napakinggan.

Katangian ng Mabisang Tagapakinig


1. Maging handa sa pakikinig - dapat ipakita ng nakikinig na siya ay interesado. Iwasan ang
paglalakbay-diwa o palinga-linga dahil ito ay nakasisira ng konsentrasyon sa
nagsasalita.
2. Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig - makikinig ka ba para maaliw? Kumuha ng
impormasyon? O upang magsuri?
3. Kilalanin ang mahahalagang kaalaman o impormasyon - itala ang mahahalagang datos at
impormasyon ukol sa narinig na mensahe.
4. Iwasan / Ipagpaliban ang paghuhusga sa tagapagsalita - bawat tao ay may kanya-kanyang
katangian.
5. Patapusin ang tagapagsalita - kailangan mailahad o maibigay lahat ng mensahe bago
magbigay ng puna sa mensahe ng tagapagsalita.

You might also like