You are on page 1of 1

“Palina”, Buhay na tradisyon

Adrian Dale Famor at Joel Albinda Jr.


Panabo National Highschool, Gredu, Panabo city

Sa buong mundo, may mga iba’t ibang pamahiin. Maaring sabihin na ang mga ganitong
uri ng paninwala ay na sa lahat ng uri ng tao. Bawat pamahiin ay nagtataglay ng kaugnay na
paliwanag kung nakit ito ganito. Ang mga tao rin mismo ay may iba’t ibang rason kung bakit sila
naniniwala o hindi naliliwala sa mga pamahiin.
Ang mga Pilipino ay may napakaraming tradisyon at pamahiin. May mga tradisyon at
pamahiin sa halos lahat ng bagay. Mula sa panganganak hanggang sa kamatayan ay
mayroong pamahiin. Isa na sa mga pamahiin o paniniwala ay ang “palina”.Mayroon nang mga
pag-aaral tungkol sa mga tradisyon at pamahiin, subalit sa naturang sa paksa.
Ang salitang “palina” ay nangangahuloganag ritwal na pagpapausok. Kung bakit ito
ginagawa ay nahahati sa dalawang pangunahing rason. Una ay para maalis ang karamdam o
sakit at ang pangalawa sa pagkatapos bumisita sa patay o simenteryo. Ang uri ng palina na
pinagaaralan ditto ay ang panila na isinasagawa tuwing bumibisita sa patay. Bunga sa
paniniwala na ang mga espirito ay kayang sumabay at manakit sa buhay, ang “palina” ay isang
paraan para maalis o maitaboy ang mga espirito. Bago umalis sa simenteryo ay dapat munang
lakaran ang isang usok. Sa ganitong paraan ang mga espirito ng mga patay ay hindi na
makasunod.
Ang tradisyong ito ay isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ang panaliksik na ito ay
nagbibigay ng dokumentasyon sa naturang tradisyon. Ang bunga nitong pananaliksik ay
magbibigay ng paliwanag sa kung ano ba talaga ito sa panananaw ng mga sumusunod o
gumagawa nito.

You might also like