You are on page 1of 4

Bonavente, Rodie Rose V.

E3AE/ BSE-E/Rizcour

1. Ano ang Kilusang Propaganda at paano ito natatag?


Kilusang Propaganda

Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang makabansa ng

mga Pilipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan.


Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga
kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas.

Mga pangyayari noong ika-19 na siglo na naging dahilan ng pag-usbong ng


nasyonalismo sa bansa.

Liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre

Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

Pagbubukas ng Canal Suez

Pagkakaroon ng pangkat na ilustrado

Pagtatatag ng Kilusang Sekularisasyon

Pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)

PAANO AT BAKIT NATATAG?


Naging tambad sa mga Pilipinong ilustrado o nakapag-aral ang mga
tiwaling pamamahala ng mga Kastila. Nakita nila ang pangangailangan sa
pagbabago ng pamamalakad o reporma. Isinulong nila ang pagmumungkahi ng
mga reporma na sinikap nilang maiparating sa mga opisyal ng pamahalaan sa
Espanya. Nabuo ang kilusang propaganda at nakilala sina Jose Rizal, Graciano
Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga pangunahing propagandista.
Layunin ng Kilusang Propaganda

1.
2.
3.
4.
5.

Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain.


Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.
Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas.
Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas.
Ipagkaloob sa mga Pilipino ang katapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.

La Solidaridad

Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.


Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni
Graciano Lopez-Jaena. Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar noong
Disyembre 15, 1889.

Layunin ng La Solidaridad

Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran.


Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan.
Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga
hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.

Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan


May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:
1.

ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng

pamahalaang bayan;
2.

pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;

3.

pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;

4.

ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag na

cedula;
5.

pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang

mapadali ang pagdinig ng mga kaso;


6.

pagbabago

ng

pamamaraan

ng

pagpili

ng

gobernador

sibil

na

mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan.

2. Sino ang nagtatag ng La Liga Filipina at paano ito nakatulong sa bansang


Pilipinas?

Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas.


Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma

sa mapayapang paraan.
Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang samahan dahil ipinahuli ni GobernadorHeneral Eulogio Despujol si Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa
Dapitan.

MAyroong pagkakahati ang La Liga Filipina:

La Liga FIlipina

Cuerpo de Compromisarios

Katipunan

Paghingi ng reporma sa
mapayapang paraan

Paglunsad ng rebolusyon laban


sa mga Espanyol

Hindi naging matagumpay ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na


kinaharap nito tulad ng kakulangan ng pondo, kawalang kalayaan ng operasyon,
at hindi pagkakaisa ng mga Pilipino.

Nagtatag si Dr. Jose Rizal ng La Liga Filipina upang maging daan ng


pagkakaisa ng mga Pilipino. Nabuwag ang samahan dahil sa kawalan ng tiwala
ng mga kasapi sa mga layunin ng asosasyon.

Ang pagkamartir kay Dr. Jose Rizal ang nagbigay ng lakas loob sa ibang Pilipino
upang labanan ang mga Espanyol.

You might also like