You are on page 1of 48

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay ginawa ng may pagmamahal at taos-pusong

pasasalamat. Nais ng mga mananaliksik na banggitin ang kanilang pagkilala ng utang

na loob sa mga nagbigay ng oras at tulong upang maikasatuparan ang kinakatawan at

malikom ang mga datos na kinakailangan para sa pag-aral na ito.

Ang Calamba City Senior High School Principal, Mrs. Rhoda Dela Cruz, para sa

pagbibigay ng walang sawang suporta at pagkakaroon ng pagkakataon na lumikha ng

naturang pag-aaral at payagan ang mananaliksik na magkaroon ng kalayaang pag-

gamit ng mga pasilidad sa paaralan para sa pananaliksik na ito.

Ang kanilang guro sa pananaliksik, Gng. Charris DV. Abustan, sa pagiging

liwanag at gabay sa pagawa, sa mga binigay na oras, pagganyak at sigla, pabibigay ng

sigasig na pagtuturo at pagtulong upang magawa ang pagaaral, at mga materyales at

pamamaraan para maikatuparan ang pananaliksik na ito.

Sa mga mag-aaral sa baitang 11 – STEM ng Calamba City Senior High

School sa pagiging salik ng pananaliksik na ito. Sa pag-unawa at pagbibigay ng datos

na kinakailangan para sa pag-aaral na ito. Naging lugar ng paglilikom ng datos,

isinagawa at winawakasan ng pag-aaral

Sa mga kaibigan, na nagbigay ng detalye, sigla, lakas at tulong. Sa pagiging

maunawa at mapursiging tumulog sa tungkol sa pananaliksik. Sa pagbibigay ng galak

sa tuwing nalulumbay at ng suhestyon na kailangan sa pagaaral.

ii
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

Sa mga magulang, na nagpupumilit at umiintindi sa kanilang mga anak, ang

mga mananaliksik. Sa pagbibigay ng pag-asa at ngiti sa mga mananaliksik. Sa

suportang binigay tuwing nangangailangan.

Ang mga nagiging respondante sa isinagawa niyang pananaliksik

At higit sa lahat, nais na pasalamatan ng mga mananaliksik ang Panginoong Diyos, sa

pagbibigay ng abilidad na makapag-isip, sapat na kaalaman, at patuloy na pagbibigay

ng kalakasang ispiritwal upang matapos ang pananaliksik na ito.

At hindi makakalimutan sa lahat, ang Panginoong Diyos, sa pagbibigay ng

biyaya, saya, at talento upang maisakatuparan ang pag-aaral. Sa mga gabay at

pagmamahal, oras at materyales, sa mga kaibigan at guro, lahat ng bagay na tumulong

sa maisagawa ang pananaliksik. Lubos pong pasasalamat.

iii
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa kanilang guro

at tagapayo sa pananaliksik, Gng. Charris DV. Abustan, bilang pasasalamat sa

kaniyang pagbibigay payo sa mga mananaliksik upang makaisatuparan ang

makabuluhang pag-aaral na ito.

Inihahandog ang pag-aaral na ito sa mga magulang ng mga mananaliksik para

sa kanilang walang tigil na pagtitiwala at pagmamahal.

Para rin ito sa lahat ng susunod na mananaliksik ukol sa paksa na tinalakay

sa pag-aaral na ito.

Sa mga kaibigan, kapatid at mga kamag-aral na tumulong sa pagbuo ng pag-

aaral na ito. Sa

Paninoong Diyos, sa Kaniyang gabay sa araw-araw at biyaya. Ang pag-aaral

na ito ay inaalay sa inyong lahat.

iv
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

ABSTRAK

Ang pamamahala ng oras ay isang uri ng proseso ng pag-aayos at pagpaplano

kung paano hatiin ang iyong oras sa pagitan ng mga tiyak na aktibidad. (Nayak, 2017).

Mula sa inilahad na ideya, ang isinagawang pananaliksik ay layuning suriin kung paano

nakakaapekto ang tamang pamamahala ng oras sa akademikong performans ng mga

mag-aaral. Isinagawa ang pag-aaral sa mga estudyan Mercanlioglu, 2010).te na nasa

baitang 11-STEM na mula sa Calamba City Senior High School, sa panahon ng Enero

hanggang Marso sa taong 2019.-2020.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong disenyo upang makakalap

ng mga impormasyon at datos mula sa mga nakuhang sagot ng mga estudyante.

Gumamit din ang mga manansliksik ng kumbinyenteng pagtukoy ng kinatawan kung

saan nagiging ap ag ang paghahanap at pagpili ng mga respondante ng naaayon sa

kanilang libreng oras.

Batay sa ap ag resulta ng pag-aaral, napatunayan na ang tamang

pamamahala ng oras ay mayroong kaugnayan sa pagpokus ap ag-aaral sapagkat at

naaapektuhan nito ang akademikong performans ng bawat indibidwal na mag-aaral.

Ang tamang pamamahala ng oras ay isa sa mga paraan upang mas maging

organisado ang mga hektik na iskedyul ng mga mag-aaral. Nararapat lamang na

makasanayan ng mga estudyante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa

tamang paggamit ng oras. Ito ay makakatulong sa kanila upang mapataas ang kanilang

akademikong performans.

v
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT I

PASASALAMAT ii

PAGHAHANDOG iv

ABSTRAK v

TALAAN NG NILALAMAN vi

TALAAN NG FIGYUR xiii

TALAAN NG APENDIKS ix

I. PANIMULA

Panimula

Sanligan ng Pag-aaral 1

Balangkas Teoretikal

Balangkas Konseptwal

Paradima ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

II. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik 42

Tagatugon at Sampling Teknik 43

Paraan ng Pananaliksik 43

Instrumento ng Pananaliksik 44

Paglikom ng mga Datos 45

Pagsuri ng mga Datos 46

vi
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

III. RESULTA

IV. DISKUSYON

Paglalagom 50

Konklusyon

Rekomendasyon

TALASANGGUNIAN

APENDIKS

A LIHAM PAHINTULOT

B MGA GINAMIT NA TANONG SA PAKIKIPANAYAM

C TRANSKRIPSIYON

TALAANG PERSONAL

vii
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

TALAAN NG FIGYUR

Figyur 1. Modelong Goal Setting Theory sa Motibasyon bla

Figyur 2.Paradima ng Pag-aaral bla

viii
I. PANIMULA

Ang Kabanatang ito ay kinapapalooban ng panimula, kaligiran ng pananaliksik,

balangkas teoretikal, balangkas konseptwal, paglalahad ng suliranin, pagbuo ng hinuha,

kahalagahan ng pag aaral, saklaw at hangganan at katuturan ng mga salitang ginamit.

Panimula

Bawat isang indibiduwal ay may kakayahan na aksayahin o gamitin nang wasto ang

kaniyang oras. Ang oras ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, at kung gaano

katagal ang iginugugol sa isang paggawa. Kontrolado ng bawat isa kung paano nito

gagamitin ang sariling oras. Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa ng iba’t ibang

gawaing pang-akademiko kung saan madalas ay nagiging rason kung bakit nagiging

hektik ang kanilang mga iskedyul. Nararapat lamang na makasanayan ng bawat

estudyante na magkaroon ng disiplina sa tamang paggamit ng oras.

Ang oras ay isa sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng isang estudyante,

subalit kung minsan ito ay hindi nagagamit ng maayos dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.

Ito ay nagdudulot ng stress sa mga estudyante na nakakaapekto sa kanilang

akademikong performans. Dagdag pa nila na ang progreso at kaunlaran ng

akademikong performans ng isang mag-aaral ay batay din sa kahusayan at kasanayan

nito upang magamit ang kanilang oras nang wasto sa kaniyang mga gawain sa pang

araw-araw ng hindi masyadong naii-stress. Maaaring kaugnay dito ang tamang

pagpaplano, alokasyon ng oras, pagtukoy sa mga prayoridad, pagsusuri ng paggamit

1
ng oras, at ang pag-oorganisa ng oras para sa sarili na hindi naapektuhan ang iba pang

gawain at mga prayoridad nito bilang isang estudyante. (Gupta at Chitkara, 2018)

Ang tamang pamamahala sa oras ay lubhang napakahalaga sa kadahilanang ito

ay aktwal na nakakaapekto sa pangkalahatang pagsasagawa ng isang performans na

maaaring taglayin ng isang indibiduwal. Sa isang banda, ang mga estudyante sa

kasalukuyang panahon ay madalas na nagkakaroon ng kaniya-kaniyang komento o

pahayag ukol sa kawalan nila ng sapat na oras na siyang nagiging dahilan upang ang

isang gawain ay hindi nila maisagawa at makumpleto ayon sa itinakdang panahon.

Bilang karagdagan, ang pagtatamasa ng kalayaan, kakayang maiangkop at

pagkakaroon ng tamang pamamahala sa oras ay siyang lubhang napakahalaga

sapagkat ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral na hindi gaanong kaepektibo

sa kasanayan sa pamamahala ng oras. (Razali at Rusiman, 2017)

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang pag-aaral

tungkol sa disiplina sa tamang paggamit ng oras upang magkaroon ng kaunlaran ang

mga mag-aaral sa kanilang akademikong performans sa paaralan. Tatalakayin din sa

pag-aaral na ito ang kahalagahan ng kasanayan sa pagtitimbang ng oras sa mga

prayoridad at mga gawain.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang oras ay isang bagay na dapat na siyang bigyan ng pagpapahalaga at

pagkakaroon ng pantay na pagtamasa ng bawat mag-aaral ngunit hindi maiiwasan na

hindi masunod ang lahat ng nakatakdang gawain sa nakatakdang panahon sa

maraming kadahilanan. Ito ay maaaring makalikha ng maraming pang akademikong

2
stress na siyang nagiging pangunahing dahilan kung bakit nalilimitahan ang tamang

paggamit nito, sa kabilang banda, maraming mga mag-aaral ang nahaharap sa

maraming pang akademikong stress dahil sa kakulangan sa tamang pamamahala ng

oras. Gayunpaman, ang lahat ay nakasalalay sa sariling kahusayan ng mga indibidwal

upang pamahalaan ang kanilang pang-araw-araw na gawain, maaaring kabilang dito

ang wastong pagpaplano, paglalaan ng sapat na oras, pagpaprayoridad, pagsusuri sa

tamang paggamit ng oras.

Sa madaling salita, ang oras ay isang pangunahing pag-aari na tinataglay ng bawat isa

at inaasahang magampanan ng tama sa lahat ng oras ngunit kung minsan ay

maiiwasang mapabayaan ng dahil sa mga espisipikong kadahilanan. Ang proseso ng

tamang pamamahala ng oras ay may kaakibat na self-acknowledgment ng bawat

indibidwal na magsimula sa pagpapamilyar sa kanyang sariling katangian, pagsisiyasat

kung paano ginagamit ang oras at pagtitipon ng may katuturan impormasyon, at

pagsusuri ng alternatibong solusyon (Izandözen, 2010). Sa pag-aaral na isinagawa nina

Sevari at Kandy (2011) sa kanilang pananaliksik, sinuri nila ang maaaring maging

epekto ng oras sa pamamahala ng mga kasanayan sa akademikong kakayahan at

kahusayan sa sarili. Ang mga resulta mula sa isinagawa nilang pag-aaral ay nagpakita

lamang na ang pagsasanay nang tamang pamamahala sa paggamit ng oras ay isa sa

mga nakakatulong upang mapahusay ang akademya ng bawat indibidwal at

nagkakaroon ng kabuluhan ang pagganap at pagiging epektibo sa sarili. Tulad ng

nakikita natin, ang pangangasiwa ng oras ay lubos na mahalaga sa sinumang mag-

aaral.

3
Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakasandig sa Modelo ng Goal Setting Theory sa

Motibasyon tulad ng figyur 1 na makikita sa ibaba. Ang modelong ito ay ginamit bilang

batayang teoretikal upang ang wastong pagsusuri sa disiplina sa tamang paggamit ng

oras tungo sa kaunlaran ng akademikong performans ng ika-labing isang baitang mula

sa Calamba City Senior High School ay makamit. Ang Modelong Goal Setting Theory

sa Motibasyon ay pinaunlad ni Edwin Locke upang matutunan ng mga tao ang wasto at

mabisang pamamahala ng paggamit ng kanilang oras. Isinasaad sa modelong ito ang

limang mahahalagang aspekto na bunga ng pakikitungo ng tao sa kaniyang mga

hangarin na nakakaapekto sa kanyang performans -- una, ang kahirapan ng layunin;

ikalawa, ang desisyon ng tao kung paano niya ito bibigyang tugon; ika-tatlo, ang

pagganap niya sa layunin batay sa kanyang pagtugon; ika-apat, kung siya ba ay

kontento sa naging resulta; at ika-lima, ang kaniyang pagpayag na gawin ang mga

bagong bagay. Sa pag-aaral ng teoryang ito, ang isang tao ay magkakaroon lamang ng

mas higit pang motibasyon upang gampanan ang kaniyang tungkulin kung siya ay

mayroon na malinaw at tiyak na mga layunin. Idinagdag ni Locke na ang kalidad na

performans ay maaaring lamang umusbong kung malinaw ang inaasahan ng taong

gumagana sa kaniyang mga hangarin (Pynes 2008).

4
Figyur 1. Modelong Goal Setting Theory sa Motibasyon
Balangkas Koseptuwal

Ang paradima sa ibaba ay naglalarawan sa isinasagawang pag-aaral tungkol sa

disiplina sa tamang paggamit ng oras tungo sa kaunlaran ng akademikong perpormans

ng ilang piling mag-aaral ng ika-11 baitang sa Calamba Senior Highschool. Inilalahad

ng malayang baryabol ang mga disiplina sa tamang paggamit ng oras na ibabatay sa

kanilang pamamaraan ng disiplina, motibasyon at aktibidad na kanilang ginagawa sa

loob at labas ng eskwelahan. Ang di-malayang baryabol ay sumasaklaw sa resulta ng

pagkakaroon ng disiplina sa tamang paggamit ng oras sa akademikong perpormans.

Paradima ng Pag-aaral

Figyur 2. Ipinapakita sa figyur na ito ang Malaya at Di-Malayang baryabol ng pag-aaral

5
Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito sinikap na mabigyang katugunan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng disiplina sa pamamahala ng oras?

2. Ano ang kaugnayan ng pamamahala ng oras sa akademikong performans ng isang

mag-aaral?

3. Paano magagamit ng mga mag-aaral nang wasto ang kanilang oras upang

mapamahalaan ang kanilang iskedyul

II. METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, populasyon sa

pagpili ng tagatugon, paraan ng pananaliksik, instrumento sa pananaliksik at istatistikal

na pagsusuri ng datos. Sa kabanatang ito masusuri ang estratehiyang gagawin ng

mananaliksik upang mapagsama-sama ang mga impormasyong kinakailangan sa pag-

aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa pag-aaral ng epekto ng tamang pamamahala sa oras sa

akademikong performans ng isang estudyante. Ang angkop na disenyo na gagamitin

para sa nasabing pag-aaral ay ang Palarawang Pamamaraan ng Pananaliksik

(Descriptive Method) upang makatiyak at magkaroon ng wastong mapanggagalingan

ng impormasyon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Palarawang Pamamaraan ng


6
Pananaliksik upang makapagbigay linaw kung paano nagkakaroon ng kaugnayan sa

isa't-isa ang tamang pamamahala sa oras (Time Management) at ang epekto nito sa

Akademikong Performans nang mga piling mag-aaral na estudyante ng Calamba City

Senior High School. Ito rin ay karaniwang ginagamit sa maraming Pamamaraan at mga

kadahilanan na kung saan, ang palarawang pamamaraan ng pananaliksik ay isang

angkop na pagpipilian ng disenyong gagamitin kung ang layunin ng pag-aaral ay nais

magpakita ng mga katangian, "Correlation" at kategorya ng Pananaliksik. Karagdagan

pa, ito ay kapaki-pakinabang kung ang isang paksa o problema ay hindi pa gaano

nabibigyan ng kasagutan kung paano, kailan at saan ito nangyayari (McCombes, 2019)

Tagatugon ng Pananaliksik

Ang mga napiling respondante ng mga mananaliksik ay ang mga mag- aaral

mula sa Calamba City Senior High School na nasa ika- labing baitang. Ang mga

mananaliksik ay kukuha lamang ng sampung tagatugon mula sa nasabing baitang. Ang

ilang piling mga estudyanteng ito ay bibigyan lamang ng apat na tanong na

manggagaling mula mismo sa mga mananaliksik.

Sampling Teknik

Gagamitin ng pag-aaral na ito ang kumbinyenteng pagtukoy ng kinatawan kung

saan nagiging malaya ang paghahanap at pagpili ng mga respondante ng naaayon sa

kanilang libreng oras. Ang sampling teknik na ito ay nakapaloob sa non-probability

sampling na epektibo sa pananaliksik na ginagawa. Ito rin ay nagiging

kapakipakinabang kapag ang gagamiting metodo sa pananaliksik ay pinaghalong

kwalitatib o kwantiteytib. Sumakatuwid, ang sampling teknik na ito ay natutugma sa

paghahanap ng solusyon sa mga suliranin ng pananaliksik na ito.


7
Paraan ng Pananaliksik

Sa pagkalap ng mga impormasyon o datos ang mga mananaliksik ang mismong

kumuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-iinterbyu. Ang isinagawang panayam

ay binubuo ng mga tanong na mayroong kinalaman sa pag-aaral na kung saan ginawa

mismo ng mga mananaliksik. Pinili ng mga mananaliksik ang pagpapanayam dahil ang

mga impormasyon na makakalap sa pamamagitan nito. Ito ay isang mabisang paaran

upang mas makahalubilo ng maayos ang interbyuwi upang makakuha ng mas matibay

na impormasyon.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng pakikipanayam o interbyu bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang pakikipanayam

ay naglalaman ng apat na katanungan na gagamitin sa paginterbyu ukol sa paksang

pagaaralan. Gumamit din ang mga mananaliksik ng selpon upang mai-record ang mga

sagot ng mga respondante. Ito ay nagbigay ng iba't ibang persepsyon at impormasyon

sa mga mag-aaral kung sa paanong paraan magagamit nang wais ang oras at kung

ano ang kaugnayan ng akademikong performans sa pamamahala ng oras. Narito ang

mga tanong na ginamit sa pakikipanayam upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

1. Ano-ano ang epekto o bunga ng napakaraming gawain sa paaralan?

2. Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng disiplina sa pamamahala ng oras?

3. Ano-ano ang iyong mga pamamaraan upang mapamahalaan ang iyong oras sa

hektik na iskedyul?

8
4. Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ang pamamahala ng oras o time,

management sa iyong performans? Paano?

Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik mismo ang kumuha ng mga impormasyon na

kakailanganin para sa pananaliksik na ito upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang

datos. Iinterbyuhin ng mga mananaliksik ang ilang piling mga respondante nang sa

gayon mas malinaw at mas mabilis ang proseso ng pagkakalap ng datos. Sisiguraduhin

ng mga mananaliksik ang pagiging kompidensyal ng mga makakalap na datos at

magsasagawa rin sila ng maikling oryentasyon patungkol sa magiging daloy ng interbyu

bago isagawa ito upang mas makapagpahayag ang mga respondante sa mga tanong.

Pagsusuri ng mga datos


Nilikom ang datos upang makakuha ng impormasyong patungkol sa epekto ng tamang

pamamahala ng oras mula sa ilang piling mag-aaral ng ika-labing isang baitang ng

STEM sa Calamba City Senior High School. Upang malikom ang datos, ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng apat na katanungan sa pamamagitan ng personal na

pag-iinterbyu sa mga respondante. Sampung katao ang pinili upang sagutan ang mga

nakahandang katanungan. Matapos ang pagkuha ng datos sa pamamagitan ng

interbyu na sinagot ng mga respondante ay inunawa ito at sinuri ang mga datos na

nakuha sa paraang naratibong interpretasyong upang makuha ang pananaw ng bawat

estudyante.

lll. RESULTA

9
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nalikom na datos ng mga mananaliksik

na tumugon sa nasabing paksa sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa pag-

aaral na may paksang “Disipilina Sa Tamang Paggamit Ng Oras Tungo Sa Kaunlaran

Ng Akademikong Performans” ang mga sumusunod ay presentasyon ng mga datos na

nakalap:

Ang mga nasa ibaba ay ang mga respondanteng tumugon sa aming interbyu na kung

saan ay binubuo ng apat na tanong:

Tanong 1. Ano-ano ang epekto o bunga ng napakadaming gawain sa paaralan?

“Nakakastress, kasi syempre di mo na alam uunahin mo tapos hanggang sa tatamarin


ka nalang…..”
“Para sakin may negative at positive kasi siya, sa negative……nagkacram tayo, di na
natin alam yung ginagawa natin, di na natin nabibigay yung pinakabest….wala tayong
tulog, di na tayo magkaroon ng family bonding sa family natin. Sa positive side naman
is hinahanda tayo nito sa panibagong kabanata natin sa college diba sa college……
wala na tayong tulog so mas mabuti na siguro madami tayong ginagawa”
“Ito ang nagiging pangunahing dahilan ng pagkai-stress ng estudyante.”
“…… So yung una sa psychological, nagdudulot yun ng stress and may iba’t iba tayong
stress hormones diba at kapag nag accumulate yun sa brain o kaya katawan natin sa
palagay ko makakainhibit siya ng mga iba’t ibang functions. Tapos nararanasan ko yun
yung mga inhibition na nangyayari like for example may gantong gawain tapos at the
same time pasahan na ng ganitong gawain tas may pinapagawa pang isa, ngayon
syempre di mo alam yung gagawin mo, pag ako andon sa ganong situation parang
hindi ako makakilos, di ko alam kung ano ang uunahin so ang nangyayari naii-stuck na
lang ako, so parang name-mental block ako at palagay ko effects yun….. physical ….
syempre marami ngang stress kailangan kong gawin ang mga tasks na yun no matter
what para makapagpasa…..since kailangan ko nga silang unahin, nakakapagod yun at
kailangan ko rin magpuyat…”
“Stress po”

10
“Siguro ang epekto ng maraming gawain, stress. Kasi hindi na kinakaya ng estudyante
at wala na silang time para gumawa ng time management para sa kanila”
“ So meron din kasi siyang positive at negative, so yung una muna negative, yung
negative effect kasi ng masyadong loaded hindi kasi lahat ng estudyante ay pare-
pareho ng ability and capacity yung iba mabilis mag break down yan kapag sobrang
loaded….. marami ka dapat isaalang alang and i-consider pagdating sa mga ano
activities yun nga unang-una time management tapos pangalawa kailanan mong
malaman kung ano yung mga urgent so kailangan mong iconsider yung urgency. Time
management and urgency. Sa positive effect naman, doon kasi papasok kung paano
sila matututo, it will depend sa estudyante kung paano niya iaadapt so kung wala syang
time management and seeking for urgency edi don niya marerealize yun na kailangan
niya mag isip dapat pala ganto unahin ko…so in order for me ma-surpass lahat ng
loaded na’to….”
Maraming epekto ang pagkakaroon ng napakadaming gawain sa paaralan, pero

mula sa mga kasagutan ng mga tagasagot, halos stress ang resulta ng maraming

gawain. Ang stress, ayon sa kanila, ay may kaugnayan pa na salik, at ito ay ang

pagkaranas ng mental block at mental break down. Ilan sa mga kasagutan ay sumagot

din na kapag sumobra ang gawaing pang akademiko, mas nababawasan ang oras na

nilalaan para sa pamilya. Iba naman ay sumagot na ang epekto nito ay pagkapuyat o

kakulangan sa tulog, pagkapagod ng katawan, at katamaran. Ngunit sa kabila ng mga

negatibong aspeto, alinsunod sa mga kasagutan ng ilang mga tagasagot, ang

pagkasanay sa maraming gawain ay ang naghahanda sa kanilal para sa kolehiyo at

kanilang natututunan din ang pagtugon sa stress sa pamamagitan ng time

management.

Kapag madaming ginagawa, pati ang mga gusto mong gawin na ibang bagay ay

hindi na magagawa. Pagkatapos ng klase sa paaralan, ang mga nakatakdang gawain

tulad ng mga takdang aralin at mga proyekto ay nakakaapekto sa mga estudyante.

Gayon pa man, ang mga estudyanteng tutok sa mga ganitong uri ng aktibidad ay

kadalasang nagdudulot ng malimitang pagkapagod ng mga estudyante bago pumasok

11
at may mga nakakaligtaang gawain. Ang mga sikolohiko ay naniniwalang ang mga

mag-aaral na gumagawa ng higit na oras ay maaaring mahirapan higit pa sa hindi

natapos na gawain at mababang marka. Sa isang pag-aaral noong 2011, nalaman nina

(Monahan, Lee, at Steinberg, 2011) na ang mga mag-aaral na nagtatrabaho ng higit sa

20 oras bawat linggo ay hindi gaanong nakikibahagi sa paaralan at "lumalala ang di

magandang pag-uugali na nagiging problema.".

Ang stress sa akademiko ay nagdudulot ng maraming mga hamon sa

lipunan sa kadahilanang ang mga mag-aaral ay nahahadlanagn na makakuha ng

kumpletong kaalaman sa intelektwal na kinakailangan ng pagpapaunlad samakatuwid

ang pang-akademikong stress ay isang problema na nakakaapekto sa mga mag-aaral

at sa lipunan. (Ogbogu, n.d)

Ang pag - aaral ay mahalaga sa bawat isa, ito ang nagsisilbing gabay sa bawat

mag - aaral. At sa bawat palapag, ito ang humuhubog sa mga mag - aaral upang mas

lalong maging karapatdapat sa kanilang mga napiling kurso. Ngunit dahil sa sobrang

daming mga gawain ito ang nagiging dahilan upang ang mga mag - aaral ay mahulog

sa tinatawag na stress na nakakaapekto sa kanilang akademikong performans. At dahil

dito hindi lang ang pag - uunawa sa klase ang naaapektuhan kundi pati na din ang ang

kalusugan ng mga mag - aaral. Dahil din dito nahihirapan na silang maunawaan ang

mga tinuturo ng mga guro pati nadin ang kanilang mental na kalusugan ay

naaapektuhan dahil sa kakulangan ng tulog dahil na din sa maraming gawain. (Thakkar,

2018)

Tanong 2. Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng disiplina sa pamamahala ng

oras o time management?


12
“ Syempre malalaman mo kung ano yung mga dapat mong unahin sa hindi, kasi
syempre kapag inuna mo talaga yung mga dapat mong unahin mas mapapabilis yung
paggawa mo sa mga gawain kahit gaano pa kadami yun”
“Yung sa time management….makakatulong sya satin kasi kapag may time
management tayo wala tayong masasayang na oras at yung time management natin
kung maayos magagawa natin ng maayos ang lahat ng bagay.”
“Sa tingin ko, mas magagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin ng Malaya at
naaangkop at walang nasasayang na oras”
“….since nama-manage mo nga yung time mo meron kang proper
discipllne…..masisigurado mo na maaccomplish mo yung tasks mo.”
“I mean kapag may time management ka so parang mas magagawa mo yung dapat
mong gawin kasi diba parang divided na yung time na ilalaan mo for that stuff.”
“Mas organize, mas alam nila kung ano yung dapat iprioritize nila sa time na yun or dun
sa time na kailangan nilang gawin”
“yun nga, sobrang importante ng time management kasi yun nga time is gold…..
Mahalaga ang time management lalong lalo na sa curriculum natin na K-12 kasi
wherein lalong lalo na sa school natin kasi whole day tayo so let’s say nag iispend tayo
ng almost 10 hours nag eexceed pa yon kapag marami tayong gagawin kasi nga
kailangan talagang ipasa sa sobrang loaded…..sobrang importante ng time
management para alam mo yung beating the deadline and hitting the target….”

“Madaming benepisyo yan kasi namamastery mo yung pagta-time management


nagiging…..parang maagap ka sa mga Gawain, hindi ka yung papabayaan yung mga
gawain yung puro bukas nalang…..yung positive effect din kasi nun kapag maraming
pinapagawa sa inyo masasanay ka na ibudget yung oras mo. Kunwari 7-8 ganon
gagawin mo 8-9 ito yung gagawin mo para mapapahalagahan mo pa yung oras mo na
mas mabuti, hindi ka magsasayang.”
Alinsunod sa mga kasagutan ng mga respondente, halos lahat sa kanila ay

sumagot na mas nagiging produktibo ang isang tao kapag sila ay mayroong disiplina sa

pamamahala ng oras. Ayon sa kanila, ang pagiging produktibo ay nagreresulta sa

pagkakaroon ng pokus sa mga mas kailangan na bagay. Ilan naman sa kanila ay

sumagot na sa pamamagitan ng pamamahala ng oras, mas maraming mga gawain ang

natatapos at ito ay mas maaga rin na naipapasa. Dagdag din nila na walang oras ang

nasasayang kung sanay ang isang tao gamitin ang kaniyang oras.

13
Ang pamamahala ng oras ay nagiging isang malaking bagay kapag ang pansarili

at ang propesyonal na buhay ng isang tao ay nagsabay. Mula sa akda na

pinamagatang “The Principles of Scientific Management”, ang epektibong pamamahala

ng oras ay mahalaga upang makamtam ang isang masaya at matagumpay na buhay

ayon sa mga sumusunod na kadahilanan: (i) Nagpapabuti ito ng kalidad ng buhay: Ang

mabisang pamamahala ng oras ay nagpapabuti sa kalidad ng buhay. Sa pamamahala

ng oras, ang ilan sa mga pinaka-karaniwang problema tulad ng stress at kakulangan ng

oras para sa personal na interes, ay maaaring malutas nang walang kahirap-hirap. (ii)

Binabawasan nito ang pagkabigo: Ang oras ay ang tanging instrumento na maaaring

magpabuti o makasira sa isang tao. Ito ay naaangkop, lalo na kung kinakailangang

lumikha ng isang balansa sa pagitan ng isang propesyonal at pansarili na buhay sa loob

ng napakahirap at nakakapagod na karaniwang gawain sa pang araw-araw na buhay.

Upang matupad ang layunin, kinakailangan na makahanap o magtakda ng oras upang

gawin lahat ng ninanais ng puso. Sa pamamagitan ng pamamahala ng oras sa isang

wastong paraan, maiiwasan ang pagkabigo. (iii) Nagbibigay ng kapayapaan sa pag-iisip

o peace of mind: Ang hindi mapakali at pagkapagod ay ang sanhi ng kakulangan ng

kapayapaan. Ang stress ay nagdudulot sa atin na mag-isip at gumaganap nang hindi

kanais-nais. Ito ay kadalasang humahantong sa kadena ng damdamin o chains of

emotion kung tawagin na malubhang nakakaapekto sa mga taong na sa paligid. Sa

pamamahala ng oras nang matalino, maibibigay sa sarili at sa mga mahal sa buhay ang

dapat na oras at atensyon. At dahil ang ugnayan sa sosyedad at sa sarili ay malakas,

kinakailangan ng pamahalaan ang oras mabisa. (iv) Nagpapataas ng antas ng

enerhiya: Ang mabisang pamamahala ng oras ay nagdaragdag ng antas ng enerhiya sa

malaking sukat dahil ang tamang pamamahala ng oras ay nakakahubog ng isang


14
organisadong kaisipan. Sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras, ang mga

ipinagpaliban na gawain ay maaaring ipagpatuloy sa loob o bago ng deadline. Sa

pamamagitan ng pamamahala ng tama ng oras, mas mapapalakas ang antas ng

enerhiya kaysa sa dati. Sa gayon, ito ay nagbibigay-daan upang maing tututok sa

gawain nang walang abala. (v) Nagbibigay ng higit na kalidad ng oras: Ang mabisang

pamamahala ng oras ay nagbibigay ng mas maraming oras upang gawin ang mga

gawaing nais ipagpatuloy ngunit dati ay naisantabi dahil mas prayoridad ang mas

kinakailangang tapusin. Sa madaling salita, sa pamamahala ng oras, nagkakaroon ng

kalaayan ang ibang oras na dati ay nakalaan para sa hindi pa tapos na gawain. (Taylor,

2001)

Tanong 3. Ano-ano ang iyong mga pamamaraan upang mapamahalaan ang iyong

oras sa hektik na iskedyul?

“ Yun nga, kagaya nga nung sinabi ko sa pangalawang tanong… uunahin ko muna ang
mas mahalaga… ira-ranking ko muna siya kung ano yung dapat… halimbawa sa
project sa school sa mga school works kung bukas na yung deadline… syempre mas
uunahin ko yun kumpara sa mga the other pa naman, yun parang ganon.”
“Siguro… jot down lahat ng schedule mo then i-list down mo kung ano pinakaprioritize
mo sa taas sya pababa… oo syempre kasi… sa nasabi ko kanina makakaapekto to
satin bilang mga estudyante minsan di natin nagagawa yung pinakabest natin minsan
madami na tayong quizzes sabay-sabay na may kasamang pt na maaring di na tayo
makapag review sa darating na quiz… maari natin ikabagsak or makakuha tayo ng
mababang grado.”
“Ilan lang sa mga ginagawa ko kadalasan ay yung pag tatanggal ng stress sa sarili ko
at i-pokus yung isip ko sa mga posibleng paraan para matapos yung Gawain ko”
“ Meron, kasi ako iba’t ibang method na ginagamit… syempre… may dalawang
factors… una kung ano yung pinaka importante… ikalawa naman yung due date o
kung kalian yung deadline, so kung halimbawa least important naman ito pero ngayon
yung deadline uunahin ko na rin siya pero kung halimbawa pantay-pantay sila for
example ng deadline uunahin ko kung ano yung pinakamahalaga, halimbawa sa
subject… nagpapapasa…ng project sa ganitong araw at the same time sa araw na yun
may quiz din siya so iisipin ko kung ano ba mas malaki ang epekto sa grade, yung

15
project o yung quiz the ia-analyze ko, project, 50% siya ng grade tapos yung quiz ilang
percent lang so uunahin ko yung project”
“I need discipline to manage my time parang ganon.”
“Know your priority and responsibility… hind mo naman magagampanan… kung hindi
mo alam gagawin mo kasi kung sa oras na’to saba- sabay… magugulo lang utak mo
kung ano aasikasuhin mo”
“kaya nga kanina, time management and seeking urgency, kung ano ang mas
importante yun yung dapat na gagawin so kapag pinapili ka kung project mo o quiz mo

unahin mo yung project mo because after that, anytime pwede ka naman magreview
yung mga ganong instances…”
“Sinusulat ko yung… lahat ng gagawin tapos… pipiliin ko kung ano yung uunahin ko
halimbawa it’s either yung madali o kaya yung mahirap muna… magdedecide ako don
tapos lalagyan ko ng number pagsusunurin ko na dapat eto dalawa matapos ko ngayon
dapat, ganon.”
Maraming pamamaraan upang mapamahalaan ang oras sa isang hektik na iskedyul,

ngunit mula sa mga kasagutan ng mga respondente, halos pagbibigay priyoridad ayon

sa deadline o urgency nito sa pamamagitan ng paglista ng mga gawain ang kanilang

tugon sa isang hektik na iskedyul. Ang pamamaraan ng ilan ay pagtapos ng mga

gawain isa-isa para kahit papaano may natatapos, at mas gumaan ang dami ng gawain.

Ang sagot naman ng ilan ay kinakailangan lamang ng disiplina upang bigyang tugon

ang mga tungkulin.

Ang pamamahala ng oras nang mahusay ay nagbibigay ng pagpili ng mga

gawain sa paghawak sa pansariling oras at kaginhawaan. Ang pagiging abala ay hindi

kapareho ng pagiging epektibo, dahil ang paggugol ng oras sa mga iba't ibang bagay

ay hindi parating katumbas sa pagiging produktibo at hindi kadalasanang

kasingkahulugan ng pagkamit na isang layunin. Ang oras ay maaaring

pinamamahalaan ng ilang mahahalagang kasanayan o pamamaraan na inilalapat

kapag kumukuha ng isang tiyak na gawain o layunin. Mayroong ilang mga kasanayan
16
upang mas maipagpabuti ang pamamahala ng oras mula sa isang blog na

pinamagatang "What is Time Management?": (i) Keep Orderly: Ang pagka-abala ay

nakalulumbay at maaaring gawing magulo ang isipan. Sa pagpapanatiling maayos at

organisado ang kapaligiran, mas makakatulong ito na mag-udyok at madagdagan ang

pagpapahalaga sa sarili. Ang pag-oorganisado ng sarili at pag-iwas sa pagkabalisa ng

kaisipan ay isang mahalagang kasanayan sa pamamahala ng oras, dahil nakakatulong

ito na isantabi ang mga gawain na hindi nangangailangan ng kagyat na pansin. Mas

mainam na panatilihing maayos ang kapaligiran ng pinagtatrabahuhan upang hindi

humantong sa isang organisadong pag-iisip. (ii) Setting Priorities: May mga oras na ang

ilang mga gawain ay umaangkop sa mga tiyak na oras kung saan maaari silang

mapatakbo nang mas mahusay. Mas kanais-nais na itakda ang mga mahirap na

trabaho sa mga oras na mas mahusay silang pagtrabauhan. Maaaring maging isang

mahusay na ideya na magkaroon ng isang timeline, kung saan maaari i-ranggo ang

gawain sa paggamit ng isang iskedyul, ayon sa mga emerhensiya at time frame. (iii)

Iwasan ang Procrastination: Kung ang isang gawain ay kagyat o kinakailangang gawin

sa isang partikular na oras, ito ay gawin agad agad. Ang pagpapaliban o procrastination

ay nailalayo lamang ang mga tungkulin na dapat gawin sa isipan, at ito ay maaaring

maging sanhi ng akumulasyon, pagtambak ng mga trabaho o kahit na pag-abandona sa

proyekto. Mahalagang makuha ang kakayahang maiwasan ang pagpapaliban sa lahat

ng mga gastos. (iv) Iwasan ang Multitasking: Maaaring hindi isang kaayaw ayaw na

kakayahan pagdating sa pagtrabaho, ngunit hindi ito isang kapakinabangan para sa

lahat. Ang patuloy na multitasking ay maaaring isang panganib para sa mga proyekto at

mabawasan ang kahusayan, dahil ang isip ay kailangang mag-focus at gumana nang

17
mas mahusay kapag naglalayong makamit ang isang layunin sa halip na marami. Mas

mahusay na gawin ang mga gawain nang sunud-sunod. (Kukreja, n.d.)

4. Sa tingin mo ba ay may kaugnayan ang pamamahala ng oras o time

management sa iyong akademikong performans? Paano?

“Meron, kasi… kapag marunong ka mag-time management alam mo yung mga mas
matatapos ka sa mga gagawin mo alam mo yung mga bagay na tapos mo na… sa mga
dapat mong gawin…”
“oo, syempre kasi… sa nasabi ko kanina makakaapekto to satin bilang mga estudyante
minsan di natin nagagawa yung pinaka-best natin minsan madami na tayong quizzes
sabay-sabay na may kasamang pt na maaring di na tayo makapag review sa darating
na quiz na maari natin ikabagsak or makakuha tayo ng mababang grado.”
“Oo sa tingin ko, sa pag bibigay ng mga titser ng mga Gawain ng sabay sabay,
nagiging hektik ang iskedyul ng isang mag aaral na gaya ko kung kaya't nag
kakaganoon ang estudyante ng stress na syang nakakaapekto sa akademikong
performans”
“Oo, meron talaga, kasi… kung hindi ka magma-manage ng time mo… paano mo
maaccomplish yung task at saka paano ka makakapag pasa ng requirements…
palagay ko talaga nakakaapekto siya.”
“Yes, parang kasi pag may time management ka tulad ng sinabi ko kanina… mas
efficient mong magagawa yung school works mo tapos parang hindi ka mag
poprocastina or cramming pag may time management ka.”

“meron, sa pag aayos ng schedule para hindi alam mo yung busy pag hindi ka
natatambakan ng mga gawain tas hindi ka nag basta procrastinate…”
“Yes, parang kasi pag may time management ka tulad ng sinabi ko kanina pag may
time management ka mas efficient mong magagawa yung schoolworks mo tapos…
hindi ka mag poprocastina or cramming pag may time management… meron talaga
kasi kapag nag aaral ka naman it’s not about just sitting there and listening sa teacher
hindi lang naman ganon tungkol yung pag aaral, hindi naman porket may napasok na
sa utak mo yun na yung pag aaral kasi ang reality ng pag aaral sa curriculum natin, iikot
lahat yan sa paggawa ng output at paggawa ng mga pt so kung hindi ka marunong mag
time management paano mo mabebeat yung kailangan ng grades mo? so for example
parang pinagawa kayo ng output tapos kailangan nyong magperform kinabukasan…
so… nakakaapekto siya kasi what if may isa kang namiss don eh syempre inclined
lahat ng pinaka kumbaga ingredient ng grades mo para mabeat yun…

“Oo kasi kapag wala kang time management ibig sabihin… parang yung mga gawa mo
basta-basta na lang kasi halimbawa hindi ka naggawa sa bahay… magmamadali ka
18
ngayon… yung performance mo dito parang mejo-mejo panget unless nandadaya ka…
nalulusutan mo yung mga dapat na ginagawa mo sa oras na halimbawa homeworks o
kaya review… may relasyon sila kasi kapag di ka marunong mag time management
talagang papangit yung performance mo sa school unless nga may iba ka nang
ginagawang Teknik.”

Batay sa mga kasagutan ng mga tagasagot, lahat ay sumangayon na mayroong

kaugnayan ang pamamahala ng oras sa akadademikong performans. Maraming

maaaring sabihin kung bakit at paano ang dalawang ito ay may kaugnayan sa isa't isa,

ngunit sa mga sagot ng mga respondente, kanilang binigyang linaw ang relasyon ng

dalawang nabanggit. Halos lahat ay nagsaad na napapabuti ang akademikong

performans kung mayroong maayos na time management. Sa kadahilanang, kapag

lahat ng mga kinakailangang requirements ay nagawa at napasa, mas kalidad ang

makukuhang grado dito. Ilan din ay sumagot na dahil sa pamamahala ng oras,

naiiwasan ang pag-procrastinate at pag-cram, at ang magaaral ngayon ay nagiging

produktibo na kung saaan ito ay humahantong sa pagtapos lahat ng mga gawain at

posibleng mas maaga itong maipapasa.

Ang pamamahala sa oras ay mahalaga para sa mga mag-aaral para mas lalong

mabigyang pansin ang kanilang pag-aaral. Ito din ay mahalaga upang makatulong sa

upang magkaroon ng mataas na marka ang mga mag - aaral. Ang kaunlaran ng mga

mag-aaral ay nakadepende kung paano nila pamahalaan ang kanilang oras ng maayos.

Ang mga kaugaliang nabibigayan ng tamang pagtugon ay nakakatulong para mahubog

ang kanilang kinabukasan. Ang pamamahala ng oras ay tumutulong sa mga mag-aaral

na dumaan sa tamang proseso at ang pagkakaroon ng disiplina upang mas lalong

mapalawig ang mga responsibilidad na kinakailangan. Ang tamang disipilina sa oras ay

nagiging dahilan upang ang mga mag-aaral ay maging produktibo at lalong magkaroon

19
na malawakang pag-unawa sa mga asignatura. Sapat na oras at panahon na

nagbibigay tulong upang mas lalong maging aktibo ang mga mag- aaral na nagreresulta

ng magandang akademikong performans. (Sharma,2016)

Ang pamamahala ng oras ay may kaugnayan sa akademikong performans ng

mga mag-aaral. Kaya ito ay mahalagang mapaunlad para maiangat ang akademikong

performs ng bawat mag-aaral. Kaya kinakalangan nito ng suporta para mas lalong

mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa tamang pamamahala ng oras kung

saan labis na nakakaapekto sa akademikong performans. Ang pamamahala ng oras ay

mahalaga sa bawat isa upang maging gabay at tulong upang maging isang responsable

sa mga gawain, kaya kapag ang pamamahala ay hindi nakasakanayn kinakailangan

nito ng malalim na pagtugon. Ang pamamahala ng oras ay isang tuwirang kakayahan

para sa kaunlaran. Ito ay magandang paunlarin sapagkat ito ay nagdudulot ng

positibong kaunlaran hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na di sa bawat indibwal.

(Subramanian, 2016)

IV. DISKUSYON

Lagom

Sa isinagawang pag-aaral na ito, ang kumbinyenteng pagtukoy ng kinatawan

ang angkop na gamitin (convenience sampling technique) kung saan naging malaya

ang paghahanap at pagpili ng mga respondante ng naaayon sa kanilang libreng oras.

Ang sampling teknik na ito ay nakapaloob sa non-probability sampling na epektibo sa

pananaliksik na ginagawa. Ito rin ay nagiging kapaki-pakinabang kung ang gagamiting

metodo sa pananaliksik ay pinaghalong kwalitatib o kwantiteytib. Sumakatuwid, ang

20
sampling teknik na ito ay tumutugma sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin ng

pananaliksik na ito.

Sa pagkalap ng mga impormasyon o datos, ang mga mananaliksik ang mismong

kumuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pagiinterbyu. Ang isinagawang panayam

ay binubuo ng mga tanong na mayroong kinalaman sa pag-aaral na kung saan

isinagawa ng mga mananaliksik. Pinili ng mga mananaliksik ang pagpapanayam sa

kadahilanang ang mga impormasyon na makakalap sa pamamagitan nito. Ito ay isang

mabisang paaran upang mas makahalubilo ng maayos ang interbyuwi upang makakuha

ng mas matibay na impormasyon.

Konklusyon

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, may malaking epekto ang pamamahala ng

oras sa akademikong performans ng mga estudyanteng nabibilang sa baitang 11 mula

sa Calamba City Senior High School dahil ang dalawang ito ay may kaugnayan sa isa't

- isa. Napag-alaman din na nagiging susi sa tagumpay ang pagkakaroon ng tamang

paggamit ng oras dahil ang mga kaugaliang nagbibigay ng tamang pagtugon sa mga

tungkulin at gawain ng isang indibidwal ay nakakatulong para mahubog ang kaniyang

kinabukasan. Ang tamang pamamahala ng oras ay may agarang pagtugon upang

mapaunlad ang akademikong performans ng mag-aaral. Sa kasalungat, ang kawalan

ng pamamahala ng oras naman ay nagdudulot ng mga negatibong epekto na

nakakapahamak sa performans ng isang mag-aaral sa paaralan. Hindi man gaanong

kadalian ang panghawakan ang pamamahala ng oras, ang pagsanay naman ito sa sarili

ay nagbibigay ng nakakabuting benepisyo na humahantong sa pagiging epektibo at

produktibong mag-aaral.
21
Rekomendasyon

Gamit ang nabanggit na resulta ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay

inirerekomenda:

Sa mga Mag-aaral. Ang tamang pamamahala ng oras ay isa sa mga paraan

upang mas maging organisado ang mga hektik na iskedyul ng mga mag-aaral.

Nararapat lamang na makasanayan ng mga estudyante ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng disiplina sa tamang paggamit ng oras. Ito ay makakatulong sa kanila

upang mapataas ang kanilang akademikong performans.

Sa mga Guro. Isang magandang layunin na pati ang mga guro ay makiisa na

isa-isip sa kanilang mga estudyante ang kahalagahan ng pamamahala ng oras. Sila din

ay nararapat na magbigay ng mga karagdagang impormasyon at mga pamamaraan

tungkol sa pamamahala ng oras upang maging gabay ng mga estudyante.

Sa mga Magulang. Ang mga magulang ay dapat na maging gabay ng kanilang

mga anak upang magkaroon ng pamamahala ng oras sa kanilang mga gawain upang

maiwasan ang sobrang pagkai-stress. Ito ay isang paraan upang mas makasanayan

nila ang pagkakaroon ng disiplina sa paggamit ng oras.

Sa mga susunod pang Mananaliksik. Sa mga nais pang pag-aralan ang

paksang tungkol sa pamamahala ng oras at akademikong performans ay maaari pang

maipabuti ang pananaliksik na ito. Maaari ring pag-aralan pa ito nang mas malalim

upang mas mapatunayan ang koneksyon ng dalawang baryabol.

22
A. Mga Thesis/Disertasyon

Alsalem, et.al. (2017). The Effect of Time Management on Academic Performance.

….Among Students of Jazan Umiversity. Hango sa https://www.semanticscholar.org

…./paper/The-Effect-of-Time-Management-on-Academic-among-of-AlsalemAlamodi

…./ac31463c7b20145d90a8e45f9bb7941d350b551a

Dahie., Osman., & Mahamud. (2015). Time Management and Academic Performance:

….Empirical Survey from High Education. Hango sa www.researchgate.net/publication/

….310477885_TIME_MANAGEMENT_AND_ACADEMIC_PERFORMANCE_EMPIRIC

….AL_SURVEY_FROM_HIGH_EDUCATION_&ved=2as&usg=AOvVaw3TYFtyCO2J…

….2ALGyLwO7

Fazal (2012). The Role of Study Skills in Academic Achievement of Students A Closer

….Focus on Gender. Hango sa https://www.researchgate.net/publication/280247078_

….The_Role_of_Study_Skills_in_Academic_Achievement_of_Students_A_Closer_Focu

….s_on_Gender

Gupta, D. (2018). Effect of Time Management on Academic Performance of

. ........ Management Students. Hango sa

https://www.semanticscholar.org/paper/EFFECT-. OF-TIME-MANAGEMENT-ON-

ACADEMIC-PERFORMANCE-GuptaChitkara/e622b .

479c7baae980a90b6be904f99e6106104f5

Indreica, et.al. (2011). Effect of Learning Style and Time Management on Academic

….Achievement. Hango sa https://www.researchgate.net/publication/265849545

…._Effects_of_learning_styles_and_time_management_on_academic_achievement

23
Kaushar (2013). Effect of Time Management Skills on Students' Academic

….Performance. Hango sa https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url

….=https://moluch.ru/young/archive/5/296/&ved=2ahUKEwi7p673__rnAhWsy4sBHY0J

….CZkQFjAFegQIAxAB&usg=AOvVaw0y5o2rQQL3Fcyt_hY6yVpA&cshid=1583125135

….597

Maristela, M. et.al (2017). Epekto ng Pagkakaroon ng Time Management sa mga Mag-

….aaral ng University of Cebu SHS-ABM. Hango sa https://www.academia.edu

…./33872988/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Time_Management_sa_mga_Mag-

….aaral_ng_University_of_Cebu_SHS-ABM?fbclid=IwAR1p83Z1l93oRxtWlR1FoI9h

….UJZYKRUlr46pdr3MHcjt1-gR3i6bu3-MXKk

Mercanlioglu, C. (2010). The Relationship of Time Management to Academic

….Performance of Master Level Students. Hango sa https://www.academia.edu

…./34049162/THE_RELATIONSHIP_OF_TIME_MANAGEMENT_TO_ACADEMIC_PE

….RFORMANCE_OF_MASTER_LEVEL_STUDENTS

Miqdadi, F. (2014). The Relationship between Time Management and the Academic

….Performance of Students from the Petroleum Institute in Abu Dhabi, the UAE. Hango

….sa http://www.asee.org/documents/zones/zone1/2014/Student/PDFs/177.pdf

Nasrullah S. & Khan M. (2015). The Impact of Time Management on the Students'

….Academic Achievements. Hango sa https://iiste.org/Journals/index.php

…./JLLL/article/viewFile/23538/23819

Razali (2018). The Impact of Time Management on Students' Academic Achievement.

….Hango sa https://iopscience.iop.org/article/10.1088/1742-6596/995/1/012042/meta

24
Sayari K., Jalagat R., & Dalluay V. (2017). Assessing the Relationship of Time

….Management and Academic Performance of the Business Student in Al- Zahra

….College for Women. Hango sa https://article.sciencepublishinggroup.com

Taylor (2011). Understanding The Importance of Time Management to Assistant

….Registrar's in the Registrars Depratment of the University of Education. Hango sa

….https://www.ijser.org/researchpaper/UNDERSTANDING-THE-IMPORTANCE-OF-

….TIME-MANAGEMENT-TO-ASSISTANT-REGISTRARS-IN-THE-REGISTRARS-

….DEPARTMENT-OF-THE-UNIVERSITY-OF-EDUCATION.pdf

B. Pahayagan/Magasin/Dyornal/Papel-Panayam/Sanaysay

Bucker (2018). Effect of Time Management on Academic Performance of Students.

.....Hango sa https://pdfs.semanticscholar.org/e622/b479c7baae980a90b6be904f9

….9e6106104f5.pdf

Karim, et.al. (2015). Time Management Skills Impact on Self-Efficacy and Academic .

….Performance. Hango sa https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url

….=http://www.jofamericanscience.org/journals/am sci/am0712/093_7696am0712_72

…._726.pdf&ved=2ahUKEwiehZ6i2PrnAhVvw4sBHQbPDoIQFjADegQIAxAB&usg=AO

….Vaw1LFVgMoBz4ZBPDO1R9xuFU

Mackay, J. (2019). Time Management Tips & Strategies: 25 Ways to be more Efficient

….at Work. Hango sa https://blog.rescuetime.com/time-management/

Monahan at Steinberg (2011). Working more than 20 hours a week in High School

….found Harmful. Hango sa https://www.sciencedaily.com/releases/2011/02/

….110204091248.html
25
Sevari, K., & Kandy, M. (2011). Time Management Skills Impact on Self-Efficacy and

….Academic Performance. Hango sa https://www.google.com/url?sa=t&source=web

….&rct=j&url=http://www.jofamericanscience.org/journals/am-sci/am0712/093_7696am

….0712_720_726.pdf&ved=2ahUKEwiehZ6i2PrnAhVvw4sBHQbPDoIQFjADegQIAxAB

….&usg=AOvVaw1LFVgMoBz4ZBPDO1R9xuFU

Subramanian (2016). Time Management and Academic Achievement of Higher

….Secondary School Students. Hango sa https://www.sciencedaily.com/releases

…./2011/02/110204091248.htm

Ture, G. (2013). The Relationship Between Time Management and Stress Management

….Skills of Preparatory School Students. Hango sa https://www.researchgate.net/

….publication/277741851_The_Relation_between_Time_Management_Skills_and_Aca

….demic_Achievement_of_Potential_Teachers

C. Mga Websayt

Elliot, P. (2013). Why Time Management Is Important For Student Success At School.

….Hango sa https://learningworksforkids.com/2013/11/why-time-management-is-

….important-to-your-childs-success-at-school/?fbclid=IwAR1IVI1jsj2j77QTOEe2r-

….VOt3n0JnbfjAMooWaV5gyAXZhpud04Khz9p2g

Good Luck Exams (n.d.). 8 Steps to Effective Time Management for Students. Hango

….sa http://www.goodluckexams.com/8-steps-to-effective-time-management-for-

….students/?fbclid=IwAR0swe2XgHmigKdYqGNSLv-ulTKdmjkrbdURG_Y40AabOJwI

….Gz5aZZvnMHk

26
Grade Power Learning (2018). 10 ways to improve Time Management for Students.

….Hango sa https://gradepowerlearning.com/10-time-management-tips-students/

Kukreja (2020). What is Time Management? Hango sa https://www.management

….studyhq.com/time-management-benefits-techniques.html

Management Study Guide (2018). Management Study Guide. Hango sa

….https://m.youtube.com/watch?v=-fH_KiqpyRg

McCombes (2019). Descriptive Research Design. Hango sa https://www.coursehero

…..com/file/45886463/Descriptive-researchdocx/

Nayak, (2017). What Is Time Management? Working Smarter to Enhance Productivity.

….Hango sa https://www.mindtools.com/pages/article/newHTE_00.htm

Sharma (2016). Importance of Time Mangement for Students. Hango sa

….http://www.klientsolutech.com/importance-of-time-management-for-students/

Thakkar, A. (2018). Academic Stress in Studies. Hango sa https://medium.com/one-

. future/academic-stress-in-students-498c34f064d7

27
MGA APENDIKS
APENDIKS A
LIHAM SA PUNONG GURO
Pebrero 14, 2020

RHODA O. DELA CRUZ


Punungguro
Calamba City Senior High School

Madam:

Pagbating may kagalakan at pagmamahal!

Ang liham pong ito ay may kinalaman sa aming pananaliksik na may paksang “ISANG
PAG-AARAL: ASIGNATURANG MECHATRONICS UKOL SA PAGKATUTO NG MGA
MAG-AARAL SA CALAMBA CITY SENIOR HIGH SCHOOL” bilang bahagi sa
pangangailangang itinakda sa pagtupad sa pangangailangan para sa Asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.

Kaugnay po nito ay kababaang loob po kaming humihingi ng inyong pahintulot na


maisagawa ang nasabing pananaliksik sa tulong ng pagbibigay ng talatanungan sa mga mag-aaral
o guro ng Calamba City Senior High School.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at pag-unawa.

Lubos na gumagalang,

ANGEL ANNE U. BAGUIO


Mananaliksik

Binigyang pansin:

CHARRIS DV. ABUSTAN


Tagapayo

Pinagtibay:

RHODA O. DELA CRUZ


Punungguro I

28
APENDIKS B
MGA GINAMIT NA TANONG SA PAKIKINAYAM

Mga tanong sa pangangalap ng impormasyon:

1. Ano-ano ang epekto o bunga ng napakadaming gawain sa paaralan?

2. Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng disiplina sa pamamahala ng oras o time

management?

3. Ano-ano ang iyong mga pamamaraan upang mapamahalaan ang iyong oras sa hektik na

iskedyul?

4. Sa tingin mo ba ay may kaugnayan ang pamamahala ng oras o time management sa iyong

akademikong performans? Paano?

29
APENDIKS C
TRANSKRIPSYON
Tagasagot 1:
1. Nakakastress, kasi syempre di mo na alam uunahin mo tapos hanggang sa tatamarin ka

nalang.

2. Syempre malalaman mo kung ano yung mga dapat mong unahin sa hindi, kasi syempre

kapag inuna mo talaga yung mga dapat mong unahin mas mapapabilis yung paggawa mo

sa mga gawain kahit gaano pa kadami ‘yun.

3. Yun nga, kagaya nga nung sinabi ko sa pangalawang tanong… uunahin ko muna ang mas

mahalaga… ira-ranking ko muna siya kung ano yung dapat… halimbawa sa project sa

school sa mga school works kung bukas na yung deadline… syempre mas uunahin ko

yun kumpara sa mga the other pa naman, yun parang ganon.

4. Meron, kasi… kapag marunong ka mag-time management alam mo yung mga mas

matatapos ka sa mga gagawin mo alam mo yung mga bagay na tapos mo na… sa mga

dapat mong gawin.

Tagasagot 2:

1. Para sakin may negative at positive kasi siya, sa negative……nagkacram tayo, di na natin

alam yung ginagawa natin, di na natin nabibigay yung pinakabest….wala tayong tulog, di

na tayo magkaroon ng family bonding sa family natin. Sa positive side naman is

hinahanda tayo nito sa panibagong kabanata natin sa college diba sa college……wala na

tayong tulog so mas mabuti na siguro madami tayong ginagawa.

30
2. Yung sa time management….makakatulong sya satin kasi kapag may time management

tayo wala tayong masasayang na oras at yung time management natin kung maayos

magagawa natin ng maayos ang lahat ng bagay.

3. Siguro… jot down lahat ng schedule mo then i-list down mo kung ano pinakaprioritize

mo sa taas sya pababa… oo syempre kasi… sa nasabi ko kanina makakaapekto to satin

bilang mga estudyante minsan di natin nagagawa yung pinakabest natin minsan madami

na tayong quizzes sabay-sabay na may kasamang pt na maaring di na tayo makapag

review sa darating na quiz… maari natin ikabagsak or makakuha tayo ng mababang

grado.

4. Oo, syempre kasi… sa nasabi ko kanina makakaapekto to satin bilang mga estudyante

minsan di natin nagagawa yung pinaka-best natin minsan madami na tayong quizzes

sabay-sabay na may kasamang pt na maaring di na tayo makapag review sa darating na

quiz na maari natin ikabagsak or makakuha tayo ng mababang grado.

Tagasagot 3:

1. Ito ang nagiging pangunahing dahilan ng pagkai-stress ng estudyante.

2. Sa tingin ko, mas magagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin ng Malaya at

naaangkop at walang nasasayang na oras since nama-manage mo nga yung time mo

meron kang proper discipllne…..masisigurado mo na maaccomplish mo yung tasks mo.

3. Ilan lang sa mga ginagawa ko kadalasan ay yung pag tatanggal ng stress sa sarili ko at i-

pokus yung isip ko sa mga posibleng paraan para matapos yung gawain ko.

31
4. Oo sa tingin ko, sa pag bibigay ng mga titser ng mga Gawain ng sabay sabay, nagiging

hektik ang iskedyul ng isang mag aaral na gaya ko kung kaya't nag kakaganoon ang

estudyante ng stress na syang nakakaapekto sa akademikong performans.

Tagasagot 4:

1. So yung una sa psychological, nagdudulot yun ng stress and may iba’t iba tayong stress

hormones diba at kapag nag accumulate yun sa brain o kaya katawan natin sa palagay ko

makakainhibit siya ng mga iba’t ibang functions. Tapos nararanasan ko yun yung mga

inhibition na nangyayari like for example may gantong gawain tapos at the same time

pasahan na ng ganitong gawain tas may pinapagawa pang isa, ngayon syempre di mo

alam yung gagawin mo, pag ako andon sa ganong situation parang hindi ako makakilos,

di ko alam kung ano ang uunahin so ang nangyayari naii-stuck na lang ako, so parang

name-mental block ako at palagay ko effects yun….. physical …. syempre marami ngang

stress kailangan kong gawin ang mga tasks na yun no matter what para

makapagpasa…..since kailangan ko nga silang unahin, nakakapagod yun at kailangan ko

rin magpuyat.

2. I mean kapag may time management ka so parang mas magagawa mo yung dapat mong

gawin kasi diba parang divided na yung time na ilalaan mo for that stuff.

3. Meron, kasi ako iba’t ibang method na ginagamit… syempre… may dalawang factors…

una kung ano yung pinaka importante… ikalawa naman yung due date o kung kalian

yung deadline, so kung halimbawa least important naman ito pero ngayon yung deadline

uunahin ko na rin siya pero kung halimbawa pantay-pantay sila for example ng deadline

uunahin ko kung ano yung pinakamahalaga, halimbawa sa subject… nagpapapasa…ng

32
project sa ganitong araw at the same time sa araw na yun may quiz din siya so iisipin ko

kung ano ba mas malaki ang epekto sa grade, yung project o yung quiz the ia-analyze ko,

project, 50% siya ng grade tapos yung quiz ilang percent lang so uunahin ko yung

project.

4. Oo, meron talaga, kasi… kung hindi ka magma-manage ng time mo… paano mo

maaccomplish yung task at saka paano ka makakapag pasa ng requirements… palagay ko

talaga nakakaapekto siya.

Tagasagot 5:
1. Stress po.

2. Mas organize, mas alam nila kung ano yung dapat iprioritize nila sa time na yun or dun sa

time na kailangan nilang gawin.

3. I need discipline to manage my time parang ganon.

4. Yes, parang kasi pag may time management ka tulad ng sinabi ko kanina… mas efficient

mong magagawa yung school works mo tapos parang hindi ka mag poprocastina or

cramming pag may time management ka.

Tagasagot 6:

1. Siguro ang epekto ng maraming gawain, stress. Kasi hindi na kinakaya ng estudyante at

wala na silang time para gumawa ng time management para sa kanila.

2. ‘Yun nga, sobrang importante ng time management kasi yun nga time is gold. Mahalaga

ang time management lalong lalo na sa curriculum natin na K-12 kasi wherein lalong lalo

na sa school natin kasi whole day tayo so let’s say nag iispend tayo ng almost 10 hours

33
nag eexceed pa yon kapag marami tayong gagawin kasi nga kailangan talagang ipasa sa

sobrang loaded. Sobrang importante ng time management para alam mo yung beating the

deadline and hitting the target.

3. Know your priority and responsibility. Hindi mo naman magagampana kung hindi mo

alam gagawin mo kasi kung sa oras na’to saba- sabay. Magugulo lang utak mo kung ano

aasikasuhin mo.

4. Meron, sa pag aayos ng schedule para hindi alam mo yung busy pag hindi ka

natatambakan ng mga gawain tas hindi ka nag basta procrastinate.

Tagasagot 7:

1. So meron din kasi siyang positive at negative, so yung una muna negative, yung negative

effect kasi ng masyadong loaded hindi kasi lahat ng estudyante ay pare-pareho ng ability

and capacity yung iba mabilis mag break down yan kapag sobrang loaded….. marami ka

dapat isaalang alang and i-consider pagdating sa mga ano activities yun nga unang-una

time management tapos pangalawa kailanan mong malaman kung ano yung mga urgent

so kailangan mong iconsider yung urgency. Time management and urgency. Sa positive

effect naman, doon kasi papasok kung paano sila matututo, it will depend sa estudyante

kung paano niya iaadapt so kung wala syang time management and seeking for urgency

edi don niya marerealize yun na kailangan niya mag isip dapat pala ganto unahin ko…so

in order for me ma-surpass lahat ng loaded na ’to.

2. Madaming benepisyo yan kasi namamastery mo yung pagta-time management

nagiging…..parang maagap ka sa mga Gawain, hindi ka yung papabayaan yung mga

34
gawain yung puro bukas nalang…..yung positive effect din kasi nun kapag maraming

pinapagawa sa inyo masasanay ka na ibudget yung oras mo. Kunwari 7-8 ganon gagawin

mo 8-9 ito yung gagawin mo para mapapahalagahan mo pa yung oras mo na mas mabuti,

hindi ka magsasayang.

3. Kaya nga kanina, time management and seeking urgency, kung ano ang mas importante

yun yung dapat na gagawin so kapag pinapili ka kung project mo o quiz mo unahin mo

yung project mo because after that, anytime pwede ka naman magreview yung mga

ganong instances: Sinusulat ko yung… lahat ng gagawin tapos… pipiliin ko kung ano

yung uunahin ko halimbawa it’s either yung madali o kaya yung mahirap muna…

magdedecide ako don tapos lalagyan ko ng number pagsusunurin ko na dapat eto dalawa

matapos ko ngayon dapat, ganon.

4. Yes, parang kasi pag may time management ka tulad ng sinabi ko kanina pag may time

management ka mas efficient mong magagawa yung schoolworks mo tapos… hindi ka

mag poprocastina or cramming pag may time management… meron talaga kasi kapag

nag aaral ka naman it’s not about just sitting there and listening sa teacher hindi lang

naman ganon tungkol yung pag aaral, hindi naman porket may napasok na sa utak mo

yun na yung pag aaral kasi ang reality ng pag aaral sa curriculum natin, iikot lahat yan sa

paggawa ng output at paggawa ng mga pt so kung hindi ka marunong mag time

management paano mo mabebeat yung kailangan ng grades mo? so for example parang

pinagawa kayo ng output tapos kailangan nyong magperform kinabukasan so

nakakaapekto siya kasi what if may isa kang namiss don eh syempre inclined lahat ng

pinaka kumbaga ingredient ng grades mo para mabeat ‘yun.

35
TALAANG PERSONAL

A. Personal na Tala

Pangalan Angel Anne U. Baguio

Petsa ng Kapanganakan Hulyo 7, 2003

Lugar ng Kapanganakan Gulod Laurel, Batangas

Mga Magulang Mena U. Baguio

Egnard T. Baguio

B. Kurso

Elementarya Lazare Academy Inc.

Junior Sta. Cecilia Catholic School Foundation

Senior Calamba City Senior High School

C. Paniniwala sa Buhay

“It's not a dead end, it's a plot twist.”

36
TALAANG PERSONAL

A. Personal na Tala

Pangalan Jamaica D. Banaticla

Petsa ng Kapanganakan Nobyembre 24, 2002

Lugar ng Kapanganakan St. John the Baptist Med. Hospital

Mga Magulang Alexandrina Banaticla

Gabriel Banaticla

B. Kurso

Elementarya Calamba Elementary School

Junior Looc Integrated School

Senior Calamba City Senior High School

C. Paniniwala sa Buhay

“Life moves pretty fast if u don't stop and look around once u could miss it.”

37
TALAANG PERSONAL

A. Personal na Tala

Pangalan Ara Georgia N. Lacquio

Petsa ng Kapanganakan Pebrero 18, 2003

Lugar ng Kapanganakan Calamba Medical Center

Mga Magulang Amelia N. Lacquio

Roel S. Lacquio

B. Kurso

Elementarya Canossa Academy

Junior Canossa Academy

Senior Calamba City Senior High School

C. Paniniwala sa Buhay

"In a world where you can be anything, be kind. "

38
TALAANG PERSONAL

A. Personal na Tala

Pangalan Jenalyn O. Miole

Petsa ng Kapanganakan Oktubre 29 2003

Lugar ng Kapanganakan Hinunangan, Southern Leyte

Mga Magulang Mrs. Miole

Mr. Miole

B. Kurso

Elementarya Nueva Esperanza Elementary School

Junior Holy Rosary Academy Inc.

Senior Calamba City Senior High School

C. Paniniwala sa Buhay

“Difficult roads often lead to a beautiful destination.”

39
TALAANG PERSONAL

A. Personal na Tala

Pangalan Micah Julianne P. Orjaleza

Petsa ng Kapanganakan Setyembre 03, 2002

Lugar ng Kapanganakan St. John the Baptist Med. Hospital

Mga Magulang Leona P. Orjaleza

Michael Julius O. Orjaleza

B. Kurso

Elementarya Banlic Elementary School

Junior St. Jerome Integrated School.

Senior Calamba City Senior High School

C. Paniniwala sa Buhay

“Let your faith bigger than your fears.”

40
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Calamba City Senior High ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Tomo 1 Blg. 1
School 2020
Chipeco Ave. Brgy. 3, Calamba City

41

You might also like