You are on page 1of 3

Paalam sa Pagkabata

Ang kwentong “Paalam sa Pagkabata” ay isang tekstong sumasalamin sa lipunan. Ito


ay nakapokus sa mga pangyayari ngayon, lalo na at kung ang tungkol sa pamilya ang pag-
uusapan. May mga pamilyang masasaya ngunit ang karamihan nito ay kabaliktaran sa ating
mga ekspektasyon. Kaya sa tekstong ito, marami ang makakadama dahil isa rin itong mga
ganap na maaaring mangyari sa masasayang pamilya na nakakaapekto sa atin bilang isang
emosyonal na indibidwal.

“Sa kabilang silid, naririnig nanaman ni Celso na nag-aaway na naman ang kanyang mga
magulang…”

Ang pag-aaway ng mga magulang ay isang napakamalaking problema na mahirap


iwasan. Mahirap para kay Celso ang mga nagaganap lalo na’t si Celso ay isang batang walang
kamuwang-muwang. Bilang isang bata, may karapatan si Celso na maging Masaya, ngunit
nakadepende ito sa kanyang sitwasyong kinatatayuan. Ang mga pagtatalo ng mga magulang
ay may mga mabibigat na dahilan. Maaring problema sa pera o di kaya’y problema mismo sa
kani-kanilang mga sarili. Isa rin ito sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon na ng maraming
sirang pamilya sa panahon ngayon. Mga sitwasyon na hindi maiiwasan dahil sa hindi sila
nagkakaroon ng maayos na pakikipag komunikasyon sa isa’t-isa upang magka-intidihan at
dahil ito sa hindi pagkakaroon ng mapagkumbabang katangian at mas pinapalaki ang
kanilang yabang. At dahil sa mga magulang na iyan, ang mga kabataan naman ang nagiging
bunga sa mga kasamaang palad na kanilang ginawa. Nakakaapak ang mga kabataan sa maling
daan dahil sa mga sitwasyong hindi nila lubos na maintindihan. Kaya hindi na dapat tayong
magtaka kung bakit iba ang iyong nakikita sa mga kabataan ngayon.

Sa murang edad, maraming tanong ang ating nabubuo, kaya may mga magulang ipang
ituro ang wasto. Paalam sa Pagkabata ang siyang naging pamagat dahil hindi manlang
nalasap ni Celso ang sarap ng pagiging bata. Mapunta sa tamang direksyon lamang ang
tanging hangad ng mga kabataan, kaya sana’y mag-isip muna ang mga magulang bago
gumawa ng mga bagay-bagay. Sana’y mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga katanungan
ng mga kabataan, at tulungan silang intindihin ang mga bagay-bagay. Tulungan silang linangin
ang kanilang makitid na pag-iisip upang magkaroon ng masayang kinabukasan.

"DIKO GUSTO ANG BATANG MATIGAS ANG ULO! DI LANG SAMPAL ANG MATITIKMAN MO
KAPAG UMULIT KAPA..."

Sa linyang ito ay labis ang paninikip ng aking dibdib kasi bawat bata ay nagkakamali.
Kahit naman siguro na ito ay mga bata o hindi ay nagkakamali parin. Si Celso ay bata pa
lamang, ngunit kung tratuhin ng kanyang ama ay parang may malalim na itong pag-iisip. Pero
sa aking pagkakaalam, si Celso ay isang bata na wala pang masyadong kaalaman. Hindi
naman siguro solusyon ang pagbuhatan ng kamay ang isang bata lalo na kung ito ay wala
namang kasalanan. Pwede naman itong pagsabihan, tapos kapag nagkamali, ay turuan ito na
maitama ang pagkakamaling nagawa. Bawat bata ay hindi hinahangad ang masaktan sila sa
kanilang mga magulang, kasi bawat bata ay nangangailangan ng isang mga mabubuting
magulang na gagabay sa kanila tungo sa kanilang kinabukasan.

Alam naman siguro natin na ang bawat tao ay may iba'-ibang katangian ng pag-uugali.
Bawat isa sa atin ay may pagkakaiba ng pag-uugali o kung paano natin gamitin ito, pero sana
naman ay huwag nating kalimutan ang salitang "LIMITASYON". Limitasyon sa mga bagay na
kung paano natin tratuhin ang bawat isa kasi may mga kapwa tao rin tayo na masasaktan sa
mga pinaggagawa natin.

“Maliwang na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago namang umaga, ngunit ang
tanawin sa bahay ay walang pagbabago... “

Ang kawalan ng pagbabago sa paligid ay hindi gugustuhin sa isang tahanan kung saan
nakatira si Celso. Halos araw- araw ang kanyang ina ay nasisilayan niyang umiiyak, habang
ang kanyang ama ay naghihinagpis at tila nanunumbat.Mga pangyayaring di niya alam kung
ano ang nagbunsod,dahil na rin ayaw ipaalam sa kanya ng kanyang mga magulang.
Nararanasan ko din ang naranasan ni Celso na paggising mo lamang at sigawan at bangayan
ang bubungad sa iyo. Kung ganito nalang palagi ang iyong makikita araw-araw, ito ay maging
dahilan kung bakit mapariwala ang mga kabataan ngayon. Ang mga kabataang ngayon ay
nakararanas ng madalas na problema sa pamilya gaya ni Celso na lubos na nakakaapekto sa
mga ito na dahilan pagkahimok ng kanilang pagiisip upang makagawa ng mga bagay na hindi
maganda.

Hindi natin maiiwasan ang ganitong suliranin sa pamilya. Parte ito ng maraming
pagsubok na susubok sa atin bilang isang pamilya, kung kaya't dapat lahat tayong miyembro
nito ay magpakatatag at intindihin ang punto ng isa't isa nang sa gayon ay maiwasan ang
bangayan na pinagmumulan ng problema sa pamilya.

Group 2
Catapusan Wala akong masabi sa ginawa ninyo. Ipagpatuloy ang
nasimulang gawain.
Ycong
Ostia
Dores
Timkang

You might also like