You are on page 1of 1

No table of contents entries found.

Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)

Ang tekstong sa aking pagtanda (sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL ay
napakahalaga sa mga kabataan ngayon dahil ito ay nagbibigay ng mabuting mensaheng na
nais iparating ng isang ina at ama sa kanilang anak ukol sa kanilang pagtanda. Tayong mga
kabataan ay may iba't ibang pananaw sa buhay. Minsan nahihirapan tayo ipakita sa kanila na
tayo ay malakas at masipag harapin ang mga pagsubok sa ating buhay. Isa na rito ang
mabigyang ng mabuting kasiyahan ng ating mga magulang, at sila ay nagsasakripisyo para
tayo ay magkakaroon ng maginhawang pamumuhay. Kahit ang ating mga magulang
nahihirapan bumangon, sila ay nagpupursige upang ang kanilang mga anak ay makaahon para
makatungtong sa ibabaw ng lupa.
Sa pagbasa palang ng sanaysay, masasabi ko na ito ay napakaganda at nakawili-wiling
basahin lalo na sa mga kabataan ngayon para nararamdaman nila kung gaano man mahalaga
at nararapat ang mga magulang natin.
Nang dahil mauunawain ang tekstong binabasa ko, maraming katanungan lumilitaw sa aking
isipan. Isa na rito ang "Kung ang mga kabataan ngayon ay walang mga magulang na
magaalaga sa kanila, paano sila makaahon sa tubig na punong puno ng maduming suliranin?".
Diyan pa mga kabataan nalalaman na mahalagang tulungan mga magulang natin na sila ay
nahihirapan pa sa pagsasakripisyo ng mga pagsubok sa ating buhay.
Sobrang napukaw ang aming kaisipan o damdamin habang binabasa ang tekstong ito. Marami
sa mga kabataan ngayon nadadama ang halaga sa bawat storyang na nasa teksto. Marami din
sa mga kabataan na maitutulad ang buong pangyayari sa teksto sa kanilang buhay. Marami din
sa kanila na nagdudugo ang kanilang puso dahil sa kalungkutan o emosyon sa pagbasa ng
tekstong ito.
Lahat naman tayo ay maiuugnay ang ating sarili sa mga kaisipan o damdamin sa storyang
binabasa natin. Tayo mga kabataan sa sobrang bilis ng panahon, mabilis din ang paglaki natin
simula nung tayo ay bata pa. Masasabi natin na ang ating mga magulang ay hindi tayo iniiwan
mag-isa umaahon at dahil sa sakripisyo nila, tayo ay maraming natutunan.
Sa pagbabasa pa lang sa kwentong "Sa Aking Pagtanda" naniniwala at sumasang-ayon agad
ako sa mga nangyayari sa kwento simula pa lang. Marami din akong napanood sa television
katulad sa tekstong binabasa ko, naitutulad ito dahil sa pagpaparating ng ina at ama sa
kanilang mga anak ukol sa kanilang pagtanda at pagpapakita ng mga sakripisyo para sa
kanilang mga anak.
Ang tekstong binabasa ko ay tunay na maayos ang pagpapahiwatig ng kaisipan ng kwento at
ang mga pangyayari ay nagpapakita ng malubhang katotohanan sa mga mambabasa.

You might also like