You are on page 1of 3

Reaksyong Papel: Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay) Rev. Fr. Ariel F.

Robles, CWL

“Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)” ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL,

ay isang malalim na sulat na naglalaman ng mga alalahanin at pag-aalala ng kanyang

ama’t ina sa kanilang pagtanda. Sulat na nananawagan sa kanilang mga anak na

maunawaan at magpakita ng pasensya sa kanila habang sila ay nagkakatanda.

Ipinapakita sa teksto ang kahalagahan ng pagkalinga, paggalang, at pag-unawa sa mga

nakatatanda, na nangangailangan ng karagdagang atensyon at pag-aalaga habang sila

ay nagkakatanda.Nais ipaabot ng sumulat na gusto nilang ipakita at ilahad sa kanilang

mga anak na sa kanilang pagtanda ay gusto nilang maramdaman ang pagmamahal,

pag-aalaga at pag iintindi ng kanilang mga anak kagaya rin ng pagpapalaki nila nang

sila ay bata pa. Sa aking pananaw, mahalaga ang mga salita at kaisipang nakapaloob

sa sulat na ito dahil nagbibigay ito ng kaunting pag-unawa at pagninilay sa pagtanda ng

mga magulang at kung paano natin dapat silang mahalin at alagaan.

Habang binabasa ko ito, naramdaman ko ang pagkatuwa dahil naibahagi o

naisulat ng isang matandang magulang ang nais nilang iparating sa kanilang anak ukol

sa kanilang damdamin at kaisipan. Napukaw nito ang aking emosyon dahil alam kong

darating din ang panahon na magiging ganito rin ang aking mga magulang. Madalas

iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kapag sila ay tumuntong na sa kanilang

pagtanda. Paano ko sila mahalin at alagaan? Paano ko mapapakita sa kanila ang aking

pagmamahal? Paano ko sila matutulungan sa kanilang mga pangaraw-araw na

pamumuhay? Alam ko sa sarili ko na kailangan ko sila at kailangan din nila ako. Dahil

ako rin ay isang anak, nakatulong sa akin ang sulat na ito na maunawaan at maging
sensitibo sa kanilang mga pangangailangan. Mahalaga na bigyan natin ng oras at

atensyon ang ating mga magulang lalo na kapag sila ay tumatanda na. Nais ko ring

magbigay ng halaga sa kanilang mga pagsisikap at pag-alaga sa akin noong ako ay

bata pa.

Lubos kong naiintindihan at napapahalagahan ang mensahe ng tekstong ito na

ipaalam sa atin ang kahalagahan ng pag-alaga sa mga nakatatandang magulang.

Maraming beses nating naririnig na "hindi na kailangan pang pakialaman ang mga

magulang kasi may sarili na silang buhay at pamilya," subalit ito ay isang maling

pananaw. Mahalaga pa rin ang papel ng mga magulang sa ating buhay at kailangan pa

rin natin silang alagaan at mahalin. Nagbigay din ito sa akin ng isang mensahe maging

maunawain at maging sensitibo sa mga pangangailangan ng mga magulang ko, lalo na

kapag sila ay tumatanda na. Kagaya ng sa pelikulang “Seven Sundays” na kahit gaano

kaabala ang mga anak sa kanilang mga sariling buhay huwag sanang kalimutang

maglaan ng oras para sa mga magulang. Malaki ang nagging papel ng pelikulang ito

para sa akin. Naintindihan ko ang kahalagahan ng pagmamahal sa isa’t-sa. Kailangan

nating malaman ang kanilang mga pangangailangan at makatugon sa mga ito. Hindi

lamang dapat sa pamamagitan ng materyal na bagay, subalit sa pamamagitan din ng

oras, pagtitiyaga at pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila. Sa personal na

karanasan, napapansin ko rin na may mga pangyayari na madali na silang magkasakit

at makalilimutin na. Ngunit palagi kong iniisip na sana ay makasama ko sila sa akong

mga tagumpay sa buhay.

Bilang konklusyon, ang mensahe nito ay hindi lamang tungkol sa pag-aalaga sa

mga nakatatandang magulang, kundi pati na rin sa kahalagahan ng pagbibigay ng oras


at atensyon sa mga mahal natin sa buhay. Mahalaga ang papel ng mga magulang sa

ating buhay, at kailangan nating ipakita sa kanila ang ating pagmamahal at

pasasalamat sa kanilang mga pagsisikap at pag-alaga sa atin noong tayo ay bata pa.

Maaaring ibunga ng pagbasa at pag-unawa sa mensaheng ito ang pagkakaroon ng

mas malawak na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga nakatatanda sa ating lipunan.

Ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon upang bigyan ng mas malaking halaga at

pagmamahal ang mga taong may edad na at kailangan ng ating suporta at atensyon.

Sa gayon, maaari rin tayong maging mas maunawain at sensitibo sa mga

pangangailangan ng iba sa ating paligid, at mas magiging handa tayong magbigay ng

tulong at pagmamahal sa kanila.

You might also like