You are on page 1of 2

MARK JOSHUA S.

AMPER
STEM 11A OBSIDIAN

Reaksyong Papel

Ang "Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)" ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL ay isang
makapangyarihang akda na nagpapakita ng halaga ng pagmamahal sa ating mga magulang. Sa
pamamagitan ng mga salita at pangungusap dito, nakapagbigay ito ng malalim na emosyon at
inspirasyon sa mga mambabasa. Makikita rito kung gaano kaimportante ang mga magulang sa
ating buhay at kung paano sila nakapagbigay ng suporta at pagmamahal sa atin.

Ang akdang ito ay isa sa mga pinakamakabuluhang akda na aking nabasa. Hindi ko na
naramdaman ang oras habang binabasa ko ito dahil nakakaaliw at nakakaantig ng puso ang bawat
taludtod. Hindi ko rin napigilang maging emosyonal dahil sa mga emosyong naipapakita ng may-
akda tungkol sa pagmamahal sa mga magulang. Ang akdang na ito ay nagdulot ng maraming
katanungan sa aking isipan. Kung paano ko mas mapapahalagahan ang aking mga magulang at
kung paano ko maipapakita ang aking pagmamahal sa kanila ay mga katanungan na lumitaw sa
aking isipan. Ito ay dahil sa mga salitang nagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga na aking
nabasa, sa paraang ito, naiuugnay ko ang mga kaisipan at damdaming nakapaloob dito dahil
nakita ko ang sarili ko sa posisyon ng isang anak na nagmamahal sa kanyang mga magulang. Nais
kong maging ganap na anak sa aking mga magulang at ipakita sa kanila ang aking pagmamahal
at pasasalamat. Dahil sa makapangyarihan at malalakas na salita na ginamit ng may-akda sa
sanaysay, napapaniwala ako at napapa sang-ayon ako sa mga salita ng may-akda na napakahalaga
ang pagmamahal sa ating mga magulang. Ito ay dahil sa mga pang-araw-araw na pag-aalaga at
pagmamahal na kanilang ibinibigay sa atin. Nakapagbigay ang sanaysay ng inspirasyon sa akin
upang mas pag-ibayuhin ang aking pagmamahal at pasasalamat sa aking mga magulang. Sa pag
ulit ko ng pag basa sa akdang ito, naalala ko ang pelikulang "Anak” na ginagampanan ni Vilma
Santos, pareho silang tumatalakay sa relasyon ng magulang at anak sa konteksto ng pagtanda.
Ngunit, ang pagkakaiba ay ang mas malalim na naratibo sa pelikula kumpara sa direkta at
emosyonal na sulat sa teksto.

Maraming makabuluhang aral ang makukuha natin tungkol sa pagpapahalaga sa ating


mga magulang at sa buhay mismo. Sa pamamagitan ng sulat ng mga magulang sa kanilang
anak, nakikita natin kung gaano kahalaga ang pagmamahal at pag-aalaga sa ating mga mahal sa
buhay. Sa kasalukuyang panahon, kung saan mas focused ang mga tao sa kanilang kanya-
kanyang buhay, maaaring maging eye-opener sa mga mambabasa ang kwento ng "Sa Aking
Pagtanda" at magbigay ng kamalayan sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa ating mga magulang
at sa mga taong nagmamahal sa atin.

You might also like