You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Binangonan , Rizal

COLLEGE OF COMPUTER STUDIES


Ipinasa ni: Bernal, John Vincent M Ipinasa kay: Okken R. San Diego,MaEd

Subject: Filipino 2 Program: BSIS 1-2 B


__________________________________________________________________

Gawain 6:

PANAHON NG AMERIKANO

Panuto: Panuto: Suriin ang tulang “Ang Sulat ni Nanay at Tatay ni


Fr. Ariel Robles”https://www.youtube.com/watch?v=RNHui99xeIs.
Gamitin ang balangkas sa pagsusuri ng tula at ilagay ang
sanggunian.

I. Pamagat:

Ang pamagat ng tula ay ang “Ang Sulat ni Nanay at Tatay”,


tumutukoy ang pamagat ng tula sa sulat ng magulang (Nanay/Tatay) sa
kanyang anak na sana ay mahalin pa rin siya ng kanyang anak kahit na
matanda na ito.

II. Pagkilala sa may Akda:

Ang may akda ng tulang “Ang Sulat ni Nanay at Tatay” ay si Fr.


Ariel Robles.

III. Layunin ng Akda:

Layunin ng may akda sa pagsulat ng “Ang Sulat ni Nanay at Tatay”


ay upang ipaalala sa atin ang pagmamahal at sakripisyo ng ating mga
magulang simula ng tayo’y isinilang hanggang sa huling hininga nila.

Nagsisilbi rin itong pahayag sa mga anak na mahalin ang kanilang


mga magulang habang sila ay buhay pa dahil hindi na nila mabibigay ang
pagmamahal kung wala na ang mga ito.

Nagsisilbi rin itong habilin ng mga magulang sa kanilang mga anak


bilang baon sa kanilang magiging buhay sa paglisan nito sa mundo.

IV. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:

Ang teoryang pampanitikan na lalapat dito sa tulang akda ay ang


teoryang romantisismo dahil ang tula ay nagpapakita na pagmamahal ng
magulang sa kanyang anak at hinihiling na kapalit na pagmamahal mula
sa anak nito, na kagaya ng teoryang romantisismo ay nagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa.
V. Tema o Paksa ng Akda:

Ang tema o paksa ng akda ay ang anak, na siyang sinulatan ng


kanyang magulang na sinasabi sa sulat na unawain, alagaan, mahalin
siya ng kanyang anak hanggang sa huling hininga nito at ibalik ang mga
nagawang sakripisyo noong sila ay bata pa.

VI. Buod:

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyan,


huwag mo sana akong kagagalitan kung nabasag ko ang pinggan dahil sa
kalabuan ng aking mata. Maramdamin na kaming mga matatanda na
naawa ako sa aking sarili kapag sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan


ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
“binge!”. Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo. Pagpasensyahan mo
sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang
plaka. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda,
amoy lupa. huwag mo sana akong pandirihan. Pagpasensyahan mo sana
kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan
alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na


lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana dahil naging
mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

SANGGUNIAN:

https://www.panitikan.com.ph/ano-sa-tingin-mo-ang-layunin-ng-may-
akda-sa-pagsulat-sa-sulat-ni-nanay-at-tatay

https://imjaeki.wordpress.com/2012/03/21/sulat-ni-nanay-at-tatay/

You might also like