You are on page 1of 2

Reaksiyong Papel sa:

Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)


Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL

Ang kwentong sa aking pagtanda (sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr. Ariel F.
Robles ay tumatalakay sa mga mensaheng nais iparating ng isang ina at ama tungo
sa kanilang ana k ukol sa kanilang pagtanda. Pinupukaw ng kwento ang puso ng
mga mambabasa na pahalagahan ang bawat magulang sapagkat sila ang dahilan
kung bakit tayong mga tao sy nakatungtong sa ibabaw ng lupa.

Sa pagbasa palang ng tekstong ito ay masasabi ko na talagang nawili ako sa


paksa na gusto nitong ipahiwatig. Dahil naramdaman ko ang ganitong pagtrato sa
realidad pero nadama parin ang damdamin na parang ako ang nasa posisyun ng
tauhan sa kwento. Talagang nasabi ko na maganda ang patutunguhan ng kwento.

Sa pagbasa ko ng sanaysay, maraming katanungan ang lumitaw sa aking


isipan tungkol sa aking magulang. Ganito rin ba ang aking mga magulang? Bilang
isang anak, ano ang aking nararapat na gawin bilang tugon sa mga mungkahing
ibinanggit sa sanaysay?

Sobrang nakakaantig damdamin ang kwentong “Sa Aking PAgtanda


Emosyonal” sapagkat ako ay nakadama ng halaga ng bawat pangyayari. Kung saan
ay damang dama ko parang nangyari na ito sa aking buhay. Hindi ko mapigilang
umiyak habang akoy nagbabasa sa teksto sapagkat naiugnay ko sa aking buhay.

Naiuugnay ko sa aking sarili ang paksa ng teksto kung saan,maluha-luha ako


habang binabasa ko ang kwento. Naiimahe ko ang bawat senaryo sa kwento at
dinaramdam ang bawat pangyayaring nagaganap sa aking isipan. Pero ako ay
nalulungkot habang iniisip ko ang mabilis na paglipas ng panahon kasabay ng
pagtanda ng aking mga magulang. Kaya ngayon ako ay nangako sa sarili ko na
ibibigay ko sa aking mga magulang ang maayos na pagtrato at pag aalaga sa kanila
sapagkat alam ko na , sila ang tunay na nagmamahal sa akin. At nangako akong
iparamdam ko sa kanila kong gaano ko sila ka mahal bilang magulang ko.

Napag isipan at napagtant ko na sumasang ayon at nahikayat ako sa layunin


ng sanaysay na iparating sa mga ama at ina sa kanilang mga anak ukol sa kanilang
pagtanda. Sumang ayon din ako sa impormasyon ng teksto an gustong pinahiwatig
at ito ay upang maging mulat ang kabataan na babasa nito sa mga magulang nila.
Nahikayat ako dito sapagkat makatotohanan ang mga pangyayari na nagaganap
dito.
Ang teksto ng sanaysay ay maihalintulad ko sa kwentong “The Story of the
Aged Mother,” isang kwentong-bayan sa Hapon. Isinasalaysay dito ang kwento ng
mahirap na binata at ng kanyang matandang ina, kung saan upang sundin ang utos
ng pangulo sa kanilang lugar na patayin lahat ng matatanda, tinangkang iwan ng
binata ang kanyang ina sa taas ng isang bundok. Ngunit sa kanilang paglalakbay
patungo sa taas ng bundok, nag-iwan ang matanda ng mga punong-kahoy sa landas
para magsilbing gabay upang hindi maligaw ang kanyang anak pauwi. Tulad sa
sanaysay, ipinapakita dito ang lubos na pagmamahal ng isang magulang sa
kanyang anak, kahit na mamamatay na siya. Ipinaparating rin ng kwento, tulad sa
sanaysay, na dapat pahalagahan natin ang ating mgamagulang, at mahalin sila
nang walang kasukatan tulad ng pagmamahal nila sa atin.

Tunay na tagumpay ang nagsulat ng kwento na iparating sa mga mambabasa


ang punto ng istorya. Ang pagka antig ng puso ng mga mambabasa ay dahilan na
epektibo ang kwento pinag iisipan nh mabuti at makatotohanan sapagkat makikita
ang scenario maiimahe sa realidad ng buhay. Maayos din na maipahiwatig ang
kaisipan ng kwento at ang balangkas nito ang haba naman ng babasahin ay sapat
lamang upang hindi maumay ang mambabasa.

You might also like