You are on page 1of 3

MARVIN L.

CANDA BSEDMATH

FILIPINO

Reaksiyong Papel sa:

Sa Aking Pagtanda

Ang kwentong sa aking pagtanda (sulat ni Nanay at Tatay)

ni Rev. Fr. Ariel F. Robles ay tumatalakay sa mga mensaheng

nais iparating ng isang ina at ama tungo sa kanilang ana k ukol

sa kanilang pagtanda.

Sa pagbasa palang ng tekstong ito ay masasabi talaga

namin na nawili kami sa paksa na gusto nitong ipahiwatig. Ang

iba sa amin ay hindi man naramdaman ang ganitong pagtrato sa

realidad pero nadama parin ang damdamin na parang ikaw ang

nasa posisyun ng tauhan sa kwento. Talagang nasabi ng bawat

isa sa amin na maganda ang patutunguhan ng kwento.

Sobrang nakakaantig damdamin ang kwentong “Sa Aking

PAgtanda Emosyonal” sapagkat bawat isa sa amin ay nadama

ang halaga ng bawat pangyayari. Kung saan ang iba sa amin ay

damang dama ito na parang nangyari na ito sa kanila. Ang iba


naman ay parang hindi na kayang tumigil sa pag iiyak sapagkat

naiugnay na nila ito sa kanilang buhay.

Naiuugnay naming sa aming sarili ang paksa ng teksto

kung saan,maluha-luha sina Aileen at Krystel habang binabasa

ang kwento. Naiimahe ko naman ang bawat senaryo sa kwento at

dinaramdam ang bawat pangyayaring nagaganap sa aking

isipan. Napag usapan namin at napagtanto na lahat kmi ay

sumasang ayon at nahikayat sa layunin ng sanaysay na

iparating ng mga ama at ina sa kanilang mga anak ukol sa

kanilang pagtanda. Sumang ayon kmi dito dahil sa isang ideya

na naisip ng bawat isa samin na pinahiwatig at ito ay upang

maging mulat ang kabataan na babasa nito sa mga magulang

nila. Nahikayat kmi ditto sapagkat makatotohanan ang mga

pangyayari na nagaganap ditto.

Tunay na tagumpay ang nagsulat ng kwento na iparating sa

mga mambabasa ang punto ng istorya. Ang pagka antig ng puso

ng mga mambabasa ay dahilan na epektibo ang kwento pinag

iisipan nh mabuti at makatotohanan sapagkat makikita ang

scenario maiimahe sa realidad ng buhay. Maayos din na

maipahiwatig ang kaisipan ng kwento at ang balangkas nito ang


haba naman ng babasahin ay sapat lamang upang hindi

maumay ang mambabasa.

You might also like