You are on page 1of 2

Reaksiyong papel sa: Aking pagtanda (sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr. Ariel F.

Robles

Ang kwentong sa aking pagtanda (sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr.Ariel F. Robles ay
tumatalakay sa mga mensaheng nais iparating ng isang ina at ama tungo sa kanilang anak ukol
sa kanilang pagtanda. Pinupukaw ng kwento ang puso ng mga mambabasa na pahalagahan ang
bawat magulang sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayong mga tao sya nakatungtong sa
ibabaw ng lupa.
Sa pagbasa palang ng tekstong ito ay masasabi ko talaga n na nawili ako sa paksa na gusto
nitong ipahiwatig. Hindi ko man naramdaman ang ganitong pagtrato sa realidad pero nadama
ko parin ang damdamin na parang ikaw ang nasa posisyun ng tauhan sa kwento. Talagang
masasabi ko na maganda ang patutunguhan ng kwento.

Sobrang nakakaantig damdamin ang kwentong “Sa Aking PAgtanda Emosyonal” sapagkat
nadama ko talaga ang halaga ng bawat pangyayari kung saan damang dama ko talaga ito na
parang bang nangyari na ito sa akin. Pinabasa ko rin ito sa aking mga kaibigan at talaga naming
na antig ang kanilang mga dadamin na parang bang hindi na kayang tumigil sa pag iiyak
sapagkat naiugnay na nila ito sa kanilang buhay.

Naiuugnay naming sa aming sarili ang paksa ng teksto kung saan,maluha-luha sina Johnray at
Davean habang binabasa ang kwento. Naiimahe ko naman ang bawat senaryo sa kwento at
dinaramdam ang bawat pangyayaring nagaganap sa aking isipan. Si Nio naman ay nalulungkot
habang iniisip ang mabilis na paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda ng kaniyang mga
magulang. Si Kyle naman ay nagsalaysay ng mga magagandang plano para sa buhay at maayos
na pag-aalaga. Sa kalagitnaan ng pagbasa ay namiss ni Johnray ang kaniyang ina sapagkat
pumanaw na ito. Si Jake naman ay nangako sa sarili na ibibigay ko sa aking mga magulang ang
maayos na pagtrato at pag aalaga sapagkat alam ko higit sa lahat, sila ang tunay na
nagmamahal sa akin. Ako naman ay nangakong ipaparamdam ko sa aking mga magulang ang
lubos na pagmamahal at pag aalaga. Sa huli ay nagtawanan ang lahat sapagkat makikita sa
bawat isa ang mga mamumulang mata at ilong dahil sa hindi maiwasang emosyun.

Napag usapan namin at napagtanto na lahat kami ay sumasang ayonat nahikayat sa layunin ng
sanaysay na iparating ng mga ama at ina sa kanilang mga anak ukol sa kanilang pagtanda.
Sumang ayon kmi dito dahil sa isang ideya na naisip ng bawat isa samin na pinahiwatig at ito ay
upang maging mulat ang kabataan na babasa nito sa mga magulang nila. Nahikayat kmi ditto
sapagkat makatotohanan ang mga pangyayari na nagaganap dito.

Tunay na tagumpay ang nagsulat ng kwento na iparating sa mga mambabasa ang punto ng
istorya. Ang pagka antig ng puso ng mga mambabasa ay dahilan na epektibo ang kwento pinag
iisipan ng mabuti atmakatotohanan sapagkat makikita ang scenario maiimahe sa realidad ng
buhay. Maayos din na maipahiwatig ang kaisipan ng kwento at ang balangkas nito ang haba
naman ng babasahin ay sapat lamang upang hindi maumay ang mambabasa.

You might also like