You are on page 1of 20

1 4

2 3
Panuto: Basahin at unawain ang talata.
Ang Tunay na Ako
Ni Maria Regielyn N. Dequillo

Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-


21 ng Nobyembre, 1997 at kinalakihan ang
pangalang, Maria Regielyn N. Dequillo.
Lumaki man na hindi kagandahan ang hitsura,
hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may
mabuting asal mula sa mga pangaral nina
Inay at Itay.
Noon, ako’y inyong matatanaw nakaupo, sa isang sulok
sa tabi nag-iisa. Huwag kayong magtaka, ganoon lang
talaga ako. Ako ay hindi kasi marunong makisama sa
ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang- ayon sa mga
ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay mahiyain din
kaya ako ay hindi marunong humarap at umaliw sa mga
taong pumapaligid sa akin. Sa tuwing gumagawa naman
ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa,
kaya noon naisip ko na: “Ano pa ang halaga ng aking
pakikipag- usap sa kanila, kung ako ay nakakainip o
walang silbi kung kausap?”
Dahil doon ay napagtanto ko na ako ay iba sa
kanila. Marami akong mga nakikita sa aking sarili
na ibang- iba kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay
hindi ninyo makikita sapagkat ang kaibahan na
iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin
ngayon ay waring pagpapanggap lamang, dahil
alam ko na walang sinuman ang makatanggap sa
tunay na katauhan ko maging mga magulang ko.
Sinisikap kong baguhin ang maibahang ito, ngunit
ano pa ang magagawa ko? Ito talaga ako.
Ngayon, mukha ko ay inyong
makikita na parang masayahin,
ngunit sa puso’y nakatago,
malungkot na damdamin. Aywan ko
ba kung bakit ako ganito… Ito lang
siguro ang tunay na ako.
A. Panuto:
Gagawa ka ng talata tungkol sa kanyang sarili.
Narito ang mga datos na iyong gagamitin. Isulat sa
iyong sagutang papel ang iyong talata.
Pamagat ng Talata: Sino Ako?
Para sa Unang Talata:
Pangalan:
Edad:
Petsa ng Kapanganakan:
Lugar ng Kapanganakan:
Pangalan ng Ama:
Hanapbuhay ng Ama:
Pangalan ng Ina:
Hanapbuhay ng Ina:
Bilang ng Anak sa Pamilya:
Pang-ilan sa mga Anak:
Para sa Pangalawang Talata
Pangalan ng Paaralan:
Pangalan ng Guro:
Paboritong Asignatura:

Para sa Pangatlong Talata


Pangarap sa Buhay:
Gagawin Para Matupad ang Pangarap:
May mga tanong?
Panuto:
Ayusin ang liham na ito. Isulat sa iyong
sagutang papel ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga bahagi ng liham na ating
napag-aralan. Ang bawat bahagi ng
liham ay may tig-dadalawang puntos (10
puntos)
Para sa inyong performance task sa
P.E. Gawin ang Pagsubok ( Pre-Test).
Itala ang inyong pagsubok sa Talaan.
I-video ang inyong pagsubok nang 3
minuto. Ipakita lamang ang pagsubok.
At i-send sa akin ang iyong ginawa.

You might also like