You are on page 1of 2

KOMFIL SCRIPT

3 minute video

Buhay pampamilya sa aspektong

A. Komunikasyon

Higit ang tao sa hayop at iba pang nilikha; samakatuwid, ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay
mas malalim na kahulugan kesa sa pagpapahayag ng iniisip o niloloob. Ito ang kinakailangan nating
maunawaan tungkol sa komunikasyon sa pamilya, nang sa gayoy maging mapanagutan tayo sa pag
gamit ng kakahayang ito. Ang komunikasyon ay maaring makapag bigkis at maari ding magdulot ng
pagkakawatak watak. Mahalagang matutuhan at sanayin sa loob ng pamilya ang uri ng komunikasyong
makapagpapaunlad sa ating pagkatao sapagkat ito ang magpapatatag dito. Paano na lamang kung sa
pamilya pa lamang ay hindi maayos ang daloy ng komunikasyon ? Paano ito makaaapekto sa ugnayan
ng mga kasapi ng pamilya? Sa pakikipagkapwa? Sa pagbubuo ng komunidad?

Ang komunikasyon sa pamilya ay paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-pasalitang


impormasyon sa pagitan ng mgavkasapi nito. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipapahayag ng mga
kasapi ng pamilya ang kanilang pagmamalasakit sa isat isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon,
nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating.Hindi nakapagtataka na
ang Hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya,
kakulangan sa kakayahang malutas ang mga suliranin, paglalayo ng loob ng isat isa, at mahinang
pagbibigkis ng mga kasapi nito. Kaya ngat mahalagang mapabuti ang daloy ng komunikasyon sa pamilya
upang maging matatag ito.

Ang isa sa pinaka malaking suliranin ngayon sa pamilya ngayon ang kawalan ng tunay na komunikasyon
sa pagitan ng mag asawa, mga magulang, at mga anak. Madalas na sa pakikipag usap sa mga anak, mas
mahalaga sa magulang ang maipaunawa ang nais nilla para sa kanilang anak, hindi ang pakikinig sa nais
ng mga anak. Ang mga anak naman ay tinitingnan ang mga magulang bilang mga taong walang
kakayahang makinig at umunawa kayat mas kinamabuti pa ang manahimik at itago ang tunay na
nararamdaman.

Sa dayalogo ang mga anak ay pinakikinggan at inuunawa. Madalas din silay binibigyan ng kalayaang
lumahok sa pag gawa ng pasiya at tumulong sa paglutas ng mga problema. Sa dayalogo ng pamilya
walang maliit o malaki, mataas o mababa. Ang mga magulang naman ay tinitingnan ng mga anak bilang
mga taong bukas at may pag unawa at buong pagtitiwalang ipinahahayag ng mga anak ang kanilang isip
at damdamin sa kanila. Ang dayalogo ay kailangan ng mag asawa upang hindi nila malimot na bagamat
ipinagkaloob na nila ang sarili sa isat isa sa pag ibig at matrimonya ng kasal, sila rin ay indibidwal na may
sariling isip at kalooban.

B. Pagpapalaki sa anak

Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na hindi rin magiging maayos ang lipunan. Kung maayos ang
pamilya, tiyak na magiging matiwasay ang lipunan.

Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod tangi at pinakamahalagang
gampaning ng mga magulang. Kayat hindi pwdng ipaubaya o iasa ang tungkuling ito sa iba tulad ng
panganay o nakatatandang anak. Kasama sa edukasyong ito ang pagsasanay ng mga anak sa
pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga tulad ng simpleng pamumuhay, katarungan ( sa pamamagitan ng
pag galang sa dignidad ng kapwa) paggabay sa mabuting pagpapasiya, edukasyon sa pananampalataya,
at pagpapaunlad nito. Ang mga pagpapahalagang maitatanim sa puso ng anak ang siyang magtuturo sa
kaniya na maging maingat at maayos sa kaniyang mga pagpapasiya. Bukod sa pagiging modelo ng
pagpapahalaga, ang mga magulang ay dapat mamuno at manguna sa panalangin kasama ang anak,
magbasa at pabasahin ng mga aklat ang mga anak tungkol sa pananampalataya at mamuno sa regular na
pagtuturo tungkol sa pananampalataya.

C economic pressure

You might also like