You are on page 1of 12

Department of Education

Region III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: _______________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
ESP 10 (Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo)
Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

I. Panimula
Dumaraan tayo sa mga sitwasyon na nakagagawa tayo ng maling
pasiya at kilos batay sa ating nalalaman, nararamdaman, sa ating kapaligiran
at sa ating gawi o pag-uugali. May mga pagkakataon na iyong pinagsisisihan,
mga maling pasiyang nagawa at mga pangyayari na hindi mo sinasadya.
Ngunit mahalaga na matutunan natin na ang buhay ay isang aralin,
nangangailangan na matuto tayo mula rito at gumawa ng mga hakbang
upang mapanagutan natin ang ating kilos at pasya.

II. Kasanayang Pampagkatuto


• Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala
ang pagkukusa sa kilos. (ESP10MK-IId-6.4)
• Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihitnan ng kilos at pasiya at nakagagawa
ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa
pagpapasiya. (ESP10MK-IIe-7.1)

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga salik at maipaliliwanag ang pananagutan ng tao
batay sa nakalahad na sitwasyon;
2. makapagtatala ng sariling karanasan na nagpapakita ng mga salik na
nakaaapekto sa makataong kilos; at
3. maipaliliwanag ang pananagutan sa sariling karanasan.

IV. Pagtatalakay

Ang pag-iisip ang nagpapakatao sa tao. Gamit ang isip, naipoproseso ng


tao ang kanyang panlabas at panloob na pandama na kung saan
naisasakatuparan ito ng kilos-loob. Mayroong dalawang uri ng kilos ayon sa
nakaraang aralin. Ito ang Kilos ng Tao (Act of Man) at ang Makataong Kilos
(Human Act). Parehong may kinalaman sa tao ang dalawang uri ng kilos na
ito ngunit magkaiba ang lebel ng pananagutan.

Mayroong tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan (Accountability). Ito ay


ang kusang-loob, di kusang-loob at walang kusang-loob. May kinalaman ang
kaalaman at pagsang-ayon ng tao sa isang ideya o sitwasyon na magiging
dahilan ng magiging kilos nito.
Ang bawat kinikilos ng tao ay may resulta at bunga. Maaari itong makabuti
o makasama sa kanyang sarili o sa iba. Isa sa mga maaari nating kontrolin
bilang tao ay ang ating magiging reaksiyon, kilos o pasiya sa isang sitwasyon.
Ang tao ay biniyayaan ng isip upang maproseso ang mga pangyayari o
impormasyon at ginagamit ang kilos-loob sa pagsasakatuparan ng
naprosesong ideya o desisyon. Dahil dito, nararapat lamang na
maging maingat tayo sa ating mga binibitawang salita at ginagawang kilos.
Ngunit may mga pagkakataon na hindi ito napagtatagumpayan at
maaaring mabawasan ang pananagutan sa makataong kilos. Ito ay dahil sa
limang salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kanyang kilos o pasiya; ito ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot,
karahasan at gawi.
Maaaring maitama ang kamangmangan kung may kakayahan ang tao na
magkaroon ng kaalaman sa kanyang kilos o gagawing kilos. Ngunit may mga
pagkakataon na walang posibleng paraan upang maitama ito dahil sa walang
kakayahan ang tao na matuklasan ang kanyang pagkakamali. Isang
halimbawa nito ang mga taong wala sa matinong pag-iisip. Hindi sila
maaaring papanagutin sa kanilang nagawa dahil hindi na nila alam ang tama
at mali. Sa kabilang banda, kailangang papanagutin ang taong niloob at
sinadya ang kilos bunga ng masidhing damdaming kanyang inalagaan ngunit
may mga kilos din na dala lamang ng bugso ng damdamin. May mga kilos na
dala ng takot tulad ng mga taong ginagamit ito upang maprotektahan ang
sarili o ang mga mahal nila sa buhay. Marami ang biktima ng karahasan.
Nakatatanggap sila ng pisikal, emosyonal at iba pang klase ng pagbabanta na
nagiging dahilan upang gawin ang kilos na hindi niloob. Ang mga paulit-ulit
na gawain na naging bahagi na ng sistema ay tinatawag na gawi. Datapwa’t
kadalasan ay tinatanggap na lamang ang bagay na ito, hindi maiaalis ang

2
pananagutan dito dahil may kakayahan ang tao na maisaayos ang kilos kung
magkakaroon ng pagkukusa.
Ang mga salik na ito ay kadalasang nagpapababa ng kapanagutan sa
makataong kilos ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagbibigay ito ng
lisensiya upang mabigyang katwiran ang ating mga maling pasiya at gawi.
Bilang pinakamataas na uri sa lahat ng nilalang ng Diyos, tayo ay may
kakayahan na paunlarin ang ating pagkatao at panagutan ang resulta ng
ating kilos at pasiya.

V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang mga salik na
nakaaapekto sa makataong kilos ng bawat tauhan at ipaliwanag ang
pananagutan nito batay sa kanyang pasiya o kilos. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

1. Nakasanayan na ni Jin
ang matulog sa loob klase
dahil pinagsasabay niya ang
trabaho at ang pag-aaral.
SALIK: PANANAGUTAN
Dahil dito, lagi siyang NG TAUHAN:
napagsasabihan ng
kanyang mga guro at
naaapektuhan na rin ang
kanyang grado.

2. Biktima si Rose ng pang-


aabuso sa loob ng tahanan. SALIK: PANANAGUTAN
Dahil dito, siya ay naging NG TAUHAN:
agresibo at bayolente sa loob ng
paaralan.

3. Matagal nang nagtatrabaho si


Lisa sa bangko bilang teller at
alam niya ang likas na dalang
panganib ng kanyang trabaho. SALIK: PANANAGUTAN
Ngunit nang siya ay tutukan ng NG TAUHAN:
baril ng isang kawatan, iniabot
niya lahat ang hawak niyang pera,
maging ang mga nakatagong
malaking halaga ng pera sa
kanyang drawer.
3
4. May isang sikat na
personalidad sa Tiktok ang
naging usap-usapan dahil sa SALIK: PANANAGUTAN
NG TAUHAN:
disenyo ng kanyang tattoo sa
braso. Hindi niya alam ang
malalim na kahulugan nito sa
isang partikular na
nasyonalidad kaya’t nagdulot
ito ng inis at galit sa iba.

5. Nasampal ni JK ang kanyang


asawa dahil sa matinding selos
SALIK: PANANAGUTA
na naramdaman niya nang
N NG
makita niya itong may kausap TAUHAN:
na lalaki.

Rubrik para sa Gawain 1, 2 at 3.

RUBRIK SA
PAGGAWA NG PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
GAWAIN
Kaangkupan ng sagot 4
Nilalaman ng sagot 3
Kaayusan ng ideya 3
Kabuuan 10

Gawain #2
Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang gabay na tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawing Bingi

Dapat ko sanang ipagmalaki ang anak kong si Allan. Sa gulang na


dalawampu’t limang taon ay manedyer na siya, may sariling kotse, at may
mga kaibigang mayayaman at matatalino. Ngunit may problema siya, dahil
kahit gaano man kalaki ang kanyang suweldo ay lagi naman siyang walang
pera. Madalas, bago dumating ang kanyang suweldo ay nangungutang na
siya sa kanyang mga kapatid na mas maliliit pa nga ang suweldo kaysa sa
kanya.
“One-day millionaire” ang tawag ko sa anak kong ito. Kapag may
malaking pera ay sunod-sunod siya sa paggastos. Hindi tumatanggi sa mga

4
“hapi-hapi.” . Puno’t dulo ay wala siyang naiipon sa suweldo at ipinambayad
na lang ito sa kanyang mga utang.
Nagyaya nang magpakasal ang kanyang nobyang naghintay na nang
anim na taon at nagbantang kapag hindi siya pinakasalan ay kakalas na sa
relasyon. Gusto naman ng aking anak na magpakasal ngunit wala siyang
pera. Sinadya kong magkait ng tulong para matauhan siya.
“Hilingin mo sa Diyos na gawin ka Niya muling bingi tulad ng hinihiling
mo sa Kanya noong bata ka pa,” wika ko sa kanya.
Noon kasing bata pa si Allan ay lagi siyang humihingi ng pambili ng ice
cream ngunit ayaw siyang bigyan ng kanyang lola. Nagdasal siya sa Diyos
at hiniling na gawin Niya siyang bingi upang hindi niya marinig ang kuliling
ng sorbetero.
“Maiiwasan mo ang tukso kung gugustuhin mo para makapag-ipon ka
ng panggastos sa kasal mo.” Ngunit ngumiti lamang si Allan. Umaasa ako na
nakuha niya ang aking punto.
- Mula sa “Haplos ng Puso”
ni Nerissa Cabral

Mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang sitwasyon sa binasang kwento?
2. Ano ang mga salik na makikita sa kwento? Ipaliwanag.
3. Ano ang epekto ng kilos ni Allan sa mga taong nakapaligid sa kanya?
4. Tama ba ang naging desisyon ng magulang ni Allan na pagkaitan siya
ng tulong? Bakit?
5. Ano ang pananagutan ni Allan batay sa kanyang sitwasyon?

Gawain #3

Panuto: Gumawa ng talahanayan sa iyong sagutang papel at punan ito ng


mga sagot batay sa mga hinihingi ng mga pahayag sa ibaba.

Pinagmumulan ng Ang mga Ginagawa Ko Kung Ang Aking


Galit Ako ay Galit Pananagutan sa Aking
Kilos o Pasya

Pinagmumulan ng Ang mga Ginagawa Ko Kung Ang Aking


Takot Ako ay Takot Pananagutan sa Aking
Kilos o Pasya

5
Mga Bagay na Ang mga Ginagawa Ko Kung Ang Aking
Hindi Ko Alam Hindi Ko Alam ang Pananagutan sa Aking
Kabuuang Pangyayari Kilos o Pasya

Ang Aking Gawi o Mga Nagagawa Ko Dahil sa Ang Aking


Nakaugalian Aking Gawi o Nakaugalian Pananagutan sa Aking
Kilos o Pasya

Naranasan o Mga Nagagawa Ko Dahil sa Ang Aking


Nasaksihang Aking Naranasan o Pananagutan sa Aking
Karahasan Nasaksihang Karahasan Kilos o Pasya

VI.Pagsusulit

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang letra sa sagutang


papel.
1. Anim na buwan pa lamang si Joonie sa kanyang trabaho ay paborito na
siya ng kanyang mga amo dahil sa kanyang angking talino at sipag. Dahil
dito, hindi siya pinapansin at kinaiinisan siya ng kanyang mga kasabayan
sa kumpanya. Tama ba ang naging tugon ng kanyang mga katrabaho?
A. Oo, dahil pantay-pantay lamang dapat ang pagtrato sa kanila.
B. Oo, dahil may kakayahan si Joonie na huwag husayan sa trabaho.
C. Hindi, dahil ginagawa lamang ni Joonie ang kanyang responsibilidad
bilang empleyado.
D. Hindi, dahil dapat nilang maintindihan na may likas na kompetisyon
sa trabaho.
2. Sinugod sa ospital ang isang kriminal dahil sa saksak na natamo niya nang
ipagtanggol ng biktima ang kanyang sarili mula sa kanya. Ano ang
nagtulak sa biktima upang gawin niya ito?
A. Takot C. Gawi
B. Karahasan D. Masidhing damdamin

6
3. Umiiyak na umuwi sa kanilang tahanan si Jennie dahil siya ay nahipuan
ng lalaking nakasalubong niya sa daan. Agad na gumawa ng aksyon ang
kanyang pamilya ngunit nalaman nila na wala sa matinong pag-iisip ang
lalaking kanyang tinutukoy at hindi nito alam ang kanyang nagawa.
Hinayaan na lamang nila ang nangyari at sinabihan si Jennie na mag-ingat
na lang sa susunod. Tama ba ang kanilang naging desisyon?
A. Oo, dahil naunawaan nila nang lubos ang kalagayan ng lalaki.
B. Oo, dahil kasalanan ni Jennie na hindi niya naprotektahan ang kanyang sarili.
C. Hindi, dahil kailangang pagbayaran ng naturang lalaki ang kanyang nagawa.
D. Hindi, dahil nararapat lamang na gumawa ng aksyon ang kanyang pamilya.

4. Ang mga bully sa klase ay mga estudyante na nakararanas ng pang-aabuso


sa loob ng kanilang tahanan o kulang ng kumpiyansa sa sarili kaya
nagagawa nila ang kanilang mga kilos. Nabibigyang katwiran ba ng
paliwanag na ito ang kilos ng isang bully?
A. Oo, dahil ito ang paraan upang maintindihan sila.
B. Oo, dahil ang bawat tao ay may kwento.
C. Hindi, dahil ang tao ay may kakayahan na pag-isipan ang kanyang
aksiyon bago niya ito gawin at may pananagutan siya dito.
D. Hindi, dahil masamang gawain ang pambubully.

5. “Bawal Magmura”, isa ito sa mga panuntunan ni Bb. Santos sa loob ng


kanyang klase. Ilang beses ka na niyang nahuli na nagmumura at
nakababawas ito ng iyong puntos sa kanyang klase. Alam mong normal
lang ito sa iyo dahil ganito din ang kinagisnan mong pananalita sa inyong
tahanan. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko na lang mabawasan ang aking puntos sa kanyang klase.
B. Ipaliliwanag ko sa kanya ang kinalakihan kong kapaligiran upang
mapagbigyan niya ako.
C. Hindi na lamang ako magsasalita sa tuwing siya ay nariyan.
D. Sisikapin kong baguhin ang aking pananalita dahil maganda din naman
ang maidudulot nito sa akin.

6. Si Hobi ay pauwi mula sa kanyang trabaho nang may marinig siyang boses
ng nagmamakaawang babae. Napagtanto niyang sa may di kalayuan ng
kanyang kinatatayuan ay may nagaganap na holdapan. Hindi niya alam
kung may ibang kasama ang holdaper at wala din siyang ideya kung may
dala itong baril o patalim. Hindi niya ito sinubukang tignan at dumiretso
na lamang siya pauwi. Ano ang nag-udyok kay Hobi upang gawin ang
kanyang kilos?
A. Takot C. Gawi
B. Masidhing Damdamin D. Karahasan

7
7. Nakasanayan na ni Wendy ang pag-upo ng naka-de kwatro. Lagi siyang
pinagsasabihan ng kanyang ina sa tuwing nakikita siyang nakaganito. Para
sa kanya, mas komportable siya sa ganoong klase ng pag-upo. Ngunit nang
siya ay magbakasyon sa kanyang lola na mayumi at istrikto sa kilos at
pananalita ay sinunod niya ang tamang pag-upo nakikita man siya o hindi
ng kanyang lola. Ano ang ipinakikita sa sitwasyong ito?
A. Si Wendy ay takot sa kanyang lola.
B. Ang pagkukusa ay nagsisimula sa sarili.
C. Maging ang mga bagay na nakasanayan ay maaaring ayusin.
D. May kakayahan si Wendy na ayusin ang kanyang pag-upo, ayaw lamang
niyang sumunod sa kanyang ina.
8. Matagal na ang alitan sa pagitan ng magbilas na sina Aling Irene at Aling
Joy. Ito ay dahil sa isyu ng pagbabayad ng kuryente. Sa iisang kontador
lamang sila nakakonekta kaya magkahati sila sa pagbabayad nito. Ngunit
isang araw, galit na galit na sumugod si Aling Joy sa tahanan ni Aling Irene
at nagawa niya itong sabihan ng hindi magagandang salita na nauwi sa
sampalan at sakitan. Ano ang nag-udyok kay Aling Joy upang gawin
niya ito?
A. Kamangmangan C. Gawi
B. Masidhing damdamin D. Takot
9. Si Jake ay aliw na aliw sa magagandang tanawin at pasyalan sa
probinsyang kanyang pinuntahan nang bigla siyang lapitan ng isang pulis
dahil dumaan siya sa isang malawak na damuhan. Siya ay isang turista
lamang at hindi niya alam na bawal itong tapakan. Wala ring nakapaskil
na karatula bilang paalala. Pinagsabihan na lamang siya ng pulis at
nangako si Jake na hindi na ito mauulit pa. Anong salik ang ipinakikita
sa sitwasyong ito?
A. Gawi C. Karahasan
B. Takot D. Kamangmangan
10. Maraming kabataan ang biktima ng mga sindikato. Sila ay pinipilit na
mamalimos o magnakaw para sa kanila. Kung susuway ang mga ito ay
pinagmamalupitan sila at hindi pinakakain. Wala silang magawa kundi
sumunod na lamang kahit na alam nilang ito ay mali at labag ito sa
kanilang kalooban. Ano ang salik na ipinakikita sa sitwasyong ito?
A. Karahasan C. Gawi
B. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin

8
VII. Pangwakas
Repleksiyon

Panuto: Buuin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


tanong na makikita sa bawat kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano ang konseptong Anong pagpapahalaga Paano ko magagamit


natutunan ko? ang natutunan ko? ang natutunan ko sa
totoong buhay?

RUBRIK SA PAGGAWA NG
GAWAIN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman ng 10
mga kasagutan.
Maayos ang organisasyon ng 7
mga ideya.
Wasto ang pagbaybay at 3
gramatika
Kabuuang Puntos 20

9
VIII. Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2019. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 5. Published
Modules.

Carlos, Marynol G., Nicdao, Myla V. 2020. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Quarter 1 Week 1.
Unpublished LAS.

Gomez, M. G., Briones, E. H. 2016. Lilok 10. Batayang Aklat. Trinitas Publishing, Inc.

Macabeo, A., Cabral, N. 2019. “Haplos ng Puso”. Butil sa Pagpapahahalaga 10. St. Augustine
Publications, Inc.

10
11
Repleksiyon Gawain 1
Maaaring magkakaiba- Maaaring magkakaiba-
Pagsusulit iba ang mga kasagutan iba ang mga kasagutan
1. c
2. a
3. a
4. c
Repleksiyon Gawain 1
5. d
6. a
7. b Gawain 2 Gawain 3
8. b
9. d Maaaring magkakaiba- Maaaring magkakaiba-
10. a iba ang mga kasagutan iba ang mga kasagutan
Pagsusulit Gawain 2 Gawain 3
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto


Manunulat: Maria Lea L. Castulo
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Juliane Nicole Paguyo, Myla V. Nicdao,
Marynol G. Carlos, Division EsP QA Team
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas
Grupo ng Tagapaglinang: Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

12

You might also like