You are on page 1of 3

Tanggalin ang unang pahina(page) at itabi o itago upang mapag-aralan o magamit bilang

reviewer sa lagumang pagsusulit (summative test). Salamat

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Panimula
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN NG
KILOS AT PASIYA

Napag-aralan natin sa nakaraang modyul ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa


pananagutan ng tao gaya ng kamangmangan, masidhing damdamin, takot,karahasan at
gawi. Ang mga salik na ito ay nagdadala ng pagbabago sa kilos ng isang tao. Ngunit ano
naman ang magiging papel ng mga salik na ito sa kalalabasan ng kilos? Malaki ang
impluwensya ng mga salik na ito sa magiging bunga ng isang kilos at maaaring mawala ang
pagkukusa ng kilos.Upang mas maunawaan, tingnan natin ang halimbawa na ito.
Ipagpalagay na ikaw ay bagong drayber sa isang lugar. Hindi mo alam na bawal ang
pumasok sa daan na iyon. Dahil sa kakulangan ng kaalaman(Kamangmangan) pumasok ka
sa daan na iyon at ikaw ay sinita ng Barangay Tanod.

Excuse ba ang drayber na ito sa kanyang kapanagutan? Wala bang pagkukusa ang
drayber na ito sa kanyang kilos? Unang-una, mananagot pa rin siya sa kanyang kilos ngunit
ito ay maaaring may kabawasan sapagkat kulang sya ng kaalaman dito. Walang pagkukusa
sa kanyang kilos sapagkat hindi niya alam na bawal pala ang pagdaan doon.Kung ating
suriin ang halimbawa, makikita natin na naapektuhan ang naging bunga ng kilos ng tao
dahil sa mga salik na nakakaapekto dito, ang kamangmangan.

Upang maiwasan natin ang hindi magandang kahihinatnan ng isang kilos, lagi nating
isipin kung ano ang mabuti.Laging iisipin ang magiging bunga ng gagawin. Hindi lahat ng
kilos ay obligado. Ang isang kilos o gawa ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa
paggawa nito ay may masamang mangyayari; Sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang
tumutungo sa isang layunin at; Hindi makapaghahangad ang isang tao kung wala itong
pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay .- Sto. Tomas de
Aquino

Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan,batayan, at may kaakibat na


PANANAGUTAN.

Sa pagtatapos ng aralin na ito, nais kung basahin ninyo at pagnilay ang nakasaad sa
pahayag mula sa Bibliya. Nawa ito ay ating maging sa anumang pasiya na ating gagawin sa
kabila ng iba’t-ibang salik na makakaapekto dito. Isang paghahamon na ito ay hindi lamang
tumimo sa isip kundi pati sa gawa.

Kawikaan 3:5-6

“Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong


sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo
niya sa iyo ang tamang landas”.
(Ito lang ang ipapasa)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Division of Northern Samar
Laoang III District
Rawis National High School
School ID: 313603

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
S.Y. 2020-2021

Pangalan:________________________________ Pangkat: ______________Score:______


20
GAWAING PAGKATUTO
Linggo: 4
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
1.Napapatunayan na nakakaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali
sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang mga
pagkukusa sa kilos. ESP10MK-lld-6.4
2.Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya.
ESP10MK-lle-7.1

GAWAIN I
Panuto: Tukuyin kung ang mga konseptong ipinapahayag sa pangungusap ay TAMA O MALI. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ang tao ay walang pananagutan sa kanyang kilos o pasya.
____________2. Anumang uri ng tao ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginawa.
____________3. Ang kakayahan ng tao na kumilala ng tama o mali ay nakakaapekto sa kanyang magiging
pananagutan.
____________4. Ang kilos na isinasagawa ng tao nang may KAALAMAN, MALAYA at KUSA ay maituturing na
MAKATAONG KILOS.
____________5. Kung walang paraan na maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na
makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa.
____________6. Hindi lahat ng kilos ay obligado, ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung hindi pagtuloy
sa paggawa nito ay may masamang pangyayari." → makataong pagkilos at obligasyon- Santo Tomas.
____________7. Ang gawi ay gawain na paulit ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw.
____________8. Nababawasan ang kapanagutan ng pagsisinungaling ng isang tao kung sa kanyang
pagpapasya ay may takot siyang naramdaman na nagdulot sa kanya ng di wastong pag-iisip.
____________9. Ang tao ay may kakayahang kontrolin ang kanyang pansariling damdamin at may pananagutan
sa pangangasiwa dito.
____________10. Hindi magkakaroon ng pananagutan ang taong gumagawa ng karahasan kung hindi
napatunayang kusang – loob niyang ginawa.

GAWAIN II
PANUTO: Punan ng angkop na sagot ang kahon. Piliin mula sa ibaba ang naangkop na salik at
posibleng kahinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon. Isulat lamang ang letra ng iyong napiling sagot.
(Ito lang ang ipapasa)

Salik na Nakakaapekto sa
Posibleng Kahinatnan ng Kilos
Desisyon
a. Kamangmangan a. Magagalit ang iyong ina at magulo ang iyong gamit pag dating mo sa
bahay

b. Takot b. Maaring magalit ang iyong kaklse sa iyo at isumbong ka sa inyong guro at
kakausapin ang iyong mga magulang dahil sa ginawa mong kapilyuhan.
c. Masidhing Damdamin c. Mabubusog ka ngunit maaari kang mapagalitan ng may-ari ng kinain
mong pagkain dahil di ka nagpaalam.
d. Karahasan d.Maaari kang mapagalitan ng iyong ina at hindi ka na payagan sa susunod
na ikaw ay aalis ng bahay dahil di ka marunog making sa kanyang habilin.

e. Gawi e. Makakapasok ka sa paaralan kinabukasan ngunit malulungkot ang iyong


kaklase dahil sa nawala niyang pera

Salik na
Nakakaapek Kahihinatnan
Sitwasyon to sa Kilos ng Kilos
ng Tao
1. Nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pera habang siya ay naglalakad
pauwi ng bahay ikaw lang ang tanging naroon at nakakita ng perang nahulog.
Dahil alam mong kailangan mo ng baon kinabukasan ay pinulot mo ang pera at
mabilis na lumakad na parang walang nangyari.
2. Ang iyong nanay ay nagbilin sa iyo na umuwi ng maaga ngunit, nagyaya
ang iyong kaibigan na maglaro ng video game sa kanilang bahay at pumayag
naman ang kanyang nanay na pumunta ka. Dahil gustong gusto mo na
maglaro ng video game ay nalimutan mo ang bilin ng iyong ina at sumama ka
sa bahay ng iyong kaibigan
3. Gutom na gutom ka nang dumating sa bahay galing paaralan kaya noong
nakakita ka ng pagkain sa mesa ay kinain mo ito nang di nagtatanong kung
maari mo ba itong kainin at kung kanino ito.
4. Nasaksihan mo ang pambubully ng iyong kaklase sa isa mo pang kaklase
sa loob ng inyong silid-aralan. Dahil dito gumawa ka ng mga pilyong gawain
tulad ng pagtatapon ng basura sa bag ng iyong kaklase na nambubully rin.
Ginawa mo ito sa dahilang gumaganti ka lang sa ginawa nilang masama sa iba
mong kaklase.
5. 5. Madalas ang pagbibilin sa iyo ng magulang mo tungkol sa pag aayos ng
iyong hinigaan at silid bago ka magbihis at umalis ng bahay papunta sa
paaralan. Alam mo naman na tama itong gawin ngunit lagi mo itong
nakakalimutan at naiiwang magulo at marumi sa dahilang mahuhuli ka na sa
pagpasok.

Pangwakas/ Reflection:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Sanggunian:
 Mga Salik na Nakakaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya, Modyul 4, ESP
10 Unang Markahan Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan: Unang Edisyon, 2020
Inihanda ni:
_______________________
___________________
Lagda ng KRISTIAN BERNARD
Magulang/Tagapag- C. PAANO
Guro sa ESP 10

You might also like