Professional Documents
Culture Documents
2nd QTR - WEEKLY HOME LEARNING TASK Jan. 25-29
2nd QTR - WEEKLY HOME LEARNING TASK Jan. 25-29
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Taong Panuruan 2020 - 2021
Ikalawang Markahan
Weekly Home Learning Task : Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na
Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng
Kilos at Pasya
Week 4: Jan. 25 - 29, 2021
Learning Competency/ies :
6.3 Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin,
takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya
at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos.
6.4 Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan
ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang
mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya.
Learning Competency:
Learning Task:
Panuto: Basahin ang sitwasyon nakatala sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
Gawain Blg 1 :
Rommel A. De Vega Jr. X agate
PamprosesongTanong:
1. Ano ang iyong damdamin habang nakatingin sa mga larawan? Ilahad ito. Nakakalungkot
dahil sa unang litrato ay nawala na ang ating pagiging makatao dahil naging makasarili tayo.
Sa pangalang litrato naman ay ang pagsunod sa batas. At ang huli ay ang napakalungkot
dahil ang bata ay mayroong virus.
2. Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga taong nasa larawan? Sila ay
natataranta at natatakot dahil sa pandemyang nangyayare.
3. Masasabi mo pa rin bang makataong kilos ang mga nasa larawan? Hindi ako sang ayon sa
unang litrato ngunit ang pangalwa at huli ay makatao parin dahil sa pagsunod ng batas at
ang pag aalaga ng may sakit.
Learning Competency:
Learning Task:
Gawain Blg. 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba. Tukuyin ang mga salik na
nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit hindi naging mapanagutan ang
kanyang kilos. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga sitwasyon:
1.kamangmangan. dahil alam nyan namang bawal ngunit labas parin ng labas
2.gawi. nakasanayan niya ng mag mura kapag nagugulat dahil hindi mo alam ang lalabas sa
bunganga mo pag ikaw ay nagulat.
3.kamangmangan, maaari nyang hindi na ulitin ito dahil siya ay nahuli na ng pulis at nadala.
4.takot, dahil tinutukan siya ng patalim hindi nya na maiwasang sumigaw dahil sa takot.
Mode of Delivery:
Ipadala ang sagot sa Google Classroom o sa FB group account ng inyong seksyon na itinalaga ng guro
sa EsP o kung walang kakayahang gumamit ng computer, ay maaaring sagutan ang mga gawain sa sagutang
papel at i-screen shot at ipadala thru FB Messenger. Ipapasa ang mga gawain sa pamamagitan ng pagpost sa
FB Group o Google Classroom na nilikha para sa inyong seksyon.