You are on page 1of 8

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
QUARTER 2 – MODULE 4

Mga Salik na
Nakaaapekto sa
Pananagutan ng
Tao sa
Kahihinatnan ng
Kilos at Pasya

1
Modyul 4: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan
ng Kilos at Pasya

Unang Bahagi
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat
mag- aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul
na ito ay gagabay sa iyo upang tahakin ang landas ng pagiging makatao sa pamamagitan ng pagpili
ng mabuting opsiyon.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa:

6.3 Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan,masidhing damdamin, takot, karahasan at


ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang
pagkukusa sa kilos(EsP10MK-IId-6.3)
6.4 Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa
kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa
pagpapasiya (EsP10MK-IId-6.4)
Sa nakaraang modyul ay natukoy at nalaman mo ang mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos.
Sa aralin namang ito ay mas lalawak at lalalim pa ang pagkaunawa mo sa bawat salik upang magabayan ka
sa pagsasagawa ng makataong kilos. Basahin at unawain ang sumusunod na mga talata.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos
Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong
kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos:
ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi.
1. Kamangmangan- ito’y tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao na
may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig (invincible). Ang kamangmangan na nadaraig ay ang
kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman
kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay
maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang
malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan
o sa kakayahan man ng iba.
2. Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin. Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay
may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga
emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Ito’y maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y
nahuhuli (consequent). Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob
o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi
malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Ang nahuhuli (consequent) naman ay damdaming sinadyang
mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
3. Takot. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin. Ito ay ang
pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga
mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang
2
gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa
kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama.
4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may
mataas na impluwensiya.
5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw ay itinuturing na gawi (habits).
Ikalawang Bahagi
Gawain I-A : Discussion Web
Panuto: Buuin ang sumusunod na dayagram . Kopyahin ang pormat at sagutan sa sagutang papel.
Mga Salik na
Nakakaapekto sa Kilos at
Mga Salik
Pasya
1. 1.

2. 2.

3.
3.

Gawain I-B: Pagsusuri ng Sitwasyon


Panuto: Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag ang kasagutan
at isulat sa sagutang papel.
1. May napulot kang cellphone sa traysikel na sinasakyan mo. _______________________________
2. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot. _______________________________
3. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid.________________________________
4. Dumalo ka sa isang parti ng iyong mga kaklase. Niyaya ka nilang uminom ng alak at manigarilyo.
_________________________________________________________________________________________
5. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng guro sa tig-aapat sa bawat pangkat. Ngunit may isa kayong
kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat. _______________________________
Gawain II: Kung Maibabalik Ko Lang!
Panuto: Alalahanin ang mga nagawang pagkakamali at taong nasaktan. Kung bibigyan ng pagkakataon, isulat
ang mga hakbang na gagawin upang maibalik ang nasirang pagtitiwala at magandang pagsasama. Isulat ang
kasagutan sa sagutang papel.

Sitwasyon Kung saan may


Taong Nasaktan Mga Hakbang na Gagawin
Nasaktan
1. 2. 3.
4.
5.

Gawain III
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Nasaksihan mong nagnakaw ng pitaka ng iyong matalik na kaibigan. Ano ang makataong kilos na iyong

3
gagawin?
A. Ililihim ang kanyang ginawa dahil matalik ko siyang kaibigan.
B. Hahayaan ko siya sa kanyang ginawa.
C. Pagsasabihan siya na ibalik ang pitaka at huwag ng ulitin ang kanyang ginawa.
2. Napagsabihan si Dante ng kaniyang guro ng dahil hindi siya nakilahok sa ginawang Fire drill ng paaralan.
Ang mga salik ng kanyang pinakitang kilos kasama ng kamangmangan ay_______.
A. Gawi B. Takot C. Karahasan
3. Gamit ang sitwasyon sa bilang 2, ang nararapat na gawin ni Dante ay_______.
A. Humingi ng tawad sa kanyang guro.
B. Umiwas at itanggi na alam ang fire drill na naganap.
C. Ipagpatuloy ang kamangmangan sa sitwasyon
4. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera.
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
5. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C.Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
6. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A.Panliligaw sa crush
B.Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C.Pagsugod sa bahay ng kaalitan
Para sa bilang 7-10, tukuyin ang salik na nakakaapekto sa bawat sitwasyon, pumili sa mga sumusunod na
kasagutan .
A. Takot B.Kamangmangan C. Karahasan D. Gawi E. Masidhing damdamin
7. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang aralin ang kanilang
guro.
8. Pagsusugal
9. Di-pagsabi ng totoo dahil sa pagbabanta sa iyong buhay.
10. Pagsuntok sa lalaking may gusto sa iyong kasintahan.
B. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung di wasto.
11. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay
hindi.
12. Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.
13. Ang Likas na Batas Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan.
14. Ang paghubog ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang
daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
15. May anim na salik na nakaaapekto sa makataong kilos.

4
Susi sa Pagwawasto

Gawain I-A Discussion Web

Salik Kahulugan
1. Kamangmangan - kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat
taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig (invincible).
2. Masidhing Damdamin. – o passion ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin .
3. Takot - ay ang pagkabagabag ng isang tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta
sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.
4. Karahasan -ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang
isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
5. Gawi -o habits ay mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw .

Gawain I-B Malayang pagsagot Gawain III


1. C 6. B 11. TAMA
2. A 7. B/D 12. TAMA
Gawain II Malayang pagsagot 3. A 8. D 13. TAMA
4. B 9. A 14. TAMA
5. C 10. E 15. MALI

Sanggunian

A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang Modyul para sa
Mag-aaral.Unang Edisyon.Pasig City

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


QUARTER 2, WEEK 4

MELC: Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali
sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa
sa kilos.
K to 12 BEC CG: EsP10MK-IId-6.3
MELC: Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at
nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang
kakayahan sa pagpapasiya.
K to 12 BEC CG: EsP10MK-IId-6.4

Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________

Gawain A.1
Panuto: Humanap ng limang (5) mahahalagang konsepto (Tagalog o Inglis) na kabilang sa aralin. Isulat ang
mga salitang nahanap sa sagutang papel.

K A M A N G M A N G A N
A B C D E A A F O G K H
R I J K L W K M I N I E
A O T P Q I A R S S L L
H T A U V W T X S Y O B
A Z K A B C A D A E S I
S M O R A L O F P G H C
A N T E C E D E N T I N
N O E L B I C N I V N I
T N E U Q E S N O C J V

Gawain A.2
Panuto: Mula sa mga salitang nahanap sa kahon, kopyahin ang pormat sa sagutang papel at sumulat ng tig-
isang salita o konsepto sa tamang hanay.
Salik Uri

6
Gawain A.3
Panuto: Alalahanin ang mga nagawang pagkakamali at taong nasaktan. Kung bibigyan ng pagkakataon, isulat
sa sagutang papel ang mga hakbang na gagawin upang maibalik ang nasirang pagtitiwala at magandang
pagsasama.
Sitwasyon kung saan may Taong Nasaktan Mga Hakbang na Gagawin
Nasaktan
1. 2. 3.

Gawain B
Performace Task: Pagsasaliksik at Pagsulat ng Report
Panuto: Para sa karagdagang kaalaman at magabayan ka sa tamang kahihinatnan ng kilos at pagpapasya ay
magsaliksik at sumulat ng report tungkol sa mga nakalista sa ibaba. Sundan ang pormat, isulat ito sa long
coupon bond at ilagay sa long folder.
Pamagat :Mga Depektibo o mga Negatibong Pamantayan ng Moralidad
A. Hedonismo
1. Kahulugan
2. Pagkaunawa
3. Dulot na Aral
B. Utilitaryanismo
1. Kahulugan
2. Pagkaunawa
3. Dulot na Aral
C. Moral na Evolusyonismo
1. Kahulugan
2. Pagkaunawa
3. Dulot na Aral
D. Moral na Positivismo
1. Kahulugan
2. Pagkaunawa
3. Dulot na Aral
E. Komunismo
1. Kahulugan
2. Pagkaunawa
3. Dulot na Aral

7
Pamantayan sa Paggawa (Pagsasaliksik at Paggawa ng Report)
Kategorya (15) (12) (10) Puntos
Nilalaman Nakumpleto ang May kulang na 1 o 2 May 3 o higit pa na
(15) mga kailangang na detalye kulang sa mga
detalye nang may detalyeng kailangan
kahusayan
(10) (8) (7)
Kabuuang Output Kahanga-hanga Maayos ang Nagpakita ng
(10) ang pagkakasulat, pagkakasulat pagtupad sa
malinis at maayos gawain.
ang ipinasa.
Kabuuang Iskor
(25)

You might also like