You are on page 1of 1

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS) No.

1
Ikalawang Markahan
Pangalan:________________________________ Puntos: ___________________
Baitang at Seksyon: _______________________ Petsa: ____________________
Asignatura: (Lagyan ng tsek) _________________
Religion/Values Education Filipino TLE/ICT
Natural Sciences English MAPEH
Araling Panlipunan Math CADt
Uri ng Gawain: (Lagyan ng tsek)_______________
Concept Notes Laboratory Report Formal Theme Others:
Skills:Exercise/Drill Illustration Informal Theme _________

Paksa: Makataong Kilos


Layunin: Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang
isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.
Sanggunian: ESP 10 Modyul para sa Mag-aaral pahina 92-102

Batayang Konsepto:
Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng
tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga
nalalabing araw ng kaniyang buhay.
 Ang Makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya pananagutan niya ang
kahihinatnan nito.
 Nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa pananagutan ng
tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos

Pagsasanay 1: Tama o Mali: Isulat bago ang bilang ng aytem ang titik T kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng tamang konsepto at titik M kapag mali. (5 puntos)

1. Ang tao ay may pananagutang anuman ang kahihinatnan ng kanyang kilos.


2. Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon ito ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang
ginagawa.
3. Ang kilos ng tao ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa sarili.
4. Ang makataong kilos ay kilos na sinasagawa ng tao nang may kaalaman,Malaya at kusa.
5. Ang makataong kilos ng tao ay maaaring maging kilos ng tao.

Pagsasanay 2: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sundin ang pormat sa ibaba.

Sitwasyon 1. Humanga ang iyong mga kaklase dahil Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong
sa pambihirang galing na ipinakita mo sa isang pagkapahiya?Bakit?
paligsahan. Lumapit sila sa iyo at binati ka. Hindi mo
akalain na may kaklase ka na siniraan ka dahil sa
inggit sa iyo. Ngunit mas minabuti mong manahimik
at ipagsabalikat na lamang bagaman nakaramdam ka
ng pagkapahiya. May kaibigan ka na nagsabing
naniniwala silang hindi iyon totoo.
Sitwasyon 2. Nasaksihan mo ang pananakit ng isang Tanong: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik?Bakit?
bully sa iyong kaklase sa loob ng klasrum. Dahil sa
takot nab aka madamay ka, hindi mo ito sinumbong
sa kinauukulan.
Sitwasyon 3. Nagbilin ang inyong guro na sabihan Tanong: May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan
ang pangulo ng inyong klase na magpulong para sa dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo ? Bakit?
paghahanda sa darating na Foundation Day ng
paaralan. Biglaang nagyaya ang iyong mga kaibigan
na pumunta sa birthday party ng isang kaklase kung
kaya nakalimutan mong ipagbigayalam ang bilin sa
iyo.

You might also like