pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan Tuklasin Mo • Sa paanong paraan naging bahagi ang guro sa tagumpay na natamo ng kaniyang mag-aaral? Alamin Mo • Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Walong Taong Gulang Leonora Magtanggol ang pangalan ng batang nakatawag sa akin ng pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal- tagal ng panahong kami’y nagkakilala Ang batang ya’oy isa lamang sa aking mga tinuturuan. Lumipas ang dalawang linggo ng pasukan, lalo kong nakilala si Leonora. Kakaiba siya sa mga batang aking tinuturuan, hindi lamang sa kaniyang panlabas na anyo kundi maging sa kaniyang kakayahan sa pag-aaral. Araw- araw ay nakikita kong si Leonora ay patingin- tingin lamang sa kaniyang mga kaklaseng nagsipaglaro sa bakuran ng aming paaralan. Minsan, sinubukan kong makipaglaro sa kanila. Gayon na lamang ang katuwaan nila. Sa isang kisapmata’y napaligiran ako ng mga mag-aaral. Kinawayan ko si Leonora . Lumapit naman siya. Nakita kong hindi siya mabilis kumilos na gaya ng iba. Iminungkahi ng mga bata ang larong habulan. Naisip ko naman ang larong “ Pusa at Daga.” Si Anselma ang gumanap ng daga at si Leonora naman ang pusa. Mabilis ang sibad ni Anselma. Nang aabutan na ni Leonora si Anselma, kitang-kita ko ang kanyang pagkadapa. Lampang-lampa! Di sanay maglaro. Ito ang katotohanang aking nasaksihan. Mula noon, madalas ko siyang kausapin. Ipinaliliwanag ko sa kaniya ang kabutihang maaaring idulot ng pagsali sa paglalaro. Nauunawaan naman niya ito. Datapwat, sa kabila noon ay nakikita ko pa rin ang kanyang pag- iisa at patingin-tingin lamang sa mga nagsisipaglarong kaklase. Isa si Leonora Magtanggol sa pinakamatalino sa loob ng klase. May mga pagkakataong balisa at di nakikinig si Leonora at tila inaantok. Tinanong ko siya kung ano ang dahilan. Napag- alaman ko sa kaniya na kung minsan ay nahihilo siya. Sa pag-uusap din naming ay napansin ko ang tila pinagkalakhang damit na kaniyang suot at ang yayat niyang bisig. May limang araw nang di pumapasok si Leonora. Nagpasama ako sa isang batang nakaalam ng kanyang tirahan. Malayu-layo rin naman ang nilakad namin Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang nagpatuloy sa amin. Binigyan niya kami ng luklukan. Tinawag ang anak niyang si Leonora. May sakit pala siya. Iniabot ko sa kaniya ang dala kong pagkain. Sa una’y ayaw niyang tanggapin nito ang aking dala. Ngunit sa kalaunay pinaunlakan niya ito. “Pamahalaan.. . pag-aalsa. . . buhay na pagsunod.. . ama ni Leonora. . . nadaya. . . mapagpanggap na lider. . .bilangguan. . . apat na taon na. . . . Leonora. .. .Leonora. . .” Ang mga salitang iyan ang nagbabagang katotohanang nag iwan ng bakas sa aking kaluluwa. • 1. Ano-anong isyu ang tinalakay ng manunulat sa kuwento? • 2. Alin sa mga isyu ang lubhang nakaapekto kay Leonora? • 3. Bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Leonora sa maraming pagkakataon? • 4. Ano ang natuklasan ng kaniyang guro sa katapusan ng kuwento? • 5. Paano hinarap ng ina ni Leonora ang masasakit na katotohanan sa buhay nilang mag-ina? • 6. Paano nakaapekto kay Leonora ang mga suliranin ng kaniyang pamilya? • 7. Sa iyong palagay, magkakaroon ba ng pagbabago kay Leonora matapos matuklasan ng guro ang pangyayari sa kaniyang pamilya? Patunayan. • 8. May positibo kayang pagbabago na magaganap sa buhay ni Leonora? Gawin Ninyo
• Ano ang kahulugan ng
salita o mga salitang may guhit sa sitwasyong pinaggamitan nito? 1. Ang batang iyon, higit sa lahat ang nakatawag sa akin ng pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng panahong kami’y ipinagkilala. • 2. Lumakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan ko ang mukhang iyon na may kaitiman sa karaniwan. 3. Isa lamang sa pulutong si Leonora sa animnapung bata na nakakaharap ko. 4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang batang si Leonora. 5. Minsa’y nakaupo siya sa damong malamig naluntian. Sa isang kisapmata’y napaligiran ako ng mga batang aking tinuturuan. 6. Mabilis ang sibad ni Anselma. 7. Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang sumagot sa akin B. Tukuyin kung pamilyar o di pamilyar ang sumusunod na mga salita. Bigyan ng sariling kahulugan.
Salita Kahulagan Pamilayar o di-pamilyar
Sibad Kisapmata Luntian Pinag-ukulan ng tingin Pulutong Bakas ng kaluluwa Balisa Katanghalian na ng buhay Lampang-lampa Luklukan Isipin Mo • Ang pamilyar na salita ay mga salitang madaling maunawaan samantalang ang di-kilalang salita ay matalinghaga o mahirap maunawaan. Kailangang pag- isipan ito at palawakin upang maging maayos ang pakikipagtalastasan. Isapuso • Isapuso ang pagkakawang-gawa. Tulungan ang nangangailangan ng Kalinga. Isulat mo • Ipagpalagay na ikaw si Leonora Magtanggol. Ano ang mensaheng maibibigay mo sa iyong kababayan upang huwag mawalan ng pag-asa sa kanilang buhay. Sa pagsulat ng mensahe sikaping gumamit ng mga salitang pamilyar at di- pamilyar.