You are on page 1of 9

Malasusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananaliksik

I. Pamantayan
A. Pangnilalaman

1. Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
B. Pagganap
1. Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa F11PS – IIIf – 92
D. Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto
Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa tekstong binasa;
2. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;;
3. Naibabahagi ang sariling damdamin, karanasan na maiuugnay mula sa aral na napulot sa teksto ;at
4. Nakabubuo ng sariling kwento gamit ang mga kagamitang nakapaloob sa pandora’s box.

II. Paksang Aralin


Paksa: Tekstong Naratibo
Lunsaran: “Aginaldo ng mga Mago” ni: O. Henry -Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro
Sanggunian:
URL: 1. https://www.youtube.com/watch?v=O15dxrBNuAQ
2. https://www.youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs
3. https://verses25.wordpress.com/2020/07/03/ang-aginaldo-ng-mga-mago/
Kagamitan: Laptop. TV, speakers, fact sheets, yeso, illustration board
III. Pamamaraan/Istratehiya: Jigsaw Puzzle
A. Mga Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magandang hapon klas!
Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para
sa panalangin na pamumunuan ni _______.
2. Pagtsek ng atendans
Sino ang lumiban sa klase sa hapon na ito?
3. Balik-aral
Ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo
ay patungkol sa tekstong naratibo.
Ano ba ang tekstong naratibo?

Ano ang pangunahing layunin ng tekstong


naratibo?

Magaling!
4. Beheybyural Tsart
Bago tayo magkaroon ng mga gawain sa hapong ito,
ang buong klase ay hahatiin ko sa tatlong pangkat.
May inihanda akong “Bulsa ng Puntos”. Ito ay
sasalamin sa inyong pag-uugali at performans sa
loob ng klase. Sa bawat tanong na masasagutan INDICATOR 4, 5
nang tama ng bawat pangkat o di kaya’y tatanghaling
panalo sa mga gawain ay bibigyan ko ng puntos.
Ngunit kapag nakita kong mayroong hindi sumusunod
sa ating mga panuntunan, maingay, hindi organisado
at may mga miyembro na hindi nakilahok sa mga
gawain ay babawasan ko ang inyong puntos.
Maliwanag ba klas?

Mga Panuntunan sa loob ng Silid-aralan:


1. Panatilihin nakaayos ang pagsuot ng facemask.
2. Maghugas lagi ng kamay ng sabon at umaagos na tubig o magpahid ng alcohol-based na sanitizers.
3. Ugaliin ang sosyal na pagdidistansya.
4. Iwasan ang paghihiraman sa mga kagamitan ng iba.
1
5. Huwag maingay, iwasan ang pakikipag-usap sa katabi kung ito ay walang kabuluhan sa klase.
6. Makinig kung may nagsasalita sa harap
7. Panatilihing naka silent mode ang inyong mga gadgets at iwasan ang paggamit nito hindi naman kinakailangan.
8. Igalang ang opinion o ideya ng iba.
9. Kung ibig mong sumagot sa guro ay itaas lamang ang isang kamay.
10. Makilhok sa mga gawaing pampagkatuto

B. Tuklasin
1. Pagganyak
Bago natin simulan ang pagtalakay sa bagong
paksang tatalakayin natin ngayong umaga ay
may papanoorin muna tayong isang video na
may kaugnayan sa paksang tatalakayin natin.
Unawaing mabuti ang video dahil pagkatapos ay
magbibigay ako ng ilang katanungan.

Video clip ng “My


Dad is a Liar”

URL Address: https://www.youtube.com/watch?v=O15dxrBNuAQ


Mga Tanong:
 Ano-ano ang inyong mga nahinuha mula sa video na inyong napanood?
 Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
 Bilang isang anak, ano ang kaya ninyong isakripisyo para sa inyong mga magulang?

C. Linangin
1. Presentasyon
Kaugnay sa video na ating napanood,
ay may babasahin tayong teksto na napabilang
sa tekstong naratibo. Ito ay pinamagatang
“Aginaldo ng mga Mago” ni: O. Henry -Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

2. Paghahawan ng Balakid
Bago tayo mag-umpisa sa pagbabasa ay mayroon
muna kayong sasagutang gawain. Basahin ang
panuto bago sagutan ang mga tanong. INDICATOR 2
Naiintindihan ba, klas?

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit.

paninging lumalabo walang kabuhay-buhay


pusok o udyok nilagay

malungkot napaupo

namumutla nagmamadali

kulot para bang naiiyak

1. Sumalagpak sa sopa si Helen nang malaman niyang sumakabilang buhay na ang kanyang asawa.

2. Humagibis na papalabas si Ferleene sapagkat mahuhuli na siya sa klase.

3. Madalas kong nakikita ang nagniningning na mga mata ni Rashiela simula ng pumanaw si Ben.

4. Marahang kinuyom ni Meirose ang pera nang marinig niya ang yabag ng paparating niyang asawa

5. Hindi ko maipagkakaila na walang katinag-tinag ang palabas sa telebisyon kahapon.


2
6. Hindi ko maiwasang tingnan ang alun-along buhok ni Anathalia.

7. Una kong napansin ang mga pisnging nawalan ng kulay nang tiningnan ko ang aking sarili sasalamin.

8. Pumasok sa loob ng silid si Abdul ng walang bakas ng kagalakan .

9. Simbuyong pinaghahandaan ng mga magagaling na estudyante ng IV-Zara ang Buwan ngWika.

10. Kung alam ko lang ang nasa likod ng mga paninging hilam sa luha ni Sophia.

Magaling! Ngayon ay gamitin sa pangungusap


ang mga termino.

Magaling!

3. Pagbasa sa Teksto
Bago natin simulan ang pagbasa sa akda,
sa magkaparehong grupo, kayo ang magsisilbing Home Group.

Sa nabuong Home Group ay magbilang ng 1-3.


ang mga bilang 1 sa bawat grupo ay magsama-sama.
sila ngayon ang expert group no. 1

INDICATOR 6, 7
Ang mga bilang 2 sa bawat grupo ay magsama-sama
at sila ngayon ang expert group no.2 . Ang mga bilang 3
sa bawat grupo ay magsama-sama rin at sila naman
ngayon ang expert group no.3.
Sila ngayon ang magbabasa ng bahagi na nakaatas sa kanila.
Pagkatapos nila itong basahin at unawain sa loob ng apat na minuto
ay babalik sila sa Home Group upang ilahad ang nakaatas sa kanila
sa buong grupo upang mabuo nila ang teksto. Bibigyan ko kayo ng
dalawang minuto upang ibahagi ang inyong kaalaman sa buong grupo.

Pagkatapos ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain

, upang sukatin ang inyong naunawaan sa teksto.

Maliwanag ba klas?

Magaling!
Ngayon ay simulan na ang gawain at ang inyong oras ay magsisimula na.

Aginaldo ng mga Mago


Expert Group O. Henry
Maikling Kuwento – Estados Unidos
no. 1
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya.
Makatlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos, At kinabukasan noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing supa at magpalahaw. Kaya’t
iyon nga ang ginawa ni Della.
3
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos.Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing pusang
nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.Kinabukasan noon ay araw ng pasko at ang
Expert Group
no. 2

Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang disenyo ay
simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang mamahalin. At
sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa
loob niya ang bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga.
Dalawampu’t isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang
dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman sadyang
maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin
4 ni Jim upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad
na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat. Kinuha niya
ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng pag-ibig na
Expert Group
no. 3

Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.


“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o ano pa
man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako nagkagayon
noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng galak, at
pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay na malaon
nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang bintana ng
tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga
5 yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas
niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ay ang winika, “Malakas humaba ang buhok ko,
Jim.”
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
4. Pag-unawa sa Tekstong Binasa
INDICATOR 1, 3, 6, 7
PANGKATANG GAWAIN 1

PANGKAT 1
Panuto: Batay sa banghay ng kwento, isa-isahin ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento at iguhit ito. Piliin lamang ang
apat na mahahalagang pangyayari sa kwento mula sa simula hanggang wakas.

6
PANGKAT 2
Panuto: Maglahad ng mga umiiral na kulturang Amerikano tungkol sa pagbibigayan ng regalo base sa nabasang kwento. Ipakita
kung may pagkakatulad ito sa kultura ng mga Pilipino.

PAGKAKATULAD
KULTURA NG SA PILIPINAS
AMERIKA
TUNGKOL SA
PAGBIBIGAYA
N NG REGALO

PANGKAT 3
Panuto: Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Ipaliwanag kung paano nila ipinamalas ang
masidhing pagmamahal sa isa’t isa.

7
Bago ko iwasto ang inyong mga sagot ay panoorin muna natin ang
isang video na nagbubuod sa maikling kwentong inyong binasa

URL Address: https://www.youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs

5. Paglalahat (GENERALIZATION)
INDICATOR 1, 3, 5
Panubaybay na tanong:

 Sa inyong palagay, bakit kaya pinamagatan itong “Aginaldo ng mga Mago”?


 Kung ikaw ang may-akda, paano mo wawakasan ang kwento? Babaguhin mo ba ito o hindi? Ipaliwanag
 Ano-ano ang mga aral na napulot ninyo sa kwento?
 Sa iyong palagay, maisasakaripisyo mo ba ang mga bagay o ari-arian na mahal at
mahalaga sa iyo, mapaligaya mo lamang ang iyong minamahal? Pangatwiranan.
 Ano-ano ang mga paniniwala at mga nakagawian ng inyong pamilya tuwing pasko?

D. Ilipat
PAGBUO NG SARILING KWENTO GAMIT ANG PANDORA’S BOX INDICATOR 3, 6, 7

Panuto: Bumuo ng sariling maikling kwento gamit ang mga kagamitan na nakapaloob sa Pandora’s Box. Lagyan ng pamagat ang
nabuong kwento at tiyakin na ito ay kapupulutan ng aral. Siguruhin na may partisipasyon ang lahat ng miyembro ng grupo sa
pagpresenta.

Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka:

Pamantayan Puntos Iskor


Nilalaman
 Nagamit nang wasto ang mga kagamitan na nakapaloob sa pandora’s box sa pagbuo
ng kwento 50
 Kakikitaan ng mga elemento ng tekstong naratibo (tauhan, tagpuan, banghay,
paksa/tema
 Wasto ang pagkakagamit ng wika
Organisasyon
 Maayos at malinaw ang banghay ng kwento (pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari) 20
Pagkamalikhain
 Inilalahad ang mga ideya sa malikhaing paraan 30
Kabuuan 100

8
IV. Takdang Aralin

Panuto: Basahin ang konsepto ng Tekstong Deskriptibo, tukuyin ang mga katangian at elemento nito. Isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni: Tagamasid/Tagasuri:

LOREN GRACE B. TONIDO REJOHN M. PELIGRO, Ph.D


Teacher I Master Teacher II/SHS Coordinator

You might also like