You are on page 1of 21

Quarter 1 Week 5 D3

FILIPINO

REMEDIOS S. REYNO
MT 11
PIAS – GAANG ELEMENTARY
SCHOOL

AUREA S. AUSTRIA
Principal II
Tuklasin Mo
Sa paanong paraan naging bahagi
ang guro sa tagumpay na natamo
ng kaniyang mag-aaral?

Ngayong araw ay babasa kayo ng


kwento pero bago natin basahin
ang kwento, alamin muna natin ang
kahulugan ng mga sumusunod na
salita.
Nakatawag ng pansin
Panlabas na anyo
Kisapmata
Sibad
Lampa
Balisa
Yayat
Luklukan
pinaunlakan
Basahin ang kuwento
Walong Taong Gulang
Leonora Magtanggol ang pangalan ng
batang nakatawag sa akin ng pansin,
hindi sa una pa lamang malas kundi sa
tinagal- tagal ng panahong kami’y
nagkakilala Ang batang ya’oy isa
lamang sa aking mga tinuturuan.
Lumipas ang dalawang linggo ng
pasukan, lalo kong nakilala si Leonora.
Kakaiba siya sa mga batang aking
tinuturuan, hindi lamang sa kaniyang
panlabas na anyo kundi maging sa
kaniyang kakayahan sa pag-aaral.
Araw- araw ay nakikita kong si
Leonora ay patingin-tingin lamang
sa kaniyang mga kaklaseng
nagsipaglaro sa bakuran ng aming
paaralan.
Minsan, sinubukan kong
makipaglaro sa kanila. Gayon na
lamang ang katuwaan nila. Sa
isang kisapmata’y napaligiran ako
ng mga mag-aaral. Kinawayan ko
si Leonora . Lumapit naman siya.
Nakita kong hindi siya mabilis
kumilos na gaya ng iba.
Iminungkahi ng mga bata ang
larong habulan. Naisip ko
naman ang larong “ Pusa at
Daga.”
Si Anselma ang gumanap ng
daga at si Leonora naman ang
pusa. Mabilis ang sibad ni
Anselma. Nang aabutan na ni
Leonora si Anselma, kitang-kita
Kitang – kita ko ang kanyang
pagkadapa. Lampang-lampa! Di
sanay maglaro. Ito ang
katotohanang aking nasaksihan.
Mula noon, madalas ko siyang
kausapin. Ipinaliliwanag ko sa
kaniya ang kabutihang maaaring
idulot ng pagsali sa paglalaro.
Nauunawaan naman niya ito.
Datapwat, sa kabila noon ay
nakikita ko pa rin ang kanyang
pag-iisa at patingin-tingin lamang
sa mga nagsisipaglarong kaklase.
Isa si Leonora Magtanggol sa
pinakamatalino sa loob ng klase.
May mga pagkakataong balisa at
di nakikinig si Leonora at tila
inaantok. Tinanong ko siya kung
ano ang dahilan. Napag-alaman
ko sa kaniya na kung minsan ay
nahihilo siya. Sa pag-uusap din
naming ay napansin ko ang tila
pinagkalakhang damit na kaniyang
suot at ang yayat niyang bisig.
May limang araw nang di
pumapasok si Leonora.
Nagpasama ako sa isang batang
nakaalam ng kanyang tirahan.
Malayu-layo rin naman ang nilakad
namin. Isang babaeng nasa
katanghalian na ng buhay ang
nagpatuloy sa amin. Binigyan niya
kami ng luklukan. Tinawag ang
anak niyang si Leonora. May sakit
pala siya. Iniabot ko sa kaniya ang
dala kong pagkain. Sa una’y ayaw
niyang tanggapin nito ang aking dala.
Ngunit sa kalaunay pinaunlakan niya
ito.
“Pamahalaan.. . pag-aalsa. . . buhay na
pagsunod.. . ama ni Leonora. . .
nadaya. . . mapagpanggap na
lider. . .bilangguan. . . apat na taon
na. . . . Leonora. .. .Leonora. . .” Ang
mga salitang iyan ang nagbabagang
katotohanang nagiwan ng bakas sa
aking kaluluwa.
Sagutin ang mga tanong
1.Ano-anong isyu ang tinalakay ng
manunulat sa kuwento?
2.Alin sa mga isyu ang lubhang
nakaapekto kay Leonora?
3. Bakit ganoon ang naging
reaksiyon ni Leonora sa maraming
pagkakataon?
4. Ano ang natuklasan ng kaniyang
guro sa katapusan ng kuwento?
5. Paano hinarap ng ina ni Leonora
ang masasakit na katotohanan sa
buhay nilang mag-ina?
6. Paano nakaapekto kay Leonora
ang mga suliranin ng kaniyang
pamilya?
7. Sa iyong palagay, magkakaroon ba
ng pagbabago kay Leonora matapos
matuklasan ng guro ang pangyayari
sa kaniyang pamilya? Patunayan.
8. May positibo kayang pagbabago
na magaganap sa buhay ni Leonora?
Gawin Ninyo Ano ang kahulugan
ng salita o mga salitang may guhit
sa sitwasyong pinaggamitan nito?
1.Ang batang iyon, higit sa lahat
ang nakatawag sa akin ng pansin,
hindi sa una pa lamang malas
kundi sa tinagal-tagal ng
panahong kami’y ipinagkilala.
2. Lumakad na ang ikatlong linggo
ng pasukan nang matandaan ko
ang mukhang iyon na may kaitiman
sa karaniwan.
3. Isa lamang sa pulutong si Leonora
sa animnapung bata na nakakaharap
ko.
4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang
batang si Leonora.
5. Minsa’y nakaupo siya sa damong
malamig naluntian. Sa isang
kisapmata’y napaligiran ako ng mga
batang aking tinuturuan.
6. Mabilis ang sibad ni Anselma.
7. Isang babaeng nasa katanghalian na
ng buhay ang sumagot sa akin.
Gawin Mo
A. Basahin ang mga pangungusap
at tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang may guhit.
1. Ang batang iyon, higit sa lahat
ang nakatawag sa akin ng
pansin, hindi sa una pa lamang
malas kundi sa tinagal -tagal
ng panahong kami’y
nagkakilala
2. Lumakad na ang ikatlong
linggo ng pasukan nang
matandaan ko ang mukhang
iyon na may kaitiman sa
karaniwan.
3. Isa lamang sa pulutong si
Leonora sa animpung bata na
nakakaharap ko.
4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang
batang si Leonora
5. Minsa’y nakaupo siya sa
damong luntian.
6. Sa isang kisapmata’y
napaligirian ako ng mga batang
aking tinuturuan.
7. Mabilis ang sibad ni Anselma.

8. Isang babaeng nasa


katanghalian na ng buhay ang
sumagot sa akin .
Isipin Mo
Ang pamilyar na salita ay mga
salitang madaling maunawaan
samantalang ang di-kilalang
salita ay matalinghaga o
mahirap maunawaan.
Kailangang pag-isipan ito at
palawakin upang maging
maayos ang
pakikipagtalastasan.
Isapuso Mo
Isapuso ang
pagkakawang-gawa.
Tulungan ang
nangangailangan ng
Kalinga.
Isulat mo
Ipagpalagay na ikaw si Leonora
Magtanggol. Ano ang
mensaheng maibibigay mo sa
iyong kababayan upang huwag
mawalan ng pag-asa sa
kanilang buhay. Sa pagsulat ng
mensahe sikaping gumamit ng
mga salitang pamilyar at di-
pamilyar.

You might also like