You are on page 1of 37

PANITIKAN

Hihimayin

TITIK- letra
-unlaping PANG
-Hulaping AN

PANG+TITIK+AN=PANITIKAN
DR. PONCIANO B. PINEDA

Katipunan ng mga magaganda,


mararangal, at masisining at
madamdaming kaisipang
nagpapahayag ng mga karanasan
at lunggati/handom ng isang lahi.
ANYO NG PANITIKAN
TULUYAN

•Ito ang mga akdang pampanitikan


na nasusulat sa karaniwang takbo
ng pangungusap. Tuloy-tuloy ang
pagpapahayag nito.
▪ Anekdota
▪ Alamat
▪ Balita
▪ Dula
▪ Kwento
▪ Nobela
▪ Pabula
▪ Pangulong tudling
▪ Parabula
▪ Sanaysay
▪ Talambuhay
PATULA

- Sinusulat ito na may


sukat at tugma
•Korido
•Dulang patula
•Liriko
•Oda
MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA
PAGTUTURO NG FILIPINO AT
PANITIKAN
1. Oras na itinakda para sa asignatura.
2. Kawalan ng interes ng mga mag- aaral na matuto sa asignatura.
3. Ang mahinang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig.
4. Ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga
akdang pampanitikan.
5. Hindi sapat na kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog
sa pagtuturo ng akdang pampanitikan.
6. Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang salita/pahayag ang
guro at mag-aaral.
7. Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning pangwika na
matatagpuan sa mga aklat, materyal at maging sa kanyang
pananalita na nakapagpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-aaral
sa wika at panitikang Filipino.
PAKIKINIG
HEARING IS A NATURAL PROCESS, WHILE
LISTENING IS A SKILL

Hearing
-limitado lamang sa pagtanggap ng pandinig sa mga
tunog.
Listening
-kinapapalooban din ng pagkilala sa mga tunog, pag-
alala sa naririnig at pagbibigay-kahulugan o pag-
ininterpret sa tunog na naririnig.
PROSESO NG PAKIKINIG
MGA URI NG
TAGAPAKINIG
EAGER BEAVER

•Siya ang tagapakinig na ngiti


nang ngiti o tango nang tango
habang may nagsasalita sa
kanyang harapan. Ngunit kung
naintindihan niya ang kanyang
naririnig ay isang malaking
tanong.
SLEEPER
-Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na
sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig. Sa
katunaya’y naiinis pa nga siya kapag may nag-iingay. Dahan-
dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang
inihihilig ang ulo at maglalakbay sa daigdig ng panaginip.
TIGER
Siya ang tagapakinig na laging
handing magreak sa anumang
sasabihin ng nagsasalita. Lagi siyang
naghihintay ng maling sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat
pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang.
BEWILDERED

• Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay


walang naintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin sa pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
Frowner

-Siya ang tipo ng tagapakinig na wari


bang lagi na lang may tanong at
pagdududa. Makikita sa kanyang mukha
ang pagiging atentibo, ngunit ang totoo,
hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi
isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang
opportunidad na makapagtanong para
makapagpaimpres.
RELAXED
• Isa siyang problema sa isang
nagsasalita. Paano’y kitang kita sa
kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Madalas, nauupo siyang
para bang nasa sala ng sariling
bahay at itinutuon ang atensyon sa
ibang bagay o tao. Walang
makikitang iba pang reaksyon mula
sa kanya, positibo man o negatibo.
Busy Bee

Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig


-

sa anumang pangkat. Hindi lamang siya


hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang
gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi,pagbasa
ng libro o magasin, nagsusuklay o iba
pang gawaing walang kaugnayan sa
pakikinig.
Two-eared Listener

-Siya ang napakaepektibong tagapakinig.


Nakinig siya gamit hindi lamang ang kanyang
tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos
ang partisipasyon niya sa gawaing pakikinig.
Obhetibo ang reaksyon ng mensaheng kanyang
naririnig. Makikita rin sa kanyang mukha ang
kawilihan sa pakikinig. Samakatwid, ito ang uri
ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat.
PAGSASALITA
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG
PAGSASALITA

1.Kaalaman
2.Kasanayan
3.Tiwala sa Sarili
PAGBASA
-Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag. Isa ito sa mga makrong
kasanayang pangwika at isa sa mga
pinakagamitin sa lahat.
HAKBANG SA PAGBASA

1.Persepsyon
2.Komprehensyon
3.Reaksyon
4.Asimilayon/ integrasyon
PAGSULAT
• Ito ay pagsasalin sa papel o
anumang kasangkapang maaaring
mapagsasalinan sa mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon sa
layuning maipahayag ang kanya o
kanilang kaisipan.
HAKBANG SA PAGSULAT

1. Prewriting
2.Actual Writing
3.Rewriting
PANONOOD
Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng
-

manonood sa palabas, video


recording at iba pang visual media
upang magkaroon ng pag-unawa sa
mensahe o ideya na nais iparating
nito.
PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL AYON
SA MGA SUMUSUNOD NA ANTAS:
SEKONDARYA

1. Mas interesado sila sa pakikilahok kung ang paksa ay naiuugnay sa


tunay na buhay.
2. Nakikilahok sila sa talakayan kung ang paksa ay tungkol sa pag-ibig.
3. Kung ang gawain ay maiuugnay gamit ang teknolohiya.
4. Madaling nagagawa ang gawain kung nailalapat ito sa pamamagitan
ng masining o malikhaing paraan.
5. Mas aktibo silang makilahok sa gawain kung kapangkat nila ang
kanilang kaibigan.
TERSYARYA

1. Ang performans sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa gawain at


talakayan ay nakadepende sa kanilang kursong kinabibilangan
at kapasidad o antas ng kanilang kakayahan at kaalaman.
2. Mas lalahok sila sa gawain kung bibigyan ng puntos.
3. May iilang mag-aaral na mahiyain kung kaya natatakot na
makilahok sa talakayan at gawain.
4. Madaling mabagot sa klase.
5. Mas lalong magsusumikap na makilahok sa talakayan kung
bibigyan ng pagpapahalaga ang kanyang sagot.
SALAMAT PO!

You might also like