You are on page 1of 35

MAKRONG KASANAYAN:

PAKIKINIG
Kahulugan ng Pakikinig
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag iisip.
Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag
isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng
mga salitang kanyang napakinggan.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 2


Kahulugan ng Pakikinig
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais
ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.At naririnig
natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.Ang wave
stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa
utak.
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 3
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha
ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-
unawa,pagtanda o paggunita sa narinig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 4


KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
• Sa pag aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng
tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas
gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.Lalo na ang mga
mag-aaral sa loob ng silid aralan.Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong
makilahok sa kanila.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 5


Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan
ng tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang bagay na nakita at napakinggan
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 6
Mga Uri
ng
Pakikinig
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 7
DESKRIMINATIBO
• Layunin:
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di
pasalitang paraan ng komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos
habang nagsasalita.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 8


KOMPREHENSIBO
• Kahalagahan:
• maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng
kanyang pinakinggan.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 9


PAGLILIBANG
• Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili.
• ginagagawa para sa sariling kasiyahan

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 10


PAGGAMOT
• Kahalagahan:
• matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita
na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o
suliranin ng nagsasalita.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 11


KRITIKAL
• Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• makabubuo ng analysis ang tagapakinig batay sa narinig
• malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang
maintindihan

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 12


Mga Elementong
Nakaiimpluwensiya
sa Pakikinig
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 13
EDAD O GULANG
• kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang
pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa
kanilang kakulangan sa pang-unawa .
• Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang
mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdaman nikaysa katawan bunga ng kanilang kantadaan,katulad
ng pag atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 14


ORAS
• Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.Ang Isang
tagapakinig ng tawagan sa hatinggabi o sa madaling araw ay di kasing
linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan.May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag,Ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit nasa oras ng tanghalian ay di
na rin epektibo sa mga tagapakinig.Ang mga estudyante na may klase
sa Umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante pang
hapon.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 15


KASARIAN
• Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae.Ang mga
lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil
maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o
ipaliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi
pinapakinggan.At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang
may pansarili silang interes.Ang mga babae naman ay ayaw sa
lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa
pagbibigay ng paliwanag.Higit na mahaba ang pasensiya ng babae
sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 16


TSANEL
• Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking
tulong upang magkaunawaan gaya ng
cellphone,telepono,mikropono,radyo atbp.Epektibo pa ring tsanel sa
pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipagusap kaysa sa
paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe
gayon din ang kanyang emosyon.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 17


KULTURA
• Ang pagkakaiba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di
mabuting kawilihan sa pakikinig.Ang pananalangin ng ating mga kapatid
na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano.Parehong
Pilipino pero magkaiba Ng kultura.Sa panayam,may mga tao na malayang
nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam
pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang
nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na
itong magsalita.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 18


KONSEPTO SA SARILI
• Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maaari
niyang magamit sa pagkontra o pagsang ayon sa sinasabi ng
tagapagsalita .Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig
sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring
magwakas sa mabuti o di mabuting katapusan.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 19


LUGAR
• Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat
at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon nge isang
tagapakinig ng Isang panayam .Ang mainit,maliit at
magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang
ganang makinig ng mga tagapakinig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 20


MGA URI
NG
TAGAPAKINIG

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 21


EAGER BEAVER

• Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango


habang may nagsasalita sa kanyang harapan ,ngunit kung
naintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking
tanong.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 22


SLEEPER

• Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang


tahimik na sulok Ng silid.Wala siyang tunay na
intensyong makinig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 23


TIGER

• Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng


reaksiyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 24


BEWILDERED
• Siya ang tagapakinig na kahit na naong pilit ay walang
maintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtaka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 25


FROWNER

• Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may


tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging
aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi
isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya
ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 26


RELAXED
• Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y
kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo mman o negatibo.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 27


BUSY BEE
• Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsimisan
sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 28


TWO-EARED LISTENER

• Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig


siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon
niya sa Gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang
mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 29


Mga
Kabutihang Maidudulot
ng
Aktibong Pakikinig

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 30


• Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang
mapaamo ang matigas na damdamin.
• Madaling maunawaan ang posisyon ng iba
kungmataimtim na makikinig sa kanya.
• Maiiwasan ang mga negatibo ng pagpuna kung
ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 31


• Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-
pagkakasunduan kung makikinig sa bawat nagsasalita
• Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng
pakikinig.
• Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa
pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga
kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 32


Mga Maling Paniniwala
sa Pakikinig
• Ang pakikinig daw ang
pinakamadali sa apat na
makrong kasanayan
• Ang mga marunong lamang
daw ang mahuusay making
• Hindi na raw kailangang
pagplanuhan ang pakikinig

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 33


Mga Hadlang
sa Pakikinig
• Pagbuo ng maling kaisipan
• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pagkakaiba ng kultura

MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG 34


MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

You might also like