You are on page 1of 2

Ako si Clarise Espinola.nakatira sa Mojon,Malolos Bulacan.

Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa


Unibersidad ng Bulacan na may kursong Information Technology.Ako ay 17 taong gulang na.Ang
aking mga magulang ay sina Nelia Espinola,isang housewife at Larson Espinola na isang
welder.Dalawa lang kaming magkapatid.Isa lamang akong simpleng estudyante na may munting
pangarap.Yun ay ang makapagtapos ng pag-aaral.Ako yung tipo ng tao na lagi lamang sa loob ng
aming munting tahanan lalo na kapag walang pasok.Marami din naman akong mga
pinagkakaabalahan.Paminsan minsan ay gumuguhit ako.Isa kasi ito sa aking mga
libangan.Libangan ko din ang magbasa ng mga libro,manuod sa telebisyon,at ang makinig ng
musika.Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay lalo na kapag walang pasok.Masaya ako
sapagkat mayroon akong mga tunay na kaibigan.Medyo maselan ako pagdating sa
pagkain.Syempre lahat naman tayo ay may mga gusto at ayaw.Sa mga magkakaibang bagay nga
lang. Nais kong makapagtapos ng pag-aaral.Hindi lamang para sa akin kundi maging sa aking mga
magulang.Mabigyan ng magandang kinabukasan.lahat ng ito ay pangarap ng bawat isa,ang
makaahon sa kahirapan.

        Suwerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin.lalo na sa aking mga magulang.Masasabi
kong maganda at makulay ang mundong aking ginagalawan.Dahil sa nandyan ang aking mga
magulang na handang dumamay at sumuporta sa lahat ng bagay.Kaya lubos akong
nagpapasalamat .

Ang Aking Talambuhay


       Ako si Sam David Dizon Ollanda, ipinanganak noong Marso 16, 1999 sa lunsod na
dakila (San Pablo) kina Grace Encarnita Dizon Ollanda at Ferdinand Lamud Ollanda.
Mayroon akong dalawang kapatid, si Laurice, ang panganay, at si Ferdie, ang
pangalawa (pang gitna).

       Noong ako'y nasa murang edad pa lamang, ako ay isang mahiyaing bata. Bihira
akong makipagusap sa mga ibang tao. Halimbawa na nito ang mga bisita, kamag-anak
at iba pa. Kalimitan ako ay laging nasa kwarto pag mayroong bisita sa aming bahay at
kapag naman nasa ibang bahay ako ay laging nasa tabi o likuran ng aking mga
magulang o kaya mga kapatid. Ngunit sa paglipas ng panahon naiibsan ko na ang
aking pagkamahiyain dahil sabi nga sa akin nga mga kamag-anak ko na mas mabuti
tingnan ang isang tao kung hindi ito mahiyain. Kaya simula noong araw na ako'y
mabigyan payo nila, unti-unti na akong natutong makisalamuha sa ibang tao.

       Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming mga pagsubok ang
dumating sa akin. Dito na nagsimula ang aking pagiisip sa mga bagay na pwedeng
maging solusyon sa mga ito. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y
lumaking maging mabuti at maparaang tao. Ang aking pinagdaanan at naging
karanasan sa sekondaryang paaralan (high school) ay isa sa maituturing kong
pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay ang mga taong naranasan ko ang tunay na
kahulugan ng kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan noong araw
ng "recognition" at iba pang araw ng pagpapangaral sa mga estudyante. At sa bagay
ding ito naransan ko ang kalungkutan sa mga bagay na tulad ng pag-ibig sa iyong
kapwa dahil sa labis mong pag-aalala sa kanila. Ngunit, ito lang talaga ang hinding-
hindi ko makakalimutan, ang makapagtapos ng pag-aaral para sa aking mga magulang
at sa aking pamiya.

       Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa buhay, masasabi kong ito
ang naging produkto ng aking paghihirap sa aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing
inspirasyon ko upang ako'y gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga
kasiyahan at pagbibigay parangal sa aking mga magulang at kamag-anak.

       Marami akong nahiligan noong ako'y nasa murang edad pa lamang. Ngunit ang
paglalaro ng "basketball" ang s'yang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng
kasiyahan sa mga sports o mga hilig sa buhay. Mahilig din akong gumawa ng mga
gawaing bahay na nagsisilbing kasanayan ko sa aking pagtanda. Pero sa lahat-lahat,
ang pag-aaral ang aking nananatiling aking hilig sa lahat ng bagay. Mahirap man o
nakakatamad sa umpisa, ngunit ito ay aking nilalabanan sapagkat ito ang
pinakamahalagang instrumento upang ako'y mamuhay ng mabuti at masaya.

       Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang
magbibigay sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging
matagumpay, hindi lang sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa

You might also like