You are on page 1of 3

Pangalan: Julrey Rosales Petsa:01-14-20

Baitang at Pangkat: 11-Bromine Subject:Filipino

Talambuhay ko mula nong ika-pito hanggang ika-labing isang baitang

Noong akoy nasa ika 7 baitang pa lamang nag-aaral ako sa paaralan ng NNVS

kung saan doon ako unang nadama ang pagiging isang mag-aaral na high school. Doon

ko napagtanto na ang mga bagay sa elementarya ay di gaya nang sa high school dahil

mas may mga gawain ka talagang kailangang tapusin. Noong unang araw palang ng

pasukan wala akong kakilala kasi ako ay nag transfer lamang mula Davao, malamang

nakakahiya talaga kasi halos lahat ng mga nasa loob ng paaralan ay magkakapitbahay

lamang. Yung aking guro naman ay may pagka-strikto kasi dahil ata sa kilay nya.

Sinimulan ni ma'am ang unang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala, malamang

bagong baitang dapat bagong kakilala ganun. Natawa nga ako sa ilan kong kaklase dahil

sa kanilang mga apilyedo kasi talagang hindi ito common at ang sakin lang ang medyo

common. Pagpapakilala nga nong babaeng cute eh nag blush ako konti kasi ang cute at

matalino pa. Nakakalungkot nga lang kasi magtatransfer daw ako pabalik sa davao tapus

talagang nalungkot dahil pagkatapos ng Second Quarter transfer agad, sino ba namang

tao ang hindi malulungkot nyan. Pagbalik ko sa Davao nag hanap agad ako nang

malilipatang paaralan sami ni nanay sa Bangoy daw ako kasi malapit lang kaso pag punta

ko doon ang sabi sa akin puno na daw ang bawat silid aralan at nagsisiksikan na sila,

sabay sabi na subukan ko daw sa Navarro o sa Bustamante pagkadinig ko non punta

agad ako. Napaka-init ng panahong iyon kasi, tapus yung Navarro pala na paaralan ay

kailangan ko pa sumakay ng dalawang beses, tapus ang pamasahe lang naman ay 30

lahat papunta at pabalik. Pagkatapos punta na naman ako sa Bustamante napagtanto ko

na mura lang ang pamasahe 10 peso lang, edi syempre masaya ako kasi makakatipid.

Inasikaso ko agad ang mga requirements para makapasok na agad ako kasi baka huli

na ako sa mga aralin. Noong unang araq ko na sa pinaglipatan kong paaralan syempre

nagpakilala ako at nakipaghalubilo para may makabarkada, at ayun may nakilala naman

ako kaagad. Pagsapit ng tanghali pagkatapus kumain grabe umatake agad ako sa

computer shop kasama mga bagong kabarkada, pagkatapos pag balik sa silid-aralan

may isang echosera ang nag sumbong kay ma'am na hinatak daw nila ako kaagad sa
computershop kabago-bago ko pa lang namang mag-aral. Daming mga gawain noon

tsaka mga proyekto buti nalang madiskarte ako at hala birada kaagad sa mga bagay na

sinabi ni ma'am at ipapasa. Dahil naman doon natapos ko ang ika-7 baitang.

Noong ako'y nasa ika-8 baitang na, masaya ako dahil ang kabarkada ko noong

huling taon ng aking pag-aaral ay kaklase ko pala kasama yung isang babae. Simula ng

unang araw grabe ang ingay ko kaagad buti nalang di ako nadidinig ni ma'am kasi nasa

likod ako naka-upo. Yung guro namin napaka-daldal tapus kung minsan puro kabastusan

pinagsasabi kaya ang mga utak ng mag-aaral ang tataba. Nilipat ako ng upuan ni ma'am

sa harapan dibale nagkalayo na kami ng kabarkada kong lalaki pero katabi ko nmn yung

babae na kabarkada ko rin noong nakaraang taon. Matalino nmn siya at maganda kaya

pag dating sa mga pagsusulit at mga pangpa-aralang gawain eh malakas ako kasi may

sources na ako dyan. Sa pagsusumikap at ilang estratehiya ng pangogopya natapos ko

ang ika-8 baitang.

Pagtungtong ko sa ika-9 baitang, malungkot ako kasi ako lang mag isa at wala

akong mga kaklase noong nakaraang taon buti nalang yung isa kong kaklase ay lumipat

ng silid aralan. Dahil sa kanya marami akong natutunan na mga bagay dibale sya yung

naging guro ko sa mga kakaibang bagay. Noong unang araw ng pasok kami lang dalawa

magkasundo palagi pero may kakilala pala siyang kaklase namin na matagal na pala

niyang kakilala. Nag usap usap kami tatlo tungkol sa pagpakikilala ng aming mga kaklase.

Pagdating sa mga pagsusulit syempre may sources padin ako. Pero itong baitang nato

nagin medyo malupet ako kasi angdami kong ka love team sa silid-aralan. Kung sino-

sinu nalang pinagsasabi na may ano daw kami. Kabataan nga naman nagkaroon ako ng

ka m.u noon pero iniwasan ko kasi isa sa lahat napaka selosa at kasi ayaw ko muna ng

istorbo sa pag-aaral kasi kailangan ko muna makapagtapos at mai-ahon ang pamilya

bago pumasok sa mga ganyang bagay. Napagtapos ko ang ika-9 na baitang sa awa ng

aking mga guro.

Ika-10 baitang na talagang napakahirap kasi marami rami kang gagawin. Unang

pagkakakilala ko sa aking mga guro ay magpapatakbo kana sa mga ugali na pinagsasabi

ng aking mga kaklase. Pero sa totoo lang di nmn pala sila ganoon mabait naman sila.

Minsan nga noong nag exam, ang ingay sa silid-aralan at ilang beses na ni sir
pinagsabihan na wag maingay para di mapunit exam sheets namin sa ESP. Pero antigas

talaga ng ulo nila kaya ayun pinatikim kami ng pagkapunit ng exam sheets, 0 kami kaagad

sa ESP. Dito ko napagisip-isipan na gustuhan ko na pala ang babaeng katabi ko sa ika-

8 baitang. Sa first quarter di ako nasama sa top students pag sapit ng second quarter

napasama na ako hanggang pagdating sa huling quarter. Sa kasiyasiyang bagay

nakapagmoving-up ako nang may ngiti.

Ngayong ako'y nasa ika-11 baitang na syempre pa chill ako kasi yung mga kaklase

ko antataba ng mga utak. Pwede ka makakopya, pero di ko lang dapat sobraan kasi

nakakasama na yon. Napagtanto ko na maniwala ka lang na makapagtatapos ka at itoy

magiging totoo, maghanap ka ng susuporta na kaibigan na matalino wag yung hahayaan

ka lang. At heto ako ngayon painom-inom ng kape sa bahay ng 12:13am at nag-aaral

kung paano ko ipaglalaban ang aming pananaliksik.

You might also like