You are on page 1of 1

ang tao ay may pantay pantay na karapatan, nagkakaiba man, ngunit may pagkakatulad parin sa

isang particular na bagay, may ibang nakalalamang may iba namang may kulang ngunit hindi
dapat ito ang basehan ng paghusga kanila, ang diskriminasyon ay ang hindi pantay na paghusga sa
mga tao, maaaring ito ay pagmamaliit sa kanila o panloloko o pambubulas sa kanila. marami ng
isyu ngayon ng diskriminasyon, maging maliliit na bata ay nakararanas nito mula sa kapwa rin
nila bata ngunit ang masaklap pa kadalasan ay sa matatanda. katayuan sa buhay, kasarian,
kapansanan, mga dahilan madalas ng pagkakaroon ng diskriminasyon. pagmamaliit sa mga
mahihirap, hindi pagtanggap sa mga bakla at tomboy, pambubulas sa mga may kapansanan, nasan
na ang pagkakapantay pantay sa Mundo,paano uunlad ang mga Filipino kung tayo tayo ang
nagbababa sa kapwa rin natin pilipino, katulad nga ng sabi sa isang kanta "marami sa ami'y
nabubuhay ng tulad mo, di makita di marinig minsay nauutal patungo sa hinahangad na buhay na
banal" kung saan marami sa mga Filipino ang nagpapakabulag kahit nakakakita, nagpapakabingi
kahit nakakarinig, at nagpapakapipi kahit nakakapasalita, mga tao na buo, ngunit pinipili ang
mamuhay na animo'y tulad ng may kapansanan. nagagawa ng lahat ng tao na husgahan agad ang
isang tao dahil sa estado sa buhay kasarian at kapansanan nila. bakit hingi ang mga taong buo
naman na nagpapakakulang ang aging husgahan at hindi ang mga taong kulang ngunit pinipilit na
maging buo. hindi sapat na dahilan na ayaw natin sa kanila kaya huhusgahan natin sila, hindi sapat
na dahilan na iba sila satin kaya huhusgahan natin sila at lalong hindi sapat na dahilan na dahil
nakalalamang tayo ay huhusgahan na natin sila. ang pagkakapantay pantay ay wala sa batas at
karapatan, ito ay NASA pagtingin ko pagtingin no at pagtingin ng mga tao, ang diskriminasyon ay
isyu na nabuo dahil sa tao, ibig sabihin ang solusyun sa isyung ito ay magmumula rin sa tao, ang
pagdedesisyon ay magmumumla sa tao.

You might also like