You are on page 1of 3

Panuyas, Dania Loubelle C. Prop. Myrna G.

Rabina
III-7 BCAED 2GED-FIL03 - SOSYALIDAD AT LITERATURA

Paglikha ng Sariling Islogan


Paksa: Gender Equality o Pagkakapantay-pantay ng kasariang taglay.

TAO RIN NAMAN AKO.


KAGAYA MO, PANTAY DAPAT TAYO.

Ang bawat tao ay isinilang na iba at natatangi ngunit hindi


maitatangging tayo rin ay may pagkakapareha. Iba't-iba man ang ating lahi
at hitsura, katayuan at pananaw, iisang adhika pa rin ang ating nais. Ang
pagnananais na maituring na kasapi ng isang pangkat nang may
paggalang at pagkilala. Tayo ay may pantay na karapatang dapat
matamasa, bata man o matanda, babae man o lalaki, bakla o tomboy.
Gaano man tayo pinag-iba ng mga katangian, sa ating mga puso, tayo ay
pantay at walang kalamangan sa isa't-isa.
50:50 = PANTAYIN ANG PAGKAKAIBA

Ang larawan ng kababaihan sa makabagong panahon ay tuluyan


nang maihahalintulad sa mga kalalakihan. Lumipas na ang panahon kung
saan ang mga kababaihan ay nakakubli at nakatago lamang sa apat na
sulok ng kanilang mga silid. Sa panahong pangkasalukuyan, nagbunga ang
pagpupursigi at pag-aalsa ng mga kababaihan at nabigyang boses ang
bawat isa. Ito ang kalayaang natatamasa ng mga kababaihan sa
pangkaraniwang panahon, ang karapatan at kakayahang dati ay
nararanasan lamang ng kalalakihan ngayon ay napapantayan o
nahihigitan pa ng mga kinikilalang modernong mukha ng mga kababaihan.
BAWAL ANG ESTEREOTIPO, PAREHO LANG NAMAN TAYO.

Sakit na ng mga tao ang stereotyping lalo na patungkol sa ating mga


kasarian. Kabilang na rito ang mga gampanin na nagpapakita ng
pagkakaiba ng babae at lalaki na kung saan ang lipunan lamang ang
nagtatakda ng kung ano ang mga dapat mong gawin base sa iyong
kasarian. Ilan sa halimbawa ay kapag babae, dapat manika, kapag lalaki,
dapat robot at marami pang iba. Panahon na upang wakasin ang ganitong
paniniwala. Kailangan natin kilalanin ang bawat isa base sa kung ano ang
kanilang kagustuhan at hindi dahil sa kung ano ang itinakda ng lipunan sa
kanila.

You might also like