You are on page 1of 2

Pangalan: Nizza T.

Candido
Seksyon: BSC – 1105

DISKRIMINASYON

Sa mundong lahat tayo ay hinuhusgahan,


Mapalalaki, babae, o LGBTIA man,
Maputi,maitim,panget,maganda,gwapo,payat,mataba, maliit,
matangkad, mahirap o mayaman kaman,
Wala kang magiging kawala sa mga matang mapanghusga sa lipunan.

Ano ba ang basehan para ikaw ay husgahan?


Nasa katayuan ba sa buhay? o sa kasarian?
May naitutulong bai to sa ating lipunan?
Ito ba ay ikauunlad ng bansa na ating ginagalawan?
Hindi ba’t hindi naman?

Kapag lalaki ka, manloloko kana,


Na ang gusto lamang ay maganda at magpakasaya sa bisyo nila.
Mga babae, na tingin ng lahat ay mahina,
Na walang kayang gawin kundi gawaing bahay na naiiwan sa kanila.
LGBTIA, na itinuturing na salot sa lipunan,
Pero hindi nila alam, na mas Malaki pa ang ambag sa ating lipunan.

Hindi naman tayo perpekto,


pero bakit parang nawawalan na ng respeto?
Imulat ating mga mata,
Hanapin ang mga tama at hindi ang mga mali ng bawa’t isa.
Itigil na ang diskriminasyon,
Kapwa ay iahon mula sa mapanghusgang mundo ngayon,
Wakasan na natin ang pagiging perpekto,
Itayo natin ang bandera ng respeto.

You might also like