You are on page 1of 1

Gender Inequality

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat ang hindi pantay na pag trato sa mga kababaihan di lamang sa
ating bansa ngunit sa buong mundo. Sa ating kasaysayan ay makikita ang pagging dominante ng mga
kalalakihan sa anumang larangan sa buhay. Sa trabaho, sa pagboto, sa pagkilala, hanggang sa edukasyon
ay kapansin pansin ang tila malaking pabor para sa mga kalalakihan. Bakit nga kaya ganun na lamang
kilalanin ng mundo ang kakayahan ng mga kalalakihan samantalang binabalewala ang mga kababaihan?

Ang panahon ay nagbabago at patuloy na umuunlad ang ating mundo. Mula sa imprastraktura
hanggang sa pamumuhay natin ay malaki na ang pinagbago kumpara noon. Ngunit ang pagkilala sa mga
kababaihan ay ganun din kaya? Paano na kinikilala ng lipunan ang mga kababaihan ngayon?

Sa patuloy na pag usad ng ating lipunan, nakakatuwang isipin na unti unti nang bumubukas ang
pintuan para sa mga kababaihan. Unti unti nang nakikilala ang kanilang mga kakayahan at nakikita na ng
mundo na ang kayang gawin ni Adan ay kaya ring gawin ni Eba. Mula sa pagtatrabaho, sa larangan ng
isports, sa entertainment hanggang sa pamamahala ng bansa, napatunayan nating kaya rin ng mga
kababaihan na mamayagpag.

Dito natin nakikita na ang pag ambag sa lipunan ay hindi naka base sa kasarian ng tao. Hindi
kabawasan sa pagkatao ang pagging isang babae. Ang kasarian ay isang biyolohikal na katangian at hindi
dapat magdikta sa kung anong kayang magawa ng isang tao sa lipunan. Ang babae at lalaki ay may kanya
kanyang talento at katangian na maaaring magamit para sa kaunlaran ng bansa. Dahil dito, dapat na
maging pantay ang mga pribelehiyo na kanilang natatamasa at mapunan ang lahat ng kanilang mga
pangangailangan.

Kung iisipin natin, hindi kaya isa sa dahilan kung bakit mabagal umusad ang isang lipunan ay dahil
na rin sa hindi pantay na pagtingin sa babae at lalaki? Ang mga kababaihan ay parte ng lipunan, kasama
sa pagbuo ng isang bansa. Kung lilimitahan natin ang kanilang mga karapatan at papel sa lipunan ay
hinahadlangan na rin natin ang pagkamit ng isang maunlad at progresibong bansa.

Malaki ang papel na gagampanan ng gobyerno sa usapin ng Gender Equality. Sila ang dapat na
manguna sa pagbali ng maling pagtingin sa kasarian. Sa pagpapatupad ng mga programa at batas,
nararapat lamang na isali ang lahat at bigyan ng pantay na pagkakataon upang ipahayag ang mga
saloobin at magbigay mungkahi.

Ang babae at lalaki ay pantay na nilikha ng Diyos. Wala Siyang itinangi sa mga ito. Marapat lamang
na bigyang halaga ang babae at lalaki na hindi tinitingnan ang kanilang kasarian kundi kung ano ang
kakayahan at maiaambag nila sa lipunan.

Gawa ni: Jhon Karlo P. Panol

You might also like