You are on page 1of 1

Q1; Magandang hapon Ms.

Lagbo, batay sa mga napapanahong isyu ngayon, isa dito ang


gender equality o pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Sa palagay mo, ano ang ibig
sabihin nito at ano ang masasabi mo dito?

ANS; Batay sa impormasyon na nalakhap ko sa internet, Ang pagkakapantay-pantay ng


kasarian ay isang mahalagang karapatang pantao, at ito ay kinakailangan para sa
isang mapayapa, maunlad at napapanatiling mundo. Para sa akin, ang pagtataguyod
para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay mabuti dahil sinisigurado nito na ang
mga lalaki at babae ay binibigyan ng parehong konsiderasyon at naipahayag ang
kanilang mga kakayahan at talento nang hindi nahahadlangan ng kasarian ng isang
tao.

Q2: Maraming salamat Ms. Lagbo, ngayon dumapo naman tayo sa ibang opinyon ng mga
mag-aaral. Mr. Igdalino, ano para sa iyo ang GENDER EQUALITY at ano ang masasabi mo
dito? at satingin mo ba lahat ay sumasang-ayon dito?

ANS: Sa tingin ko, Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay isang patakaran na


naglalayong tiyakin na ang mga kasarian ay tinatrato nang pantay. Masasabi ko na
makabubuti ito para sa ating lahat lalo na sa ibang tao na araw-araw
nakakaexperyensya ng diskriminasyon dahil lang sa kanilang kasarian. Sa tingin ng
ibang tao, nababase ang kakayahan ng isang tao base sa kanilang kasarian.

Q3: Mr. Labine, Sa iyong palagay, anong halimbawa ng diskriminasyon ang nararanasan
ng iba tungkol sa gender equality?

ANS: Isa dito ang paghahanap ng tarabaho. Sa paghahanap ng trabaho, mahalagang


isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian dahil maraming magagawa ang
kababaihan, na dati ay kalalakihan lamang ang may karapatan na may kakayahang
ipakita ang kanilang talento.

Q4: Mr. Igdalino may mga nais ka pa bang idagdag?

ANS: Oo, isa dito ang panunungkulan sa gobyerno, dati, lalaki lang ang maaaring
manungkulan dahil akala nila ay para lang sa gawaing bahay ang mga babae at hindi
ito kayang magpasunod sa pamahalaan. Gayunpaman, ngayon ay marami na ang mga
kababaihan na nanunungkulan sa bayan dahil naipakita nila ang kanilang kakayahan sa
pamumuno.

You might also like